SeriousBuong maghapon ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag patay malisya sa mga pinag sasabi sa akin ng mga studyante sa paligid ko.
Tulad ng inaasahan ko ay nagkaroon nga kami ng record. Dumaloy nanaman tuloy ang konsensya ko dahil nadamay pa si Yassy at Allyson sakin, Ganon din naman yung dalawang babaeng kaibigan ni Liezel pero si Liezel ay hindi nagkaroon dahil napag bintangan lang daw ito. Mas lalo pang nanaig yon dahil parang umamin na ko sa sinabi ko kanina
Si Canyx naman ay wala rin daw record dahil nadamay lang ito sa issue'ng ginawa ko. Hindi ko alam kung bat sumama pa sya eh alam naman nyang ala syang kasalanan
" Pano mo i ba-bun yang buhok mo Lia? Makikita ang kalmot mo" Napaisip ako sa sinabi ni Allyson
Papunta kami sa Cafe para mag trabaho. Kailangan naming mag tali ng buhok kapag mag tatrabaho na kami kaso paano ko gagawin yon? Nakaka hiyang ibalandra ang mukha kong may band aid
Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi ako pwedeng mag lugay dahil baka pagalitan pa ako ng amo namin
" Wala akong magagawa. May band aid na naman eh"
Nagkibit balikat ako kay Allyson
" Bat ganon si Liezel. Grabe akala ko inosente ang babae na yon, nasa loob pala ang kulo" gigil na gigil na sabi ni Allyson
I feel you Allyson. Kaya nya nga ako na papayag na ibigay kay Canyx yon dahil nadala ako sa kakyutan nya. Yung literal na ma kokonsensya ka kapag tinanggihan mo. Nakakapag sisi pala
Kung kasing galing nya lang ako mag sinungaling ay siguradong hindi ako magakaka issue ng ganito katindi. Pero hindi naman ako nag sisinungaling, Im telling the truth but they didnt believe me
" Maybe natatakot lang syang umamin. Dahil gaya nga ng sinabi ko kanina, kapag umamin sya masisira ang mundo nya"
Napa hinga ng malalim si Allyson "How can she do that, Ala ba syang konsensya? Meron pang ibang taong nadadamay dahil sa pag sisinungaling nya"
Hindi ko rin alam. Di ko rin alam kung bakit hindi ba sya na kokonsensta sa mga ginagawa nya. Dahil kung ako, siguradong hindi ko matitiis yon. Hindi ko matitiis na may ibang taong madadamay ng dahil sa kasalanan ko
Nakarating kami sa cafe. Sinalubong agad kami ni Sierra. Naka ngiti sya samin, pero ng makita nya ang naka busangot na mukha namin ay kumunot ang noo nya
" Anong nangyari sa inyong dalawa? Bat parang namatayan kayo? " Hindi pa sya naka uniform at mukhang napa aga yata ang dating namin
Umupo si Allyson sa upuan sa isang table at ibinaba ang bag nya. Itinuro nya ako " Sikat na sya sa school namin" mas lalong nagtaka ang mukha nya
" Sikat? Iyon naman pala eh, bat naka simangot kayo?" takang tanong nya
" Sikat sa panglalait" Usal ko " May umaway sa amin kanina at nagka record kami sa guidance, pano pa kami makaka ngiti" napailing iling ako.
Umupo rin ako sa harap ni Allyson
Humatak naman si Sierra ng bangko sa kabilang table at humarap sa amin " What? What happened?"
" Kapag tsismis talaga interesado" medyo natawa si Sierra sa sinabi ni Allyson
" ofcourse!" aniya " Ano na? Mag kwento kayo"
Nag pangalumbaba ako at tiningnan si Allyson na handang handa ng mag kwento. Kung sa pag kukwento ay si Allyson ang maaasahan ko, kung si Sierra ang tsismosa, si Allyson naman ang tagapag balita ng tsismis
YOU ARE READING
Seems Like We're Connected (On Going)
RomanceLia Monteverde is just a simple college girl living with a small dormitory.She's Living her life with no hassle, no drama and no sweats. 15 years old ng mamatay ang mama nya na mas lalong nakapag pa lakas ng loob nya na tumayo mag isa. Everything wa...