Kabanata 8

23 12 0
                                    

Who are you?

Sumapit ang kinabukasan at bumalik yung tamang oras ng pag gising ko. Ang akala ni Allyson ay nagbago na raw ako pero akala nya lang daw pala iyon. Tapos na syang maligo samantalang maliligo pa lang ako

Gaya kahapon ay medyo kinakabahan nanaman ako para sa mangyayari sa akin mamaya. Paano kung mag away away nanaman kami nung mga kaibigan ni Liezel, o kaya ibang studyante naman

Hindi na pwedeng mangyari iyon. Magkakaroon na nanaman kami ng record sa guidance kung sakaling makipag away nanaman kami.

Allyson needs to control her temper. Kapag nagagalit sya ay makikipag away talaga sya and thats not good. Kapag nag tuloy tuloy sya sa pakikipag away nya ay baka hindi na kami maka graduate dalawa. Masasayang ang lahat ng pinag hihirapan namin ngayon

Mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili ko. Malapit nanaman kaming ma late kaya hindi na ako nag aksaya ng oras para kumain

Lumabas kami ng dorm at nagpunta na sa sakayan. Punuan ang jeep ngayon kaya medyo natagalan pa kami sa paghihintay. Mabuti nalang at pinauna kami ng iba dahil studyante kami.

Ang bulungan sa tungkol sa akin ang bumungad sa aming dalawa ni Allyson. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang issue ko. Ang akala ko ay mabilis itong lulubog pero dahil tungkol sa paninisi ko daw kay Liezel ay mas lalo pa itong lumalala

" Hoy Lia. Pang basura ang ugali mo!" Sigaw ng isang studyante. Kung dati ay pabulong bulong lang sila, ngayon naman ay talagang dinederetso na nila sa akin

"Oo tas ikaw yung basurahan" Pang babara sa kanya ni Allyson.

Hanggang sa dumating sa room ay ako pa rin ang usapan. Mabuti nalang at hindi ako nilulubayan ni Allyson dahil kung hindi ay baka kanina pa ako pinag tulungan, sa labas pa lang

Puno na ang room namin dahil malapit nang mag time. Pero ala pa naman ang prof namin kaya may oras pa silang mag daldalan. Kung tulad lang sana ito ng dati. Yung pag pasok namin dito ay mag babatian agad kami. Pero hindi na ngayon, panlalait agad ang bumubungad sa amin

Nang dahil lang sa isang pag kakamaling ginawa ko ay nasira na ang lahat. Iyon ay ang pag payag sa gustong mangyari ni Liezel. Hindi ko alam kung bakit nag padala ako sa pag arte nya

Nang makalapit kami sa upuan ko ay nginitian agad kami nung apat, ngumiti kami pabalik sa kanila. Hindi ko na nilingon ang dalawang lalaki sa likuran dahil baka may maka kita pa at kung ano nanaman ang isipin

How can I convince them that I didnt like that guy. Sa totoo lang, kapag nakikita ko sya ay naiirita na kaagad ako. Pakiramdam ko kasalanan nya ang lahat. Kung sanang tinanggap nya yung binibigay ko ng araw na yon edi sana walang naging problema

" Inabutan namin yung upuan mo kaninang may mga naka dikit na sticky notes pero tinanggal din namin kaagad" Napa kurap ako sa sinabi ni Sav. Damn this is bullying!

Sinilip ko ang basurahan naming puno na ngayon ng ibat ibang kulay na sticky notes. Sumosobra na sila. Bakit ba hindi nalang sila manahimik? Hindi naman nila alam ang lahat

" She admit it, sinabi ni Carla nung nasa guidance daw sila, hindi nya na daw pina amin si Liezel" Nilingon ako nung kaklase kong nagkukwento tungkol sa akin. Tiningnan nila ako ng masama ng makita nilang naka tingin ako. Pinag taasan ko agad sila ng kilay

Ngayon kahit yung huling sinabi ko sa guidance ay kumakalat na rin? Yung pag sabi ko kay Liezel na wag ng umamin. Kaya pala mas lalo pang lumala ang issue ko. Damn this people! 

Talaga ngang may tenga ang lupa at may pakpak ang balita

Napaka bilis. Nakakagulat lang

Umiling nalang ako at hindi na pinansin lahat ng nag uusap usap tungkol sa akin. I need to study, malapit na ang exams at kailangan kong bumawi sa mga nakaka raang araw na hindi ako ganong nakikinig

Seems Like We're Connected (On Going) Where stories live. Discover now