Chapter 24

498 20 0
                                    

Nilapag ko sa lamesa ang nilutong ulam para sa agahan naming dalawa. Nakita kong  hinubad na ni JB ang apron na sinuot at umupo na sa single chair. Nanlilitis ang mga mata niya sa sa'kin habang nilalapag ko isa isa ang mga niluto namin.

Inayos ko pa ang lamesa bago umupo. Napapikit ako ng may ngiti sa mga labi nang maamoy ko ang mabangong sabaw ng sinabawang isda. Ayaw niya na raw kasi mag hotdogs, bacon and egg, nakakasawa raw na walang sabaw. Kaya ayan pinaghanda namin ang gusto niya. Tinulungan ko lang siya dahil 'di ko naman sangay ang pagluluto nito.

"Ang sarap!" Nilalasap ko pa rin ang sabaw na tinikman ko.

Mayabang siyang ngumiti sa akin bago nagsalita. "Syempre, luto ko 'yan!" pagyayabang niya pa.

Ngumiwi ako sa kahanginan niya. Feeling talaga.

Habang kumakain kami, naalala ko ang ginawa kong desenyo ng condo. Hindi ko pa kasi napapakita sa kanya iyon dahil pareho kaming naging busy sa nagdaang linggo.

"Babe, ang panget ng condo," sabi ko.

Muntik na niyang maibuga ang tubig na nasa bibig niya dahil sa agaran kong sinabi. Nilunok niya muna iyon at pinanlilisikan ako ng mga mata niya. Nagkibit-balikat lang ako.

"Ang panget talaga."

"Ang tagal mo na rito nakatira ngayon ka lang nag reklamo?" Hindi makapaniwalang tugon niya. "Anong gusto mo?" dagdag niya.

Umirap ako sa kanya at tumayo na para kunin ang desenyong ginagawa ko. Atleast napapagpraktisan ko na ang kursong kinuha ko. Nagagawa ko nang mag-drawing ng plano at pwedeng pwede na rin siguro ako sa pagiging interior designer.

Nilapag ko sa harap niya ang ginawa ko. Seryoso ang hitsura niya habang pinagmamasdan at nirereview ang plano na ginawa ko.

"Ano ito?"

My brows furrowed at his question. "Bond paper," pabalang kong sagot

He looked at me. Binitiwan niya iyong hawak niya at seryoso akong tiningnan. His side lips rose up and I rolled my eyes to him.

"I want to renovate this condo. Puro ka black. Ang panget kaya! I mean okay lang may black, I also love the color black pero black lahat nakikita ko sa paligid. Nagiging dark ang atmosphere, Jave. Tsaka gusto ko pag practisan ang kurso ko," mahabang sinabi ko.

Umayos siya nang upo at pinagsiklop ang mga kamay niya pagkatapos pinatong niya ang chin niya roon. Hindi pa rin inaalis ang mga tingin niya sa mukha ko.

"Architect, huh?"

"Accountant, huh?" Ginaya ko ang pagkakasabi niya no'n. I made a face after. Kainis namang lalaki 'to.

"I don't like this," sabi niya, tinapunan ng tingin ang ginawa ko. Nakakaiyak naman siya, sobrang pranka kung magsalita. Binaba ko na lang ang tingin ko sa plato at nilalaro ang kubyertos doon.

"Bakit? panget ba? Okay lang kung ayaw mo, bibili na lang ako ng condo ko."

"Una sa lahat, kung e-rerenovate mo ang condo natin, 'wag mong kulayan ng pink ang buong paligid. Pangalawa, ang mga silid inayos mo nga, wala namang kwarto o playroom ng magiging anak natin.. pang huli, kung bibili ka ng condo unit mo, sayang lang pera mo dahil sisiguraduhin ko pa ring sa akin ka-uuwi."

Okay na 'yung una niyang sinabi, e. Pero 'yong pang huli? Ang kapal! Bahay ka ba para sa'yo ako uuwi? Ang confidence niya umapaw!

"Okay, I'll change the shade hindi ko gagawin pure pink, black and pink then, then 'yong room... uh... maybe you have point though we can't have our baby now, mas mabuting paghandaan na lang. At 'yong panghuli, pa share ng confidence through Bluetooth, umaapaw, e."

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now