Treat
3 days was passed. Unfortunately nasa akin pa rin ang atensyon nila pero hindi ko na iyon pinapansin. Inuuna ko ang pag rereview sa dadating na exams. Mabuti nalang at nabawasan na ang problema ko dahil nakabayad na kami sa mga monthly bills namin nung nakaraan
Sabado ngayon. 10:00 may pasok kami sa cafe. Bukas iyon ng sabado double pay pa iyon dahil maaga pa lang bukas na. Iyon ang gusto namin ni Allyson dahil mas malaki ang kinikita namin
Nag rereview ako kanina pa habang naghihintay ako ng oras sa pag pasok namin habang si Ally naman ay busy nanaman sa cellphone nya
Ewan ko lang sa kanya kung natuloy na ba iyong date nila ni Aqkill pero sa tingin ko ay hindi pa.
" 9:25 na Lia. Mag asikaso na tayo" tiningnan ko ang wrist watch na suot ko at tama nga si Allyson. Isinara ko ang libro na hawak ko at naghanda ng damit
Nauna akong naligo kay Ally dahil sabi nya ay magluluto daw muna sya. Kinuha ko yung twalyang naka sampay sa sandalan ng upuan at pumasok na ng banyo
Sa 3 days na nakalipas ay walang magandang nangyari sa akin. Canyx was always busy teasing me. Sa tuwing makikita nya akong na aasar at mukhang mas lalo lang syang nag pupursige. Pinipilit ko rin umiwas sa kanya dahil kapag nag kakasama kami ay laging nasa amin ang atensyon nila
Sa tuwing mapapadaan sya sa Desk ko sa room ay babatiin nya ko ng may pang aasar sa mukha. Sinisigurado nyang maririnig iyon ng iba para mas lalong guluhin ako ng mga mata nila. Sa canteen naman ay bigla bigla nyang tatawagin ang pangalan ko lalo na sa maraming tao. Iyon ang pinaka kinakainisan ko sa lahat ng ginagawa nya. He really disrespect me. Mas lalo lang akong naiinis sa kanya
Narating kaagad namin ni Allyson ang Cafe bago mag 10. Akala namin hindi pa bukas yon dahil masyado pang maaga pero nandon na rin pala si Sierra
She's busy arranging the chairs. Ibinaba muna namin ni Allyson ang bag namin at tinulungan sya. She greeted us when she saw me
" Nandito na pala kayo. Maaga pa ah"
Ngumiti ako sa kanya
" Wala naman kaming ganong ginagawa sa bahay kaya pumasok na kami" usal ko na tinanguan nya
2 hours was passed. Busy nanaman kaming lahat sa orders at pag seserve. Mas maraming tao kapag Sabado eh
" Next" Usal ko ng matapos ang pag order ng babae kanina
Inaayos ko ang order ng babaeng nauna kaya hindi ko matingnan ang customer na susunod dito " What's your order maam/ sir?" tanong ko dito ng hindi sya tinitingnan
" One Liana Monteverde please" mabilis kong inangat ang tingin ko ng makita ko kung sino iyon. Maging si Sierra at Allyson ay napatingin sa gawi ko
" C-Canyx" gulat na tawag ko sa kanya. Ngumisi nanaman sya
Anong ginagawa nya dito? Hanggang dito ba naman ay aasarin nya ako?haisst wag naman sana
" Where's my order? Ang bagal naman!" napatingin sa kanya yung ibang taong naka pila sa counter dahil sa sigaw nya. Matalim ang naging tinigin ko sa kanya
Lumapit sa akin si Sierra at tiningnan kung may problema ba
" What's your order sir?" pag uulit ni Sierra sa tanong ko
Ngumisi ito sa amin
" Her" Sabi nya at itinuro ako.
Nilingon ako ni Sierra ng may nang aasar na tingin. Matalim kong tiningnan si Canyx
" Can you choose faster sir? May nag hahantay sa likod mo"
Tumawa sya at tumingin sa menu'ng nasa itaas. Kita ko ang adams apple sa lalamunan nya habang naka tingala ito

YOU ARE READING
Seems Like We're Connected (On Going)
Roman d'amourLia Monteverde is just a simple college girl living with a small dormitory.She's Living her life with no hassle, no drama and no sweats. 15 years old ng mamatay ang mama nya na mas lalong nakapag pa lakas ng loob nya na tumayo mag isa. Everything wa...