kabanata 6

26 16 0
                                    

Matakot ka

Natahimik ang buong room dahil sa sinabi ni Canyx, ilang saglit pa ay nagtawanan ulit sila. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa sama ng loob sa sinabi nya sa akin

" Date him, he's free you know" Nilingon ko si Aqkill na ngayon ay nakangiti habang binabanggit iyon

I cant believe it. Hindi ko akalaing masisira ang buhay ko sa school na to dahil sa pag dating nila. My life was ruined! And its all because of that fucking aphrodite group. Nasira ako ng dahil kay Canyx at mas lalo nya pa itong sinisira

" Ano bang ginawa ko sayo?" Walang emosyong tanong ko dito. Nakatingala pa ko dahil hanggang balikat nya lang ako

Umalingaw ngaw sa buong room ang malakas na tawa nya mas lalo akong naasar

" I didnt do something, So you're blaming me too? I tought you would like if I ask you for a date" Tiningnan ko sya ng masama. Gusto ko sya pag sisigawan pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Para bang may malaking bato na nakapasak sa lalamunan ko

" Ang pabebe mo girl"

" It just a date, it didnt mean that he likes you too

" Ang feeling, nag papakipot pa"

Ikinuyom ko nanaman ang kamao ko dahil sa mga salitang naririnig ko sa paligid. They're all judgemental. They didnt know anything, pero kung makapag salita sila akala mo alam na alam nila ang buong pagka tao ko

" She didnt like you dude" Kumunot ang noo ni Canyx at nilingon si Ash. Nakita ko ang nakaka kilabot na pagtaas ng gilid ng labi nya

Naramdaman ko ang palad ni Allyson sa braso ko at hinila ako papa labas ng room. Nang makalabas kami ay napunta agad ang atensyon nila sa akin

Nandon sila Liezel sa hallway kasama ang mga kaibigan nya. Sinamaan agad nila ako ng tingin. Si Liezel ay nanatiling naka yuko

I cant believe na nagpadala ako sa pagpapa awa nya. She's being way too much. May boyfriend na pala sya pero bakit ganon sya maka asta sa akin kahapon? Pinilit pilit nya pa ako.

" Fuck you Liezel!!" Sigaw ni Allyson sa kanya. Mukhang hindi naman ito nagustuhan ng mga kaibigan nya

" What did you just say bitch?"

Lumapit ito sa amin at hinarap si Allyson. Napa atras ako pero si Ally ay nanatiling naka tayo at nagmamatigas sa pwesto nya. Mas matangkad ang babae sa kanya at meron pang ibang babae sa likod nito. Kung kakalabanin sya ni Allyson ay siguradong hindi sya mananalo

" I said Fuck. You! Are you deaf? " Naginit ang ulo ng babae dahil sa sinabi nya. Hinawakan ko ang braso ni Allyson pero marahas nya itong hinatak

" Bitch!" Mas lumapit yung babae kay Allyson at hinatak ang buhok nya. Ganon din ang ginawa ni Ally.

Lumapit pa yung tatlong babae sa likod at pinagtulungan nila si Ally.  Hindi ako maka kilos. Halos lahat ng studyante ay mag hawak ng cellphone habang nakatapat kila Ally

Lumapit ako doon at pilit na hinatak si Allyson pero itinulak lang ako ng isa. Bumalandra ako sa gilid ng hallway dahil sa lakas non. Hindi pa ako nakakatayo ay may humatak na agad sa buhok ko. Napapikit ako ng maramdam ko ang kuko nya na nakalmot ang gilid ng pisngi ko

" ouch! " Inda ko. Pilit kong tinutulak ang babae pero mas malakas ito sa akin

" You crazy Bitch! Hindi mag kakagusto si Canyx sayo at wag mong idamay si Liezel" naramdaman ko ang sampal nya sa mukha ko pero hindi naman iyon ganong malakas

Nakita ko si Yassy sa likod nya na hinahatak sya. Mabilis naman itong nakabitaw sa akin. Malakas na sampal ni Yassy ang bumungad sa kanya

Napa atras ako. Hinahabol ko ang hininga ko. Hinawakan ko ang gilid ng pisngi ko. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula dito. Tiningnan ko ang nanginginig na kamay ko at doon ko nakita ang dugo na nang galing sa pisngi ko

Seems Like We're Connected (On Going) Where stories live. Discover now