Tumunog ang alam clock na nasa bedside table ko ng 3:30, sinasanay ko ang sarili kong gumising ng maaga para hindi ako magmamadali kapag nagduduty na ako. Halos labing dalawang oras akong nakatulong, nakarating ako sa bahay ng alas tres at diretso na ang tulog ko. Binuksan ko ang lampshade sa bedside table, kahit papaano ay nagkailaw sa kwarto. Nag-indian seat ako sa gitna ng kama ko, kinamot ang ulo at napapaisip kung anong araw ba ngayon.
Tumingin ako sa bintana kung saan matatanaw ang nagniningningang ilaw ng syudad. Halos street lights lang at ilaw ng mga sasakyan ang makikita, gising na gising ako habang ang lahat ay tahimik na natutulog.
Tumayo ako sa aking kama at pumasok sa banyo, pagkatapos kong maghilamos at magmumog ay dumiretso ako sa kusina sa baba at naglabas ng hotdog, bacon, mga itlog, pancake mix at tinapay. Sumubo ako ng isang inapay, hindi ko inaasahang gutom na gutom pala ako, hindi ako kumain ng dinner kagabi. Sinimulat kong idefrost ang mga ulam at umpisahang gawin ang pancake. Naisipan ko lang biglang magluto ng almusal, twice ngayong taon akong nagwalkout, walang kinakausap at nagtampo dahil sa mga bagay na may kinalaman sa tunay kong pagkatao, kahit dito lang ay maipakita ko man lang na humihingi ako ng tawad sa mga naipakita ko – at siyempre, gutom na din talaga ako.
Gumigising si mama ng alas kwatro, 20 minutes nalang at gigising na siya kaya’t binilisan ko ang pag-galaw. Nagpainit ako ng tubig na pangkape at sinimulan ang pagluluto sa pancake. Naaalala ko tuloy noong tinuruan kami ni mama kung paano magluto ng pancake noong seven years old ako. Isang dikada na rin pala akong nagluluto ng pancakes.
“Ang aga mo namang magising anak,” nagulat ako nang bigla ko nalang marinig si Papa sa likod ko. “At ikaw ang nagluluto ng almusal?”
“Bakit po Papa, parang nagulat ka? Para naman makapagpahinga si Mama sa pagluluto ng maaga kahit minsan lang,” ang sabi ko. “Ang aga niyo din naman pong nagising.”
“Masama kasi ang pakiramdam ng Mama mo kahapon pa, kaya ako nalang ang bumangon,” ang sabi ni Papa. “Ang hirap palang bumangon ng sobrang aga, buti nalang at nandiyan ka.”
“May sakit si Mama?” Napatanga lang ako, hindi ko man lang alam na may sakit pala si Mama ngayon. Hindi ko man lang siya nakamusta kahapon, dirediretso lang ako sa kama ko at natulog – natulog para magpahinga dahil sinagad ko ang lakas ko sa hindi pagtulog ng higit sa isa’t kalahating araw.
“Medyo may sinat. Pinainom na namin ng tubig, pinagpahinga at nilagyan ng cold compress, medyo umaayos naman na ang pakiramdam niya.”
Nang kumulo ang tubig ay nagtimpla ako ng dalawang tasa ng kape, natapos nadin ang pancakes at sinimulan ko nang iprito ang hotdogs, bacon at itlog.
“Kumusta naman ang pag-aaral mo?” ang tanong ni Papa nang inabot ko ang tasa niya ng kape.
“Ayos naman po,” ang sabi ko at bumalik sa mga ipiniprito ko.
“May sulat na galing sa school,” ang sabi ni Papa. “Gusto kang kuning player para sa table tennis.”
“Ah, opo, nakausap na po ako ng instructor ko tungkol diyan.”
“At?”
“At humindi po ako.”
“Bakit naman anak? Paborito mong sports ang table tennis, hindi ba?”
“Dati po iyon,” ang sabi ko. “Matagal na po iyon. At isa pa po magduduty na ako pagkatapos ng pinning ko, hindi ko na po mahaharap pa iyan.”
“Hindi ka na ba naglalaro ng table tennis?”
“Hindi na po.”
“Dahil ba kay Elly?” nagulat ako ng binanggit ni Papa ang pangalan niya, isang pangalan na alam kong iniiwasan nilang banggitin simula noong umalis si Elly. Hindi ako sumagot, ipinagpatuloy ko ang pagluluto. “Tama ako, hindi ba?”
BINABASA MO ANG
Bloodlines and Heartstrings 2: Broken Strings
Teen FictionSa pagpapatuloy ng kwento ni Zach... Nayanig ang buong mundo niya nang makilala niya ang tunay niyang pamilya. Magkahalong galit, takot at pagkalito ang bumalot sa kaniyang puso. Sa mga pagbabagong dumarating sa kaniyang buhay, paano kung bumalik an...