LLAS 4: Intense Encounter

104 8 0
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
=============}•>♥<•{=============

LOVE, LIES AND SY

-----

Sy's Point Of View

Kring!* Kring!* Kring!*

Paulit-ulit na tunog ng alarm ko kaya bumangon na ako para maghanda, this is my second day of school kaya dapat maaga ulit ako hehehe hay tama na nga muna itong chikahan.

Male-late talaga ako nito, maka tayo na nga so iyon nga ginawa ko bumangon na ako at tinungo ko ang lagayan ko ng damit para kumuha ng uniform pagkatapos ay bumaba na ako para maligo.

Nang nasa baba na ako ay nakita ko si mama na nagluluto kaya nilapitan ko siya at niyakap.

"Good morning ma" bumangan ko sa kaniyan.

"Oh anak good morning din sayo." sagot niya tapos bumalik ulit sa ginagawa niya.

"Ano yang niluluto mo ma? " tanong ko kay mama.

"Ah paborito mong adobo anak." sagot niya na ikinasaya ko.

"Talaga po ba ma?" Nakangiti kong sabi.

"Oo kaya bilisan mo ng maligo para hindi ka ma-late at nang makakain kapa ng agahan." sabi niya.

"Opo ma." Maikli kong sagot sabay punta sa banyo.

-----

Hay sa wakas tapos na rin ako kaya ready to go na ako kaya ang mangyayari ngayong araw sana madagdagan new friends ko hahaha.

Makaalis na nga, lumabas na ako ng kwarto tapos nagpaalam na ako kay Mama.

"Ma alis na po ako." Sabi ko sa kaniya.

"Okay sige, anak mag iingat ka ha? Umuwi ng maaga, okay?" sabi niya kaya niyakap ko siya.

"Opo naman ma sige, bye po." sabi ko sabay halik sa kaniya at tuluyan ng umalis 20 minutes lang ay sa wakas nakarating na rin ako.

Good morning, the weather is good and everything is in good mood, lalo na ako...

BEEP!*

Hindi ko alam kung saang gilid ako pupunta, nataranta ako at halos mamatay sa gulat, paglingon ko ay may kotse na pala sa likuran ko.

"Hoy! Baliw ka ba ha? Bakit ka ba nakaharang diyan sa daanan ha?!" Sigaw ng lalaki pero hindi ako agad nakasagot dahil sa guwapong nilalang na nasa harap ko, 'di bale ng ma-awestruck sa kaguwapuhan nito wag lang magka-crush sa attitude na to.

"Sorry." iksi kong sabi dahil sa nahihiya ako, dami pa namang mga estudyanteng nakatingin.

"Sorry mo yang mukha mo! Alis!" Sigaw niya, ang lapit ko lang naman sa kaniya pero kung makasigaw wagas, gagsti 'to ah.

"Bakit ka sisigaw?! Kailangang sumigaw para paalisin dito?! Ang lapit ko lapit ko lang oh kung makasigaw wagas, abot hanggang kabilang kanto." Inis ko sabi

"What did you just said?!" Galit niyang turan.

"Pft! Nabingi sa ka sarili mong busina?!" sabi ko pero sa halip na sumagot siya ay lumabas siya ng kotse niya, kinabahan ako pero siyempre kunwari chill lang.

"Do you even know who you are messing with?" Sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya umatras ako. Ang awkward eh.

Sh*t, Sy wag kang madala sa bango niya.

LOVE, LIES AND SY (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon