"Babe?", mahinang tawag ko sa gf kong si Andrea.Kasalukuyan siyang nakaunan sa lap ko. Kakatapos lang nang klase namin, kaya naisipan naming dalawa na magdate.
"Hmm, ano yun babe?" Tanong niya sakin habang tumititig sa mukha ko sabay ngiti.
"Pakasal na tayo after natin grumaduate ng college" seryosong sabi ko, bakas naman sa mukha ang gulat niya bago napangiti.
"Sige ba" sagot naman niya na ikinangiti ko. "Pero...."
"Ano yun babe?" tanong ko naman sa kanya.
"Pano pag di ako makagraduate? Edi hindi tuloy?" nakangusong tanong niya sakin.
Ginulo ko naman ang buhok niya sabay sabing,"Pagtutulungan natin"
Hindi naman kasi ako matalino, average lang din, pero atleast pasado naman.
Simula noon, sabay na kaming nag-aaral, tinutulungan ko na din siya sa mga project, pati na din sa assignments niya.
Lumipas ang buwan na ganon ang sitwasyon namin, hanggang nagfinal exams at lumabas ang results.
Kakatapos lang ng klase ko, agad kong hinanap si Andrea. Nakita ko naman siya kasama ang mga kaibigan niyang babae.
Agad akong lumapit sa kaniya at yumakap, "Congrats babe, makakagraduate ka"
Masaya talaga ako kasi makakgraduate siya sa taong ito, malawak ang ngiti ko habang yakap siya, pero laking gulat ko ng bigla siyang kumawala sa pagkakayakap ko at tinulak ako.
"Kian ano ba!? Itigil na natin to! Ayaw ko na sayo!", singhal niya sakin.
"Pero babe, diba magpapakasal pa tayo?" tanong ko ulit sa kaniya, di ko siya kayang mawala.
"Magpapakasal? Sa tingin mo may papatol sa isang bobong tulad mo?! Gumising ka nga sa katotohanan!" Singhal niya ulit.
Nakakatawa, nakalimutan niya ba na ako ang tumulong sa kaniya sa mga assignments niya? Puta, ganto lang pala igaganti niya.
"Bobo nga ako, ang bobo ko sa parte na pinagpalit ko yung test papers natin" mahina kong sambit bago naglakad palayo.
YOU ARE READING
My Short Stories
Short StoryA compilation of different short stories that I wrote. I hope you like it. Mostly are dagli, or flash fiction, which have different twists. Please vote and comment if you want to.