Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa lakas ng tibok ng puso ko, bagal ng oras at bigat ng pakiramdam. Akala ko ay hindi na sasama pa ang gabi ko hanggang sa tumingin ako sa pintuan at nakita ang mga bisita – ang mga magulang ko, at may kasama sila. Tatlong mukha, isang babae, dalawang lalaki. Tatlong mukha, lahat pamilyar, lahat kilala ko.
“Kumusta ka, Zach?” ang bati sa akin ng babae – ang aking tunay na ina.
“Pasensya ka na kung ngayon lang kami nagpakilala,” ang sabi naman ng mas nakatatandang lalaki – ang tunay kong ama.
Nanlaki ang mga mata ko, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig, pakiramdam ko ay hinampas ako ng maso sa buong katawan, anytime ay pwede akong mawalan ng ulirat, o magsisisigaw sa galit. Sila, sila ang tunay kong pamilya! Kilala ko na pala sila!
Ang pangatlong bisita – kapatid ko – ay humarap sa akin. Tumingin siya sa aking mga mata at sinabing “Pansensya ka na kung hindi ko sinabi, Zach.”
“N-Nick...” tinawag ko ang pangalan niya. “K-kayo?”
“Oo kami,” ang sagot ng Daddy ni Nick. “Kami ang tunay mong pamilya.”
Sa mga oras na iyon tila bumagsak ang langit sa akin, tila bumuka ang lupa at nilamon ako ng buo, tila nilunod ako ng dagat, nanghina ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw.
“Hindi magandang biro ito,” ang sabi ko, nanginginig ang buo kong katawan, basa ang aking mga mata sa luha. “Kung isa na naman ito sa mga pranks mo Nick para ibully ulit ako, hindi ka nakakatuwa.”
“Iniisip mong biro lang ang lahat ng ito?” ang tanging nasabi ni Nick.
“Masamang biro, Nick,” ang sabi ko.
“Alam ko marami kaming dapat ipaliwanag,” ang sabi ng mommy ni Nick. “Alam kong marami kaming dapat sabihin pero –”
“— pero hindi ako naniniwala sa inyo,” ang sabi ko. “Ni hindi ko nga alam ang pangalan niyong mag-asawa! At inaasahan niyo akong maniwala sa inyo ngayon? Inaasahan niyong sa loob ng labing pitong taon, sasalubungin ko kayo ngayon ng yakap? At matagal niyo na akong kilala pero wala man lang kayong sinabi?”
“Zach, kumalma ka muna,” ang sabi ni Ate Dianne, ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko, but I shook it off.
Walang nakapagsalita ni isa sa kanila o kina Mama at Papa. Tumakbo ako paakyat ng kwarto ko, sa kagustuhan kong makarating sa kwarto ko ay tila dalawang bahagdan kada hakbang ang nagagawa ko. Binalibag ko pasara ang pintuan ng kwarto ko, galit na galit akong umupo sa kama ko. I covered my face with my hands, palms on my eyes at humiga ako at nagsimula na akong umiyak.
Alam ni Nick ang totoo, imposibleng hindi niya alam. Kaya pala bigla nalang nagbago ang pakikitungo niya sa amin – sa akin. Kaya pala nang araw na makita ko ang magulang niya sa coffee shop nang araw na iyon ay ganoon nalang ang tingin nila sa akin. Kaya pala panay nalang ang yakap sa akin ng mommy niya sa tuwing nakikita niya ako kahit hindi naman kami magkakilala.
May mga taong nakapaligid sa iyo na siyang naghahanda sa iyo sa pagkikita niyo. Maaring kaibigan mo, kailala, o mismong pamilya mo, ang sabi ng manghuhula sa park. May mga taong naghanda sa akin sa bagay na ito – si Nick, ang parents niya, ang parents ko – at sino pa? Pakiramdam ko ay wala akong kakampi ngayon, pakiramdam ko ay trinaydor ako ng lahat ng taong nakapaligid sa akin, pakiramdam ko ay wala akong mapagkakatiwalaan ngayon.
“Zach,” narinig ko ang boses ni Nick mula sa labas ng pintuan ko. “Zach alam kong galit ka dahil inilihim namin sa iyo, pero hayaan mo naman kaming magpaliwanag.”
“Pwede ba Nick, umalis ka nalang?” ang galit kong sinabi. “Kung ano man ang sasabihin mo, save it, keep it, I don’t wanna hear it!”
“Pero Zach...” gusto kong buksan ang pinto ang ibalibag iyong muli sa harap ni Nick sa mga oras na iyon, hindi siya makaintindi. “Hindi ba’t magkaibigan tayo, pakinggan mo naman ang sasabihin namin.”
BINABASA MO ANG
Bloodlines and Heartstrings 2: Broken Strings
Genç KurguSa pagpapatuloy ng kwento ni Zach... Nayanig ang buong mundo niya nang makilala niya ang tunay niyang pamilya. Magkahalong galit, takot at pagkalito ang bumalot sa kaniyang puso. Sa mga pagbabagong dumarating sa kaniyang buhay, paano kung bumalik an...