HINDI alam ni Alex kung ano ang gagawin.
"Alex, hindi mo ba ako papasukin?" ulit na tanong ng kaharap nang hindi siya makapagsalita.
"Alex?"
Saka lamang siya natauhan.
Agad-agad niya itong pinapasok.
"Wala ka sa sarili mo," puna ni Nicole. "Pagkatapos mong mag-message kanina na di ka papasok, I was worried na ano na ang nangyari sa'yo. Everything is okay?"
"Yeah. Everything's fine. Nagulat lang ako sa bigla mong pagdating. Hindi ka kasi nag-text man lang."
"I wanted to surprise you," sagot nito na may ngiti.
Pumasok sila sa loob ng bahay. Sa dining room niya ito dinala.
"Nikki," anang ina nang makita sila, marahil ay para ipaalam kay Toni kung sino ang bisita nila.
Lumingon sa kanila si Toni, naguguluhan.
Napatingin ito sa katabi niya.
"Hi Tita. Hi Tito."
Humalik sa pisngi ng mga magulang niya si Nicole.
Lumapit ito kay Toni at tumayo naman ang huli.
"I'm Nicole but you can call me Nikki. You must be Toni?" tanong nito, puno ng pagkakaibigan.
Tumango ang dalaga, nahihiyang tinanggap ang palad na inabot ni Nicole.
"It's so nice to finally meet you," ani Nicole, na may ngiti sa kanyang mukha.
"Me too," matipid na sagot ni Toni, ngunit may damdaming hindi maikakaila.
"Nicole, do you want to join us for dinner?" tanong ni Mrs. de Guzman.
"No Tita. Thank you po. Napadaan lang naman ako dito," sagot ni Nicole na tila nagmamadali.
"Sa sala muna tayo," ani Alex dahil awkward na nasa dining room sila.
Nagulat siya nang hilahin ni Nicole si Toni.
"I have something to ask you, Ton," anito ngunit may ngiti sa labi.
Nagpahila naman si Toni rito palabas sa sala.
Sumunod si Alex, ngunit nag-aalala siya sa nangyayari.
"Nasabi na ba sa'yo ni Alex about my birthday sa Sunday?" tanong nito sa dalaga.
Tumango si Toni, ngunit nagtataka.
"So, anong desisyon mo? Please, tell me you said yes. I really want to have you with us. You and DJ Trish."
Hindi mapigilan ni Toni ang mapangiti.
Nicole is such a nice and sweet person.
She can't dislike her.
This woman in front of her is not what she imagined she would be.
Kaya tumango siya.
"Yes. I would love to," aniya, puno ng saya.
Tuwang-tuwa naman si Nicole.
Niyakap pa siya nito sa sobrang tuwa, na hindi naman inasahan ni Alex na ganun ka-open agad si Nicole kay Toni.
Hindi na rin naiilang si Toni rito.
Nagpaalam din ito agad sa kanilang lahat at nagbilin na magkita-kita na lamang sila sa Tagaytay sa susunod na araw.
Pagkaalis nito, kinausap ni Alex si Toni.
"Okey lang ba sa'yo?" tanong niya rito, nag-aalala.
"I like her. She seems very nice and sweet," sagot ni Toni, ngunit sa kanyang boses ay may halong pag-aalinlangan.
BINABASA MO ANG
𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️🌈𝐆𝐱𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦#𝟭 COMPLETED "You are the girl that i've been dreaming of, ever since i was a little girl." #𝒈𝒙𝒈 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈