A/N: Free to comment lol! HAHAHAHA
+Pagbubulgar+
Kinapa ni Mania ang susing nasa bulsa niya at sinuot ang panlalakeng wig saka humakbang papunta sa van na kinuha niya mula sa driver ng kaklase niyang si Gonzalez. Sumulyap siya sa side mirror ng sasakyan at nakita niyang papalabas na ang apat na magkakaibigan mula sa coffee shop kung saan ito nanggaling.
"Bingo" aniya saka gumuhit sa niya ang isang nakakatakot ngiti.
Bumukas ang pinto ng van kasunod non ang pagpasok ng apat na nagkwekwentohang dalaga na tila ay may pinag-uusapan pang isang tao.
"Nakakainis talaga ang babaeng yu'n, akala mo kung sinong matalino ansarap niyang pupukin ng martilyo!" Ani ng dalaga si Angel Santiago habang inaakto ang sinasabi sa mga kaibigan.
"Sinabi mo pa! Dapat nga hatakin pa dila non sa sobrang babida eh" sagot naman ng kaibigan nitong si Nancy Gonzaga.
"Nakakainis talaga sila! Siya at yong baguhan na akala mo kung sinong matalino, naiirata ako sa tuwing nakikita ko sila" sabat ng kaibigan nitong si Markie Santiago habang nanggigil na hinahampas ang karaharap nitong upuan.
"Mga wala silang kwenta!" Sigaw ni Lizly Gonzales.
Mahigpit na hinawakan ni Mania and manobela dahil sa huling sinabi ng isa magkakaibigan. Hindi niya gusto ang tinatawag na walang kwenta o walang silbe dahil isa iyon sa nagpapaalala sa mga madalas na sinasabi at pibulyaw sa kanya sa dati niyang buhay. Malimit siyang nakakapatay dahil sa salitang iyon na pumupukaw sa pananabik niyang makita nang umaagos na dugo mula sa mga taong ayaw niya.
Iritado siyang binalingan ng tingin ni Lizly dahil hindi pa ito gumagalaw at tila'y nakikinig sa pinag-uusapan nilang magkakaibigan. Kinuha nito ang bote nasa tabi niya at walang pagdadalawang isip nakinuha saka malakas na tinapon sa front sit ng sasakya para ipaabot sa drayber kung bakit hindi pa ito umaandar.
"Hindi ka binabayaran para maging chismoso mama. Ihatid mo na kami dalian mo!" Iritado nitong sabi saka hinilot ang sariling noo.
Palihim na ngumisi si Mania dahil may naiisip na siyang plano sa mga ito na gagawin mamaya sa lugar kung saan gagawin ang kanyang plano. Sumulyap siya dito saka pinaandar ang makina ng sasakyan.
"Ihahatid ko talaga kayo, sa huling hantungan niyo" bulong ng dalaga saka pinindot ang isang boton para magkaroon ng harang sa pagitan ng front sit at back sit ng sasakyan. Kasunod ay pinindot niya ang pangpatulog na gas sa back sit, rinig niya ang sigaw ng mga dalaga habang malakas na kinakatok ang harang at humihingi ng tulong sa kanya. Ilang minuto lang ay natahimik na ang mga ito na nagbibigay ng senyales na umepekto na ang pampatulog sa mga ito.
Nagising ang apat na magkakaibigan na nakatali bakal na upuan ang bawat isa sa kanila. Madalim at madumi ang paligid at ang tanging nagbibigay lang ng ilaw ay ang isang maliit na bulb na malapit ng mapunde. Malansa ang paligid na mas lalong nagbibigay ng takot sa mga dibdib nila, dagdag pa ang ingay ng mga insekto at ang mga dagang nagsisitakbuhan.
"Omg! Bakit tayo nandito?" Mangiyak ngiyak na tanong ng dalagang si Mariano.
"Do you think alam namin Markie?" Naiiritang sagot ng kaibigan nitong si Nancy.
"Kaya nga tinatanong ko diba kase hindi ko alam!" Sagot naman ng dalaga sa kanya.
"Tumigil nga kayo d'yan! Ang iingay niyo" iritadong sigaw ni Lizly sa kaibigan.
"Ikaw ang may kasalanan nito Lizly kaya ikaw ang tumahimik diyan! Kung hindi mo kami sinama kanina hindi sana kami mapupunta sa ganito" sabat ni Angel Santiago.
BINABASA MO ANG
The Murder's Diary
Mystery / ThrillerDugo ang isa sa mga bagay na kinakatakotan ng tao. Dugo ang siyang dumadaloy sa katawan mo upang mabuhay sa mundong ibabaw. Isang pulang likido na kadalasang makikita sa mga krimen kung saan palaging may buhay na binabawian. Maraming uri ng tao ang...