Dangerous
"Dami pa lang chiks dito tol! Dapat pala matagal na tayong lumipat dito." Bulong bulong ni Toper sabay tawa.
"Dito pa lang sa room natin ang dami nang choices." Nakangisi namang sabi ni Argille. "Kung alam ko lang, iniwan ko na sana kayo noon pa."
Tahimik lang akong nakaupo sa pagitan nilang dalawa. Nakapatong ang kanang paa ko sa upuang nasa harapan ko. Ang kaliwang braso ay nasa ibabaw naman ng armrest ng armchair ni Toper while my right arm was hanging losely in my arm sling bandage.
Nakakayamot. Ang iingay ng mga katabi ko. Gusto kong dumukdok sa armrest ko pero dahil pilay at sinemento ang kanang braso ko hindi ko magawang unanan 'yon. Sumasakit ang ulo ko. Nagpapantig ang mga tainga ko. Ang aga aga nagdadaldalan na agad ang dalawang 'to. Bakit ba kasi ako ang nakaupo rito? Salung-salo ko bawat pagbigkas nila ng mga salita maging mga hininga nila. Lalo na 'tong si Toper. Akala mo babae, putak nang putak. Nakakarindi.
Unang araw ng klase ngayon. Tamad na tamad ako at sa kinamalas-malasan, pang-umaga ang pasok. Imbis na magkapiling pa kami ng kama ko heto ako't pinadudugo nung mga asungot ang tainga ko. Bumuntong hininga ako at umayos ng upo. Ibinaba ko na rin ang paa kong nakapatong sa upuan sa harap. Hinubad ko rin ang arm sling ko at ipinatong na lang ang braso sa sariling armrest. Ang sakit na sa batok, e. Nakakangalay. Iginala ko ang aking paningin. Ayos na rin, marami ngang maganda rito. Kaso ekis muna sa pagporma. Nakakabawas ng kagwapuhan tong sementado kong braso. Next week na lang ako magpapakilig pagkaalis nito sa braso ko.
Unti-unti, napuno ang classroom at pagkaraa'y may pumasok nang guro. Ito na siguro yung adviser namin. Akala ko titigil na sa kakadada 'tong dalawa kong tropa dahil may titser na pero sige parin sila sa kwentuhan! Sinabayan pa yung adviser naming ang daming sinasabi.
At siyempre dahil pers day, may pa-introduce yourself tayo. Habang nagpapakilala ang mga kaklase naming nakaupo sa may unahan, hindi na nakatiis si Argille na kanina pang hindi mapakali at panay ang tingin sa braso ko mula pa kanina at tinanong na niya ako tungkol do'n.
"Hoy, Ali. Ano bang katangahan 'to?" Turo niya sa baling braso ko. Hindi pa nakuntento si gago at dinutdot pa nga ang semento doon. "Anong nangyari diyan sa braso mo?"
Sinulyapan ko ang braso kong patuloy niyang dinudutdot. "Ah, ito?" Turo ko sa braso ko at pagkatapos ay dinutdot na rin. Gusto ko lang malaman kung anong feeling ng gawin 'yon at mukhang naadik na 'tong si Argille dahil hindi niya na tinantanan 'yon. "Kinagat ni Toper."
Ah.. nakakaadik nga naman talaga. Seryoso akong nakatingin sa braso kong dinudutdot naming pareho ni Argille nang biglang may bumatok sa akin.
"Gago!" Si Toper.
Kita mo 'to. Siya nang nanakit siya pa 'tong galit. Minura pa 'ko. Akala mo naman siya nagpapakain sa'kin. Binalingan ko siya at seryosong tinignan. Mukhang natakot si loko at akala mo kung sinong maamong tuta ngayon sa harapan ko.
"Tol.." walang emosyon kong tugon. Hirap siyang napalunok. "Gwapo hindi gago."
Nginisian ko pa si Toper bago ko ituon ang pansin sa nalalapit sa aking hanay ng mga nagpapakilala at nang ako na ang sunod ay agad akong tumayo at humarap sa likod para magsimulang magpakilala.
"I'm Alfrein Gonzales po.." pakilala ko.
Saglit akong huminto para mag-isip ng idudugtong ko sa sasabihin. Ibinuka ko ang aking bibig ngunit isinara ring muli nang walang salita ang lumabas roon. Iginala ko ang aking paningin. Nakatuon sa akin ang pansin ng lahat at naghihintay ng sunod kong sasabihin. At sa paglilibot ko ng paningin ay dumako ito sa babaeng nakaupo sa mismong likuran ko. Hindi ko alam kung bakit pero mas lalo lang nanuyo ang lalamunan ko. Nagblangko nang tuluyan ang isip ko. Hirap akong nangapa ng sasabihin.
BINABASA MO ANG
If Only I Tried
Teen FictionWhen everything seems to be in place, serenity resurface. Or so they thought... Alfrein Gonzales, in midst of accepting his fate and conceding to his struggles with himself, his feelings, and everything, the chaos within him didn't subside but surge...