Mabilis kaming tumakbo papunta sa kwarto ng daddy ni Nick at naabutan doon si Nick kasama ni Sir Dino. Kausap nila ang doctor, tila nagbibigay ng moral support si Sir Dino. Pumasok kami ng mommy ni Nick sa loob. Natutulog sa kama ang daddy ni Nick, nakakunot ang nuo at lalong namumutla at lalo siyang pumayat mula noong huli ko siyang makita.
“Right now we can’t do anything but to wait,” narinig kong sinabi ng doctor. “Maybe if we detected it when it’s still in its earlier ay hindi tayo umabot sa ganito.”
Nick turned and saw us. Nakipagkamayan si Nick sa doctor at ganoon din si Sir Dino. Lumabas ang doctor at sinundan siya ni Sir Dino sa labas – babalik na din siguro sa ward – at tinapik ang balikat ko bago tuluyang umalis. “Stay here for a while,” ang sabi niya.
Umupo si Nick sa upuan sa tabi ng kama ng daddy niya. Hinawakan niya ang kamay niya at tila natulala sa pader. Umupo ako sa upuan na katabi ng bedside table sa likod ni Nick habang ang mommy naman niya ay umupo sa paanan ng kama.
Neither of us spoke. The only sound I hear is the ticking of the clock that hangs on the wall directly above Nick’s father’s head.
“Anong nangyari sa kanya?” ang tanong ko. “Napapansin ko dati na tila papayat siya ng papayat, anong nangyari?”
“He’s sick,” ang sabi ng mommy ni Nick. “He’s... dying.”
Biglang kumabog ang dibdib ko sa narinig ko. “D-dying?”
“May tumor siya sa utak,” ang sabi ni Nick. “Masiyado nang malaki ang tumor ng malaman namin.”
“Bakit hindi siya nagpaopera?”
“Ayaw niya. He’s busy looking for you,” ang sabi ni Nick. “He said ‘It doesn’t matter if I die or not, mahanap ko lang siya at mabuo ang pamilya natin. Kahit sandaling panahon lang’.”
“Bakit hindi niyo siya pinilit?”
“Masiyado nang malaki ang tumor, he may not survive the operation dahil malaking parte ng utak niya ang naaapektuhan ng tumor. Gusto niyang siya ang makahanap sayo, gusto niyang nandito siya’t buhay at makilala ka kapag nahanap ka na namin. Kahit sandaling panahon lang.”
Hindi ako nakakibo. Kaya pala ganoon nalang kung makiusap si Nick sa akin noon na makipag-usap sa parents niya... parents namin ay dahil kakarampot na panahon nalang ang natitira para sa amin. Tears fell from my eyes, I feels so guilty. Ang gusto lang naman ng taong nakaratay sa harapan ko ay makilala ako, makasama kahit sa loob ng sandaling panahon nalang at hindi ko pa iyon naibigay agad sa kanya.
“Kailan pa siya dito?”
“After Pinning, after ka naming ihatid sa bahay niyo,” ang sabi ni Nick.
“Three weeks na? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?”
“Dahil alam kong pinagbigyan mo lang kami naman kami that day and I’m not counting on you to do it again.”
“But don’t you think I still have the right to know? I’m still his son, am I not?”
“Can you blame me for not telling you because for weeks you made us feel like you can’t accept the fact that we’re you’re family?”
“You could’ve just given shot, given me a chance.”
“Did you give us a chance when we ask you to? Would you come here and visit him if I told you sooner?”
“Yes.”
“Tumigil na kayong dalawa!” inawat kami ng mommy ni Nick. “Hindi nakakatulong sa daddy niyo ang pag-aaway niyo! We can’t do something about the things that already happened, but we can still do something about what is going to happen. So please, huwag niyo nang pag-awayan ang mga bagay na iyan.”
Hindi kami nagsalita ni Aldrin, pareho kaming nakatingin sa mukha ng daddy niya... daddy namin. Tahimik parin itong natutulog. Sa mga pagkakataong sinubukan niya akong kausapin, ginusto ba niyang malaman ko ang tungkol dito? Sa mga araw na masama ang loob ko, napapabigat ko lang ang sitwasyon. Sa mga araw na inaasahan nilang makasama ako, sa nalalabing mga buwan o araw ay nandoon ako’t nilalayuan sila, itinataboy sila habang ang taong nakaratay sa aking harapan ay parang kandilang unti-unting nawawalan ng buhay at pag-asang mapagbigyan ko ang hiling niya sa buhay na makilala ako’t makasama, na kahit papaano ay maiparamdam niyang siya ang ama ko.
Tumulo ang luha mula sa mga mata ko ngunit mabilis ko iyong pinunasan. Tumayo ako mula sa upuan ko’t lumabas ng hindi nagpapaalam. Sa labas ay nakita ko sina Nadine at Aldrin na tumatakbo papunta sa kwartong pinanggalingan ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko’t niyakap ko si Nadine at nagsimulang umiyak.
“I feel like I’m the worst person in the world!”
“What happened?” ang tanong ni Nadine. Lumapit si Aldrin sa amin ni Nadine.
“He’s dying Nadine, he’s dying. My father’s dying and I didn’t even know. I took all the time I have to get over my anger while he’s already running out of time. I so selfish Nadine!” Niyakap ako ng mas mahigpit ni Nadine.
“Sige lang, iiyak mo lang, magsalita ka lang, nandito ako para sa iyo.”
Umiyak ako ng umiyak sa balikat ni Nadine. Napakabigat ng loob ko, pero tila gumaan iyon nang niyakap ako ni Nadine. Pakiramdam ko ay tinutulungan niya akong dalhin ang dinadala ko sa dibdib ko at nakahinga ako ng bahagya. “You needed that much time to heal the wound you had, no one blames you.”
“Nick does.”
“Let him. He’s mad because he expected you to do something within his ideals, but you acted different. Just like you, he need’s time to get over it.”
Aldrin hugged us both, and we remained just like that for a minute or two. At that moment, I felt the same feeling I felt when I was with my real and foster family, I feel safe... I feel home.
BINABASA MO ANG
Bloodlines and Heartstrings 2: Broken Strings
Teen FictionSa pagpapatuloy ng kwento ni Zach... Nayanig ang buong mundo niya nang makilala niya ang tunay niyang pamilya. Magkahalong galit, takot at pagkalito ang bumalot sa kaniyang puso. Sa mga pagbabagong dumarating sa kaniyang buhay, paano kung bumalik an...