11

255 10 0
                                    

Nang makarating sa condo ni Marize ay agad na dumiretso si Stell sa kusina para simulan na ang pag luto ng beef steak na request ng kasintahan. Habang si Marize naman ay dumiretso sa kwarto niya para maligo ulit at madisinfect ulit ang mga sugat niya.

Habang abala sa pag luluto si Stell ay pumasok si Marize sa kusina at niyakap sa likuran ang kasintahan.

"Salamat sa araw na 'to mine. Sobrang saya ko" nakangiting sabi ni Marize at mas lalong hinigpitan ang yakap sa likuran ni Stell.

Napatigil naman saglit si Stell sa ginagawa at humarap sa kasintahan. Tinitigan niya ito ng ilang minuto, minememorya ang bawat detalye sa napakaganda at among mukha ng kaniyang kasintahan.

Napangiti siya dahil halata sa mukha ni Marize na naiilang na 'to sa titig niya kaya naman kinurot niya ang pisngi nito at pinanggigilan bago yakapin ng mahigpit.

"I'm glad that you're happy. Iyon yung isa kong goal eh, yung mapasaya kita kasama man kita o kahit hindi. Salamat din sa araw na 'to mahal, lahat ng pagod ko nitong mga nakaraang araw nawala. Ikaw yung pahinga ko, at ako din ang pahinga mo ha. Kaya lahat ng pagod na nararamdaman mo ilabas mo lahat sakin tapos after non, ngiti ka na ulit kasi ayon yung lakas ko."

"Thank you Stell kasi meron akong ikaw. Hindi ko alam kung paano ko malalagpasan bawat araw ko na sobrang dilim kung wala ka sa piling ko. Salamat sa pagmamahal sakin kahit minsan di ko maparamdam sa'yo na mahal na mahal din kita" naluluhang pahayag ni Marize.

Hindi niya mapigilan ang hindi maging emosyonal. Sobrang nagpapasalamat siya dahil dumating si Stell sa buhay niya. Si Stell yung nag bigay ng liwanag sa kadiliman na tinatahak niya.

"Shhh, wag ka na umiyak mahal. Hindi ako mawawala sa'yo ha. Tandaan mo yan. Mahal na mahal kita." Pagpapatahan nito kay Marize.

Ilang minuto silang nagkatitigan. Parehas nalulunod sa mga emosyon na mababasa sa mga mata nila. Unti-unting bumaba ang mga labi ni Stell sa labi ni Marize upang siilin ito ng buong pagmamahal na halik.

"Yung niluluto mo mahal, baka matuyo yung sabaw ng beef steak" natatawang sabi ni Marize ng bumitaw sa halik na pinagsaluhan nila.

"Hay nako. Anong mas gusto mo? Itong beef steak na to o yung labi ko?" Nanghahamon na tanong ni Stell habang pinapahinaan ang apoy sa niluluto niya.

Natawa naman si Marize sa tanong ng kasintahan. Ibang klase talaga mag tampo 'to, pati pagkain nadadamay.

"Syempre yung beef steak" sagot naman niya.

Agad naman siyang sinamaan ng tingin ng binata nang marinig ang sagot niya. Napailing na lang sya sa kalokohan nito. Kumuha na siya ng mga plato at kanin para mag handa dahil malapit na rin namang maluto ang beef steak niya. Excited na siya. Ang tagal na niyang nag c-crave sa beef steak ni Stell.

Habang kumakain ay kinunan siya ng litrato ni Stell at pinost iyon sa twitter. Agad namang inulan ng pang-aasar na comment ng mga kaibigan nila iyon.

(Tweet)

@skyajero: masaya ako na masaya ka. Mahal kita araw-araw.

Reply: @ana_maristella: yes naman, sarap ng luto pwede na mag-asawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Reply: @ana_maristella: yes naman, sarap ng luto pwede na mag-asawa.

@itsyonicsbelle: kailan kasal nyo?

@jasshc_santos: sana all may jowa!

@keunazuson123456: sino pwedeng ayain mag date dyan?

@jasutindjuice: harot ng mga tao ngayon duh!

@nasejun_: sana all.

Natawa at napailing na lang sila Marize at Stell habang binabasa ang mga comment ng mga kaibigan nila.

Nagpalipas pa ng ilang oras si Stell sa condo ni Marize matapos nila kumain at nanood ng isang movie sa netflix. Pagkatapos ng palabas ay nag paalam na rin si Stell sa kasintahan na uuwi na sa condo nilang lima dahil may rehearsal pa ulit sila bukas.

"Mine, uwi na ako ha. Ingat ka dito. Make sure that you lock the door ha, and please avoid over thinking na. If di ka agad maka tulog message mo ako agad sabihin mo mga gumugulo sa isip mo." Bilin ni Stell sa kasintahan habang naka tayo sila sa may pintuan.

"Yes love, don't worry inaantok na rin naman ako so I think makatulog ako agad. Ingat ka sa pag-uwi ha. Pahinga ka na agad." Nakangiting sagot ni Marize sa kasintahan.

"Yes po mag-iingat ako. Iloveyou, goodnight." Paalam ni Stell at niyakap muna ng mahigpit at siniil ng halik ang kasintahan bago umalis.

~

Isang linggo na ang lumipas simula nung lumabas sila Marize at Stell.  Naging abala si Stell sa pag rerehearse at ang mga kagrupo niya dahil nalalapit na ang debut day nila.

Habang si Marize naman ay busy sa pag tapos ng term nila sa school. Napagkasunduan nila ng magulang niya na after ng second term na lang siya mag sisimula ng therapy.

Dahil parehong busy ay hindi pa sila nagkikita sa loob ng isang linggo na iyon. Pero hindi naman nila nakalimutan na i-message at i-check ang isa't isa kahit hindi sila nagkikita.

(Text)

Marize: mahal kumusta po? Wag masyadong magpaka pagod ha. Ingatan mo ang health mo. Mahal kita <3

Stell: yes mine. Ikaw din. Mahal kita <3

Marize: namimiss na kitaaa :(. I hope I can hug you right now.

Stell: miss na rin kita mahal koooo :( sorry ha sobrang busy talaga namin ngayon e. Di bale, hug kita ng mahigpit at matagal pag hindi na kami gaanong ka-busy 😙

Marize: okaaay, sige na mahal mag rereview na muna ulit ako :)) mahal kita palagi <3

Stell: okay mahal, pinapapunta na din kami sa office ngayon e. Mahal kita araw-araw 💕

~

SB19 Office

Nasa office na sila Stell, Sejun, Josh, Justin at Ken dahil may importante daw na sasabihin sa kanila ang management. Hindi alam ni Stell ang dahilan kung bakit siya kinakabahan ng mga oras na iyon.

"Your debut will be launched next week, and we can see all of your hard works. I want to congratulate all of you in advance." Nakangiting anunsyo ng CEO nila na si Sir Robin.

"After your debut, we will start to shoot your next music video and we are already settling all your guestings and appointments for promotions.  So expect that we will be all busy because this will be your big break in music industry, hopefully."  Dagdag pa nito.

Halos lahat silang lima ay nakatulala lang habang pinapakinggan ang anunsyo ng kanilang boss. Hindi sila makapaniwala na after ng ilang years nilang pag te-training ay matutuloy na ang pag pasok nila sa Philippine Music Industry.

"Wow!"  Hindi pa rin makapaniwala na banggit ni Sejun. "Ang bilis ng mga pangyayari." Ito lang ang nasabi ni Sejun sa lahat nang narinig niya mula sa boss nila.

"So for now, you can take your rest. Go home and ready yourself. I am so proud of you boys" malaking ngiti na sabi ni Sir Robin sa kanila.


~~~~ :)

Baka Pwede Pa | SB19 - STELL AJEROWhere stories live. Discover now