“Dalawang linggo na tayong naghihintay ng papaanakin,” ang sabi ni Nadine.
Nakatunganga kaming tatlo nina Aldrin at Nadine sa hospital canteen. Katatapos lang naming kumain ng lunch. Usually ay 30 minutes lang ang lunch break namin kapag on duty, pero dahil wala nga kaming paaanakin ay nakatunganga muna kami for another 15 minutes, alam naman ng clinical instructor namin kung saan kami hahanapin.
Madami namang nanganganak araw-araw, kaso madami din kasing 3rd at 4th year na nakaduty sa hospital at sila ang priority for cases. At ito ang last day namin sa OB ward bago kami mag-off next week. Three days ang duty ng grupo namin, then three days lecture.
“Kahit isang nanay lang na manganganak,” ang sabi ko.
“Kumusta pala kayo ng parents mo?” ang tanong ni Nadine.
“Ayos naman, the usual scene sa bahay, wala namang unusual na nangyari these past few days,” ang sagot ko. “Bakit mo naman natanong.”
“Hindi sina Tito Thomas at Tita Carmen, ang... uhmm... ano bang gusto mong itawag sa parents ni Nick?” napakunot ang noo ni Nadine.
“Come to think of it, I don’t call them anything since the big reveal, I don’t think I even called them Tita or Tito or something.”
“When was the last time you talked with them?”
“After Pinning?”
“Three weeks ago? Hindi ka man lang nila tinatawagan o binibisita?” ang tanong ni Aldrin.
“Actually hindi, hindi rin ako nakikipagcommunicate.”
“Pero nag-uusap na kayo ni Nick,” ang sabi ni Nadine.
“Oo pero hindi namin pinag-uusapan na magka-ano-ano kami.”
“Magkapatid,” ang sabi ni Nadine.
“Okay, magkapatid,” ang sabi ko.
Biglang nagbeep ang phone ni Aldrin, binasa niya ito. “Tawag tayo sa DR! May manganganak!”
Agad kaming tumayo mula sa mesa at mabilis na nagpunta sa delivery room. May ngiti sa mga mukha namin, excited kami at kinakabahan. Ito ang unang beses kaming magpapaanak at hindi pa kami prepared. Bigla nalang kaming pinatawag. Sinalubong kami ni Sir Dino – ang best friend ni Sir Mark – na siyang clinical instructor ng group namin.
“Kayong tatlo ang una sa listahan na mag-papaanak, diba?” ang tanong ni Sir Dino. Tumango kaming tatlo. “Okay, Mr. Calaunan ikaw ang actual nurse, magscrubbing ka na at ibibigay nalang ang OB sterile pack mo sa loob. Mr. Navarro ikaw na ang mag circulating nurse, habang ikaw Ms. Sebastian ang para sa new born care. Sige na, bilisan niyo nang kumilos.”
Agad kaming kumilos ni Nadine at kumuha ng mga gamit habang si Aldrin ay nagscrubbing na. Kumuha ako ng malinis na drape para takpan ang nanay sa loob ng delivery room, BP apparatus, nakaayos na ang mga gagamitin ko sa perineal care, may ice pack na rin sa tray.
“Nadine nakita mo ba yung Lidocaine?” ang tanong ko, hindi ko mahanap ang vial ng lidocaine.
“Nandiyan na sa tray kasama ng mga seringe, needles at methergine,” ang sagot niya. “Wala silang sterile na plastic cord clamp!”
“Nandiyan kasama ng sterile gloves,” ang sabi ko. “Bakit hindi kasi nakaayos ang gamit dito?”
“Baby boy o baby girl?” ang tanong ni Nadine, hawak niya sa kanang kamay ang blue bonnet at blue name tag habang sa kaliwa naman ang pink bonnet at pink name tag.”
“Better bring them both.”
Nagmamadali kaming dalawang kumilos. Kumuha ako ng pads at underwear para sa nanay habang dinala na ni Nadine ang ambubag sa loob ng delivery room for emergency. Nang masigurado kong completo na ang gamit ko ay dinala ko na din sa delivery room ang mga gamit.
BINABASA MO ANG
Bloodlines and Heartstrings 2: Broken Strings
Teen FictionSa pagpapatuloy ng kwento ni Zach... Nayanig ang buong mundo niya nang makilala niya ang tunay niyang pamilya. Magkahalong galit, takot at pagkalito ang bumalot sa kaniyang puso. Sa mga pagbabagong dumarating sa kaniyang buhay, paano kung bumalik an...