LABANAN SA CELESTIA

142 2 0
                                    

ELEMENTIA

KAHARIAN NG CELESTIA

GENERAL'S PROVERBS

Habang abala ang Rama ng Hathoria sa pakikipaglaban sa mga sinaunang bampira ay sinamantala ni Lucio ang pagkakataon na magtungo sa kinaroroonan ni Azulan atakihin niya sana ng Rama ng Niyebe ang ng Hathoria patalikod ngunit agad ito napansin ni Eres imbis na si Azulan ang tatamaan ng espada ay nasalo ito ng Mashna.

Nakita ng Rama ng Hathoria ang nangyari na nasaksak ang kanyang Mashna ni Lucio kaya nagdilim ang kanyang paningin nang walang pagdadalawang isip ay agad niyang hinarap si Lucio ay sinugod niya ito gamit ang kanyang espada ngunit nasagi ito agad ni Lucio.

AZULAN:Pashnea anong ginawa mo sa aking Mashna!

LUCIO:HAHAHA!ano sa tingin mo ang ang ginagawa ko sa iyong Mashna Rama,napakapalad mo pagkat siya ang sumalo ng kamatayan para sa iyo!

AZULAN:Walanghiya ka!

Sinipa ni Azulan si Lucio sa tiyan kaya napaatras ito ngunit nanatili pa rin itong nakatayo susugatan sana ni Lucio si Azulan ngunit nakailag ang Rama ng Hathoria.

LUCIO:Magaling Rama ngunit mas magaling ako sa iyo!

AZULAN:Huwag kang magsalita ang tapos Lucio!

Nagsimula na naman silang magtagisan ng husay ay pakikipaglaban ilang sandali lang ang nakalipas ay nasugatan ni Azulan si Lucio sa tagiliran.

LUCIO:Pashnea!

AZULAN:Iyan tuloy sa yabang mo ay nasugatan ka!

LUCIO:Sa tingin mo ba ay matitinag ako sa sugat na gawa mo?!

Sinugod ni Lucio si Azulan ngunit nasalo niya agad ang espada ng Rama ng Niyebe susugatan sana niya ulit si Lucio ngunit nakailag ito at naunahan siya nitong sugatan sa braso.

AZULAN:Tanakreshna!

LUCIO:Ngayon ay patas na tayo! ngunit hindi ako ang matatalo dito kundi, ikaw!

AZULAN:Huwag ka munang maging kampante Lucio!

Nagtagisan na naman sa galing sa pakikipaglaban ang dalawang Rama hanggang sa nasaksak nila ang isa't-isa.

LUCIO:Ibig ko man paslangin ka ngayon Azulan ngunit hindi pa ito ang tamang panahon!

Saka nag-ivictus si Lucio patungo sa kinaroroonan ng kanyang Mashna.

Sa kabila banda naman ay kinalaban ni Ybrahim ang Mashna ni Lucio malakas at magaling sa pakikipaglaban ang Mashna ngunit hindi siya makakahabol sa bilis at liksi ng kilos ng Rama ng Sapiro mabilis makailag si Ybrahim.

YBRAHIM:Tila ang kupad mong kumilos Mashna, wala ka bang mas ibibilis pa diyan?

MASHNA:Sadyang napakayabang mo Sapiryan tingnan natin kung hanggang saan ang yabang mo?!

Sinugod si Ybrahim ng Mashna ngunit naunahan siya ng Rama ng Sapiro nasugatan Mashna sa tagiliran.

MASHNA:Pashnea!

YBRAHIM:Bilisan mo kasi ang pagkilos mas mabagal ka pa yata kaysa mga pashnea!

MASHNA:Hindi mo pa batid kung ang maaari kong gawin sa iyo Rama ng Sapiro!

Susugurin pa sana ng Mashna si Ybrahim ngunit dumating si Lucio.

LUCIO:Tama na iyan Mashna,pagkat natapos na natin ang ating layunin malapit ng mamatay ang isa sa mga Rama! (Saka nag-ivictus ang dalawa)

YBRAHIM:Tanakreshna,hindi maari ito.. (Pabulong niyang sabi saka dali daling nag ivictus si Ybrahim sa kinaroroonan ni Azulan upang daluhan ito)

Sa baba naman ay hinarap ni Aquil at Memfes ang mga kalabang nakapalibot sa kanila naging madali naman ang kanilang laban pagkat may kapangyarihan ang dalawang Rama ngunit biglang dumating ang mga pinuno ng mga Pirata at ang Heneral nito sinugod ni Reno si Aquil na patalikod mabuti nalang na nakita agad ito ni Memfes.

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon