Chapter 27: Started

54 5 0
                                    

Honey's P.O.V.

Ilang minuto minuto matapos umandar ang timer. Magkaharap kami ni Reixel ngayon. Oo, tama. Siya ang nakabunot ng pangalan ko. Same as mine.

"H-hindi kita kayang saktan Hon," malungkot na sabi niya. Nakayuko siya habang hawak ang isang kutsilyo.

"Ako rin Reix, ayaw ko rin na saktan ka at mas lalong ayaw kong pumatay ng tao. Gusto ko ng umalis sa lugar na ito." Sabi ko sa kanya.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa baril. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Matagal na kaming magkaibigan ni Reixel. Hindi ko siya magawang patayin pero...kinakailangan. Gusto ko rin na makaalis sa lugar na ito. Kaagad kong pinunasan ang tumulo kong luha sa aking pisnge.

"I'm sorry Reix," napatingin siya sa akin. Tila nagmamakaawa ang kanyang mga mata na huwag kong ituloy kung ano man ang binabalak ko sa kanya.

"Ga...gawin mo talaga?" tanong niya sa akin.

Bakas ang lungkot sa kanyang boses. Masakit man sa kalooban ko at tumango ako.

"O-Oo. Kung ito ang lang ang tanging paraan para matapos na ang larong ito," giit ko.

"P-pero makakahanap pa naman tayo ng paraan para makaalis dito. Sama-sama tayong aalis di—" lumapit siya pero kaagad ko siyang tinutukan ng baril dahilan para matigil siya sa pagsasalita.

"Huwag kang lumapit," matigas kong sabi.

I'm really sorry Reix. Hindi ko gusto itong ginagawa ko. Umiling-iling siya.

"Honey ibaba mo 'yan. Inuutusan kita," napansin ko ang pagpatak ng kanyang luha.

"Hindi kung gagawin ko 'yon ay aatakihin mo ako...at papatayin," madiing sabi ko sa kanya.

"Ganyan na ba ang tingin mo sa akin Hon? Mamamatay tao? Akala ko ba magkaibigan tayo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

I'm sorry. Hindi ko kaya. Ibinaba ko ang baril. Napayuko ako. Nalilito ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ni Reixel sa akin.

"Hindi natin kailangang saktan ang isa't isa para makaalis dito Hon. Si Master ang kalaban natin dito," Paliwanag niya sa akin habang nakayakap.

Alam ko Reix, pero ito lang ang naiisip kong paraan para makaalis tayo rito. Sa huling sandali ay niyakap ko siya pabalik.

"I'm sorry," Bulong ko sa kanya bago siya sinuntok sa tiyan dahilan para mapadaing at mapaluhod siya sa sakit.

"A-anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong niya sa akin. Nilakasan ko ang loob ko.

Hindi ko ipinakita sa kanya na nasasaktan din ako. Itinutok ko sa kanyang ulo ang hawak kong baril. Nginitian ko siya.

"Goodbye Reix, you may now rest in peace," sabi ko sa kanya sabay kalabit ng gatilyo.

***

3rd person's P.O.V.

8 month's ago

"Sandali!" sigaw ng isang lalake habang pinupunasan ang kanyang kamay.

Buhat sa kusina ay patakbo niyang binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang 25 taong gulang na lalake. Matangkad, maputi, medyo singkit ang mata at matipuno ang pangangatawan.

"B-buti naman at nakauwi ka na bunso," bati ng lalaki sa kanyang kapatid na kararating lamang.

Binuhat nito ang dalang maleta at pumasok na sa loob. Walang emosyon ang itsura nito. Umupo siya sa may sofa at pinagmasdan ang kanyang paligid.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon