The Lunch"I haven't eaten a lunch yet. Bawal bang sumabay sa inyo?"
Kumunot ang noo ko sa kanya, habang sya naman ay seryoso parin at naghihintay sa isasagot namin. Kung ako ay hindi ko rin alam dahil na libre lang naman ako dito. Kung pwede nga lang na sila nalang dalawa eh
" Stop messing around Canyx" rinig na rinig sa boses ni Calvin ang pagka inis at pag ka irita. Hindi ko alam kung bakit, gusto lang naman sumabay ni Canyx, ewan ko kung bakit parang inis na inis sya sa kapatid nya
Bahagyang natawa si Canyx
" What did I do? You're being harsh on me. Im your brother" Sabi nya, I hear sarcasm in his words.
Hindi sumagot si Calvin. Inaya nya ako papalabas kaya mabilis akong sumunod sa kanya, si Canyx naman ay sumunod na rin sa amin.
Silence means yes.
Tahimik lang akong naka sunod kay Calvin patungo ng parking lot sa likod ng cafe. Malapit na mag ala una at nararamdaman ko na rin ang pag kulo ng tyan ko. Mas sanay ako ng hindi nag bibreakfast kaya mabilis akong magutom sa tanghali
" Sumabay ka sa akin" Rinig kong bulong ng lalaki sa likod ko. Nilingon ko sya. Medyo malayo na sa amin si Calvin at mukhang hindi naman nya narinig ang sinabi ng kapatid nya
" What? " Umirap nanaman sya. The Fudge! Mukhang nakaka sanayan nya na ang pag irap ahh. Ano bang problema nya ngayong araw hah!
" You heard it. Stop playing nonsence" Mag katabi na kami habang nag lalakad ngayon. Minadali ko ang pag lalakad ko para abutan si Calvin at para makalayo na rin kay Canyx
Naabutan ko si Calvin na naka upo na sa driver seat. Narinig kong tumunog ang sasakyan ni Canyx at pagbukas ng pintuan. Nilingon ko sya. Nakatayo sya sa gilid non at nag hihintay sa pag pasok ko
Nung hindi ako gumagalaw ay agad syang nag taas ng kilay
" Hop in Lia" Binuksan ni Calvin ang pinto sa tapat ng passenger seat at tinawag ako. Napansin nya sigurong hindi ako sumasakay kaya binuksan nya ang pintuan
Tiningnan ko si Canyx at dahan dahang naglakad papalapit sa pinto ni Calvin. Nakita ko ang pag iling nya at pagpasok sa driver seat. Malakas ang pagsara nya ng pintuan, kulang na lang magiba ang kotse nya.
He's been mad?
Ang OA ahh
Pina paandar pa lang ni Calvin ang makina ng kotse nya samantalang ang kotse ni Canyx ay mabilis na nauna sa amin at lumabas ng Cafe. Kita ko ang pamumutla ng mga guard sa gate ng dahil sa ginawa nya. Kinuha nila yung radyo nila at nagsalita doon
" Damn that kid!" Inis na usal ni Calvin sa tabi ko. " Napaka Immature"
Hindi ako nag salita nanatili akong tahimik habang hinihintay na mapunta kami sa gate ng parking lot
Binuksan ni Calvin ang windshield nya ng matapat kami sa mga gwardya. Nagsasalita pa rin ito sa radyo nya kaya pinakinggan ko iyon
" Naka Black BMW. Hindi namin nakuha ang plate number. Ang bilis ng patakbo, 80 km per hour" Rinig kong sabi nito
Sumilip si Calvin sa bintana at tinawag iyong guard
" He's my brother. Im sorry" Sabi nya at nag bigay ng kung anong card sa gwardya. Binasa ng guard yon at mabilis na binati si Calvin at tumawag ulit sa radyo nya
Muling pinatakbo ni Calvin ang makina at sinarado na ulit ang bintana nya. Lumingon sya sa akin at ngumiti
" Im sorry for his attitude. Ganyan talaga sya kapag hindi nasusunod ang gusto"
YOU ARE READING
Seems Like We're Connected (On Going)
RomanceLia Monteverde is just a simple college girl living with a small dormitory.She's Living her life with no hassle, no drama and no sweats. 15 years old ng mamatay ang mama nya na mas lalong nakapag pa lakas ng loob nya na tumayo mag isa. Everything wa...