Maaga ako nagising para mag workout at para na rin makapag general cleaning sa room ko. ilang araw weeks nalang kase e pasukan na at gusto ko namang malinis na ang kwarto ko bago pa ko maging busy sa school works and everything.
lumabas muna ako para mag 5 rounds na jogging bago pumasok sa isang room na puno ng gym equipments.
"nakakapagod mag maintain ng body" nakakapagod naman kase talaga pero pag nakita mo na ang results, nako masa-satisfy ka nalang talaga sa outcomes.
naligo muna ako bago mag general cleaning, ligo nalang ulit ako mamaya pagkatapos ko maglinis.
"ma'am alianna, nandyan na po si ma'am kali"
"okay po manang! pasabi nalang po sakanya antayin ako sa living room at maliligo pa ho ako" aba, ayokong humarap sa friends ko na pawisan at di nakapag ayos noh!
"tagal mo naman maligo alianna! 7:30am na oh! dami pa nating aayusin at liligpitin sa kwarto mo kaya bilis na!" iritang sabi ni kali.
etong kali na yan kahit ganyan yan, marunong pa rin sumunod sa oras. that's what i like about kali. nahahawaan niya ako sa pagiging on time niya.
"eto na ho mama kali, tapos na ho ako maligo oh! wag ka nang magsalita salita dyan dahil kung hindi ay pepektusan kita!"
pagkalabas na pagkalabas ko sa walk-in closet ko'y umupo ako agad sa accent chair na nasa tapat ng vanity table ko. nagblower ng buhok and nag powder. kahit na alam kong papawisin lang naman mamaya.
"saan tayo magsisimula, alianna?" masayang tanong ni kali.
"aba ikaw pa mas excited sakin sa pag linis ah, anong meron?"
"syempre! masaya kayang declutter ng closet!"
"dyan na tayo magsimula sa mga bags, kali."
"okay!"
nahalungkat namin ang mga bags kong bago pa pero di nagagamit. sayang naman kung stock lang sa cabinet, display lang at di naman nagagalaw.
"should i sell my other bags na? or what? di ko naman na nagagamit e, baka maging marupok na ang mga tahi and maging useless nalang" tanong ko kay kali, si frances daw papunta palang.
"Ikaw ang marupok, remember?" sagot sakin ni kali
"Aba'y bastos ka ah! inaano ba kita prinsesa ng alak? ha?"
"girls, kala ko ba maglilinis tayo? ba't galit na galit ka alianna? hahaha" pang aawat samin ni frances. siya ang dakilang tiga-awat saming dalawa ni kali pag nagsasagutan kami. actually di naman namin sineseryoso ang sagutan namin ni kali, dahil ata sa tunog ng boses namin na parang nag aaway kaya kala ni frances totoong away na.
"frances, should i sell this one? di ko na nagagamit e. Hermes ang brand." holding the color pink hermes limited edition bag bought last 2017.
"for me, should sell it na. i mean, di naman lahat ng bags mo magagamit mo e. look, once you sell the bag na di mo na nagagamit, you can buy things you'll need. pero it's up to you pa rin since sa'yo naman yang bag na yan."
"mabuti pa si frances nakakatulong sakin ngayon, di tulad ng isa dyan pa ig story ig story lang dyan sa kama hindi naman tumutulong" pabalang kong sabi kay kali dahilan para mapatingin sakin.
"Oo na Ms. Alianna Kyle na future Engineer at Artista!" padabog na sagot ni kali
"let's take a snack muna before mag proceed ulit sa paglinis" sabi ko at naupo nalang sila sa couch ko sa room para makapag pahinga
BINABASA MO ANG
Chasing Stars
RomanceSaksi si bathala sa mga pinag daanan ko sa buhay. Oo, maraming bagay ang sumagi sa utak ko pero hindi ko ginawa dahil alam ko na lahat na masamang nangyayari sa buhay ko eh may kapalit na masaya't hindi malilimutan na alaala. I can be the strongest...