KABANATA 15
REMAINCielo POV
NAKATITIG LAMANG ako sa aking harapan at mistulang naghihintay ng pagbuhos ng malamig na tubig sa akin para tuluyan na akong magising sa reyalidad. Bakit parang ang hirap lumunok at ang hirap na mag-isip? Hindi naman ako ganito noon pero bakit ngayon ay naiba na? Hayst!
"Will you... not get close with Hannah anymore?" tuluyan niyang sambit na ikanagitla ko.
"A-ano..." tanging tugon ko at nabibigla pa rin.
"Ikaw... I know that you getting involved with my daughter is out of genuine feelings for her... However, iba iyon para sa aming pamilya niya. This will forever affect and change her." putol niya sa akin.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko pagkatapos nang pag-uusap naming iyon. Ngayon ko lamang naramdam ang sakit na ito. Parang dinudurog at kusang nagbibitak ang puso ko at ayaw na niya muling magdikit.
"Uhm... how does Hannah feel about this?" I asked and he remained silent, patiently waiting to finish my words.
"If hannah says she doesn't want to... then I will give up. But if it's other way around... I will remain as her friend."
Napatingin ako sa isang patak ng tubig sa aking kamay. Pinunasan ko iyon ngunit may pumatak muling isa. Hindi ko namalayan na sa mga mata ko pala galing ang mga iyon nang makita ko ang aking repleksyon sa salamin sa aking harapan.
Palabas na ako ng hospital at pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pinauwi na nila ako dahil gabi na daw at delikado na sa daan. Minabuti ko na lamang sundin iyon at hindi na umapela pa kahit na gustong-gusto kong manatili roon at magbantay kahit sa labas man lang ng kwarto niya ngunit hindi nangyari iyon.
Hindi ko alam kung paano nagtapos ang gabing iyon. Basta ang alam ko na lang ay nagising akong mabigat ang aking pakiramdam.
Matamlay kung kumilos hindi gaya rati na masigla at nakangiting parang baliw dahil papasok na ako ng eskwelahan.
Dama ko pa rin yung sakit ngunit eto ako ngayon nagpapatuloy pa rin. Bago ako tuluyang pumasok ay napagpasyahan kong daanan ang bahay nila Hannah. Nagbabakasakaling makita siya ngayong araw.
Nang matapat sa kanilang bahay ay tiningala ko ito at nag-ubos ng isang minuto bilang paghahanda bago pindutin ang door bell.
*Ding dong*
"Yes." boses ng Mommy ni Hannah ang tumugon at nagbukas ng pinto.
"A-ano po... andyan po ba si Hannah?" ani ko.
Hindi siya sumagot at ilang sandali lang ay lumabas si Hannah at nagtama ang aming mga mata.
"Uhh. I'm Cielo Cortes from the same class as you are." pakilala ko dahil batid kong hindi niya ako naaalala.
Kinuha ko ang diary sa loob ng aking bag at inilabas iyon pagkatapos ay lumapit ako sa kaniyang pwesto at iniabot ito sa kaniya.
"Hannah, will you read this? If you read it. You'll know eventually. Here!" pagkatapos kong sabihin iyon ay kinuha niya ito at doon na ako nagpaalam umalis.
Maging sa kaniyang Ina ay nagpaalam na rin ako tsaka ko sila tinalikuran. Nabawasan ang bigat sa aking puso at tila nagkaroon na ng ngiti muli ang aking labi.
Dalawang minuto pa lamang akong nakakaalis ay narinig kong muli ang boses ng Mommy ni Hannah. Huminto ako at nilingon ito, lakad-takbo siyang lumapit sa akin.
"Cielo, I'm on my way to go shopping nearby, so shall we go along the way together?" sabi niya sa akin.
Tumango na lamang ako habang nakangiti at ganon din ang kaniyang ginawa. Sabay kaming naglakad ng tahimik. Nabasag lamang ang katahimikang iyon nang biglang siyang nagsalita at napatingin naman ako sa kaniya.
"Hannah placed all her old albums in a box and shut it tight for good. It can't be helped, huh?" umpisa niyang ani at mataman naman akong nakinig sa kaniya.
"Para kay Hannah, the side of her she sees as well as the people in it brings nothing but confusion." dugtong niya.
Lumingon siya sa akin kaya nabaling muli ang atensiyon ko sa kaniya nang bigla siyang ngumiti.
"Alam mo ba, nung nakita ko siya isang beses na biglaan niyang binuksan muli ang kahon na iyon... she started to look through that albums." mangha niyang ani.
"It made me so happy. Kasi alam mo, even if she doesn't have memories, I'm sure they remained somewhere inside her brain." nakangiting baling niya sa akin.
Natawa at napatango naman ako sa kaniyang mga sinabi.
"No matter what period... Friends are those who... create the opportunities, right?" muling ani niya pa.
"That's too much credit." hilaw na ngising tugon ko.
"Cielo, I am really grateful about the exchange diary." seryosong sabi niya. Nagitla ako sa kaniyang nasabi.
"Thank you." pagpapasalamat niya at mataman akong tinitigan.
Masaya ako dahil nakipag-kwentuhan sa akin ang mommy niya kahit na sa sandaling oras o minuto ko siyang nakasama ay parang andami kong nalaman patungkol kay Hannah.
Nagpasalamat din ako sa kaniya at doon na kami naghiwalay nang landas. Ako ay patungong eskwelahan at siya'y patungong Mall.
Mas lalong naging maganda at magaan ang araw kong iyon at nang sumunod pang mga araw.
YOU ARE READING
Friends for a Week [HIATUS]
Fiksi RemajaHannah Montes is experiencing Dissociative Amnesia since through Middle School. Cielo Cortes is a young, wild and free boy who have talents in painting yet stubborn and naughty at all times. One day, Cielo found an ID in the library and sniffs it as...