SHIRTSLEEVES

251 8 6
                                    


"When salted tears won't dry, I'll wipe my shirtsleeves under your eyes."
-Ed Sheeran

GLENN

Three months na rin pala since nagdecide si Kayce na tapusin na yung relationship namin. Most of our friends and even family asked us na ilaban pa. Sabi nung iba kahit para sa anak nalang namin. Turning two na si Clara this year at alam kong kagaya ng kahit sinong may broken family, kailangang maayos na ipaintindi sa kanya yung nangyari samin ng mama nya habang lumalaki sya.

Sa tagal namin ni Kayce, di ko masabing we ran out of love kaya kami naghiwalay. Sa part ko, mahal ko pa rin naman sya nung naghiwalay kami at masakit para sakin na mag-end kami ng ganun... Alam kong napaka a-hole na sabihing naramdaman ko nalang na hindi sya yung sinasabi nilang, "the one".

Oo, nung naging kami hanggang sa nagkaanak kami, pakiramdam ko pang habambuhay na. Four years is four years. Hindi rin sya nagkulang, hindi sya nagsawa... Nung una.

Pagkatapos naming manalo sa Finals, aaminin ko namang nasilaw din ako sa pagiging insta-famous ng bulldogs. Kung noon, pag lumakad lakad lang ako sa labas ng NU wala namang papansin na random na tao, pero ngayon tiga-NU o ibang school man, kahit sa jeep magpapapicture samin. Kabi-kabilang guestings, photoshoots, interviews. Dun na kami nag-iba ni Kayce. Naging selosa na sya at nagsesearch party na ng photos sa twitter every time na may event.

"Tangina, ibalik mo yung bag ko!"

May sumigaw kaya nabalik ako sa realidad.

Normal na yan dito sa labas ng NU. Lalo na ngayon, enrollment pa naman. Hindi ko napansin kung san galing yung sigaw at saka di na ko nakikigulo o nakikisilip pa sa ganyan kaya tuloy-tuloy lang ako sa lakad para pumunta sa 7 11 kasi andun daw si Gelo.

Una, nabigla ako kasi bago pa ko makahakbang, dumaan yung snatcher na napakabilis ng takbo sa harap ko. Kitang kita ko na kinakalkal nya yung bag habang tumatakbo. Ang bilis ng mga pangyayari - ilang segundo lang, nasanggi ako ng babaeng tumatakbo sa dinaanan ng snatcher at parang hinahabol nya.

Hindi na sya lumingon, basta pagkalampas nya sakin, biglang bilis ng takbo nya ulit. Bilib ako dun sa babae, ang bilis talaga.

"Ang tapang nung babae. Pakiramdam ko aabutan nya yung snatcher." Sabi nung isang nasa likuran ko na nakikitingin sa nangyayari.

"Kung ako yun te, di ko na hahabulin. Pano kung may ice pick yun? E di dedo ako."

Nung narinig ko yun, di ko alam kung bakit bigla akong napatakbo at hinanap yung babae. Naisip ko kasi may kapatid akong babae, yung anak ko, babae rin. Kawawa naman sya kung manlalaban pa sya para sa bag nya tapos walang tutulong.

Nilibot ko yung tingin ko sa paligid. Naka-black na top yung babae tapos jeans. Yung bag nya kulay blue.

"Ibalik mo sakin yan. Anak ka ng punyeta!"

Nung narinig ko yung boses, sinundan ko hanggang nakita ko na konti nalang aabutan na nya yung snatcher.

Naalala ko yung shortcut ni JJ dito kaya dun ako dumaan hoping na macorner namin yung snatcher.

"Pare, balik mo na yan." Pucha. Hiningal ako dun. Mas matindi pa 'to sa training e. Pero syempre di ko pwedeng ipahalata.

Nakita ko rin yung babae. Nasa likod sya ngayon nung snatcher. Bilib na ko, di sya ganun kapayat para maging atleta pero yung bilis ng takbo nya pang-marathon kasi e. Mga 5'6" to 5'8" sya tapos naglaglagan na rin sa pagkaka-pony yung buhok nya dahil mahaba na rin ang naging habulan nila nung snatcher.

Nagulat kami pareho nung hinagis pataas nung snatcher yung bag tapos tinakbuhan kaming dalawa.

Yung babae sinalo yung bag nya kaya naisip ko habulin ulit yung snatcher.

ShirtsleevesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon