Part 6

772 69 7
                                    


Nagising na lang siya isang umaga na katabi niya sa kama si Faye. At mula noon ay hindi na ito humiwalay pa sa kanya. Lalo na nang malaman nitong sa iisang unibersidad lang sila nag-aaral. 

We are friends now. Be grateful. I don't usually hang out with poor and ordinary people. 

Abot-langit ang kayabangan nito. Pero kahit ganoon ay hindi niya ito itinaboy. Paano niya ito magagawang itaboy kung ito lang ang kumakausap sa kanya? Sa unang taon niya kasi sa bansang iyon ay nagsisimula pa lang siyang mag-aral ng Italian language kaya naman ngiti at tango lang ang ginagawa niya sa mga kaklaseng bumabati sa kanya. Pero nagawa niyang makapag-adjust. 

She had more friends and became more sociable on her second year. But Rie Faye was less friendly on others. Masungit ito at prangka sa puntong ang pagsasabi nito ng totoo ay nagmimistulang pintas para sa iba. Pala-utos din ito at hindi marunong makiusap. Gagamitin lang nito ang salitang "please" kapag talagang desperada na ito. Paano nga ba siya nakatagal dito? 

You forgot? She's bribing you with art pieces. 

Kapag hihingi ito ng pabor at hindi siya pumayag. Alam nito ang kahinaan niya. Ganoon ito katuso.

Naputol ang daloy ng ala-ala niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad niyang sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ng kinakapatid niya sa call register.

"Where are you?" tanong nito.

"D-dito sa Tarlac," kinakabahang sagot niya.

"Tarlac? Anong ginagawa mo diyan?"

"May dinalaw lang."

"Sinong dinalaw mo?"

"Kaibigan."

"Sinong kaibigan?"

"H-ha? A e... hindi mo kilala." Napakamot siya sa ulo. Hirap talaga siyang mag-sinungaling. Lalo na't sangkot ang mga magulang niya.

"Paano mo naman nasabing hindi ko kilala?"

Sumimangot siya. Pikon na sinulyapan ang aparato. 

Nang-aasar ba ang isang 'to? 

"Kilala mo ba ang lahat ng tao sa Pilipinas?" inis na balik-tanong niya.

"Bakit? Kaibigan mo ba ang lahat ng tao sa Pilipinas?"

Natameme siya. 

Ang galing gumanti ng tanong...

"I knew some of your friends in that place. May ilan kang elementary classmates na tiga-diyan. Magbanggit ka ng pangalan."

"Ha?"

"Bilis. Naiinip ako."

Napangiwi siya. 

Hinuhuli niya ako kung talagang nagsasabi ako ng totoo. 

Mariin siyang pumikit. Nag-isip ng palusot. Bumilang siya sa isip. 

One, two, three! 

"Ay sorry Kuya Apollo! Lowbat na ako!" Matapos niyon ay mabilis niyang tinanggal ang battery ng aparato. Takot na isinilid niya 'yon sa shoulder bag. Napahawak siya sa dibdib. Huminga ng malalim. 

Kaunting tiis pa... Five more days to go and bye-bye to the liar me.

"Sorry 'Nay... Sorry 'Tay..." Lumuhod siya sa harap ng puntod na tila may anitong sinasamba. "Gipit lang ang anak niyo... pero wala ho akong masamang intensiyon. Tinutulungan ko lang ang kaibigan ko. Promise! Hindi dahil kay Venus de Milo!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Camille swallowed hard when she saw Apollo on the main door. Papagabi na nang makauwi siya. At mukhang bad shot siya sa "kinakapatid" niya. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa may hamba. 

Lumapit ito sa kanya at walang salitang hinablot ang bag niya. Nagtatakang napatingin na lang siya dito. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang itaas nito ang cellphone niya na obviously ay hindi nakasalpak ang baterya.

"Lowbat pala ha? Huwag mo akong maliitin Faye. Gawain ko din 'to minsan—I mean..." Tumikhim ito. "Lumang style na 'to." Sarkastikong tumingin ito sa kanya. "Tell me the truth. Where did you go?"

Kagat-labing napayuko siya. "Sa Tarlac nga... kulit mo naman."

"Umano ka 'don?"

"May dinalaw."

"Sino?"

Hindi siya sumagot. Parang inuulit lang nila ang eksena noong tawagan siya nito. At nahuhulaan niya na kung saan papunta 'yon kaya dapat niya nang baguhin ang daloy ng usapan. 

"Bakit kung makapagtanong ka para bang may ginagawa akong masama? Am I not entitled to visit who I want to visit? What does it have to do with you anyway? Are you my Mom? Or are you my husband?"

"I am your godbrother."

You are not! 

Muntik niya nang maisigaw ang nasa isip. "Iyon nga e! Kinakapatid lang kita pero kung makapagtanong ka, daig mo sina Mama't Papa!" 

Napaigik siya nang bigla nitong hilahin ang braso niya. Mahigpit ang pagkakahawak nito doon.

"I already said it. I am not like your parents who would tolerate a brat like you." Mahina lang ang boses nito subalit mariin iyon at mapanganib. "Inihabilin ka sa akin nina Ninang Carrie. Sila ang humingi ng pabor sa akin. Kaya huwag na huwag mo sa aking gagamitin ang ganyang tono. Tinatanong kita ng maayos kaya sagutin mo ako ng maayos. At nakatira ka sa pamamahay ko kaya sumunod ka sa mga pamantayan ko. Don't just lurk around without even calling on where the hell you will go." He dragged her arm away. "Bitch!"

Sumibi siya nang makaramdam ng takot. Nanlabo ang mga mata niya. Ilang sandali pa ay napaiyak na siya. "You don't have the right to call me bitch! You are an idiot Apollo!" Pumalahaw siya ng malakas. Tipong maririnig sa buong kabahayan.

"W-wait... Faye..." Kumurap ito. Ilang segundong naestatwa. Nasorpresa sa pag-iyak ng kaharap. "I'm not even bullying you for God's sake!" Natatarantang dumako ang mga kamay nito sa magkabilang balikat ng inaakalang kinakapatid. "N-Natural lang na pagalitan kita kung masyado mo akong pinag-aalala. Ikaw naman kasi e... Oh God... shut up!" Tinakpan nito ang bibig niya. "Okay, I'm sorry. Sorry!" 

Hindi pa rin siya huminto sa pagpalahaw. 

"This is cheating." He patted her head. "Sige na... Kasalanan ko na. Tumigil ka na. Hindi na kita kukulitin sa mga tanong ko."

Awtomatikong huminto siya. Inalis niya ang kamay nito sa bibig niya. "Talaga?"

Napamulagat ito. Kumunot ang noo.

Pinahid niya ang mga luha habang sumisinghot. "Gwapo ka sana Apollo kaya lang masyado kang pakialamero." Tinapik niya ito sa balikat. "Utu-uto ka pa. Akala ko ba kilala mo na ang karakas ko? Iniyakan lang kita, nagpadala ka na. Remember... pasaway at maldita si Rie Faye Buenaventura. Huwag mong kalimutan sa susunod ha?" Dinampot niya ang bag sa sahig. At tuluy-tuloy na pumasok sa loob.

"RIE FAYE!!!" 

Nagtatakbo siya papunta sa kuwarto nang marinig ang gigil na sigaw nito.

****

- Amethyst -

My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon