+Tukso+
Palihim na nakatakayo si Mania likod ng malaking puno na nasa harap ng isa coffee shop, kung saan ay hinihintay niya ang paglabas ng apat niyang mga kaklase. Suot niya ang itim niyang black hoddie na palagi niyang suot sa mga ganitong pagkakataon. Ngumingisi siya habang tinitignan mula sa labas ng salamin ang apat na mga kakababaihan na masayang nagkwekwentohan.
"Magsaya lang kayo hangga't sa gusto niyo. Dahil kapag lunabas na kayo sa pintong yan, ay yan na ang katapusan ng ligaya niyo" ngiting bulong nito sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kaklase niyang nasisiyahan sa pag-uusap sa loob ng coffee shop.
Tumunog ang cellphone na hawak ng dalaga na naging dahilan ng paglawak ng ngisi niya dahil sa natanggap na message.
Sunduin niyo na kami;
From: Ma'am Lizly
Iling iling niyang pinatay ang cellphone ng driver ng kaklase niyang si Gonzales habang inaalala kung paano niya nakuha ang telepono ng driver nito.
Inabangan niya ang driver ng kaklase niyang si Lizly Gonzales para makuha ang saksakyan nito para sa plano niya. Nakita niya ang pag-andar ng van na minamaneho nito, mabilis na tumakbo ang dalaga at walang atubiling nagpasagasa sa sasakyan at magkunwaring natamaan. Mabilis na huminto ang driver dahil sa nangyari at mabilis na pinatay ang makina ng sasakyan para bumaba at tignan kung sino ang nabangga niya. Laking gulat nito ng may makitang nakaunipormeng babae na nakabuglata sa harap ng sasakyan nito, nilibot niya ang paningin sa paligid at napagtanto niyang walang tao. Nag-aalangan pa siyang binuhat ang dalaga saka pinasok sa loob ng sasakyan para isugod sa ospital.
Dali dali siyang pumasok sa sasakyan at pinaandar ang makina. Binalingan niya ng tingin ang dalaga at pinagmasdan ang maganda at maamo nitong mukha, hanggang sa bumaba ang tingin nito sa malaking dibdib ng dalaga at sa hita nito nakahelira dahil natupi ang suot nitong palda. Napalunok siya dahil dito. Nag-uumpisang bumilis ang kanyang paghinga at pagtagaktak ng kanyang pawis sa kanyang noo. Binalik niya ang tingin sa kalsada at tinignan kung may tao sa paligid saka binalik ang tingin sa dalagang walang malay na nasa tabi niya. Natutukso siyang galawin ito kahit ilang beses niyang ibalik sa isip niyang hindi maganda ang naiisip niya, hindi niya napigilan ang pagglaw ng kanyang kamay na haplusin ang makinis na mukha at braso ng dalaga.
BINABASA MO ANG
The Murder's Diary
Misteri / ThrillerDugo ang isa sa mga bagay na kinakatakotan ng tao. Dugo ang siyang dumadaloy sa katawan mo upang mabuhay sa mundong ibabaw. Isang pulang likido na kadalasang makikita sa mga krimen kung saan palaging may buhay na binabawian. Maraming uri ng tao ang...