Earl Ramirez
" Sa Cafe pa rin ba kita ihahatid?" Tanong ni Canyx na nasa Front seat. Sinilip ko sya sa rear view mirror at nagtama ang tingin namin don
Umiling ako
" didiretso na ko sa bahay. Ituturo ko nalang sayo, malapit lang naman iyon sa cafe" Sabi ko na tinanguan nya
Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon dahil mas nauna nyang hinatid si Fatima. Nasa Back seat ako at si Fatima ang nasa passenger. Mas pinili kong maupo dito. Tahimik lang si Fatima habang nasa labas ng bintana ang tingin. Hindi nya nagustuhan ang ideya ni Canyx na sya ang mauunang ihatid
Ang dahilan ni Canyx ay mas malapit lang daw si Fatima sa Restaurant kaya sya ang inuna, para kapag nahatid na ako, hindi na sya babalik pa. He's tired daw at gusto nya na kaagad makauwi ng bahay
Napaka abnormal naman kasi ng Canyx na to. Halata namang gusto syang masolo ni Fatima eh pero mukhang hindi nya napapansin yon. Nag suggest ako na ma-mamasahe ako para hindi ako maka gulo sa kanilang dalawa pero hindi naman nya ako pinayagan. Ang hirap nyang itimpla, hindi ko maintindihan
Pumasok kami sa isang subdivision na itinuro ni Fatima. Pinahinto nya yung sasakyan ni Canyx sa tapat ng isang mansyon. Nalula ako ng tingnan ko ang kabuuan non. Napaka laki. Parang hindi mo ito malilibot gamit ang isang araw lang
" Goodbye Canyx. See you next time" Sabi nito at humalik sa pisngi nya bago bumaba. Napangiwi ako
Kita ko sa rear view mirror ang pag sulyap ni Canyx sa akin pero isini- walang bahala ko iyon
" Lumipat ka dito Lia. Hindi mo ko driver" Sabi nya ng hindi pa pinapa takbo ang sasakyan. Tinaasan ko sya ng kilay. Napaka arte naman ng lalaki na to. Sya nga yung nag d-drive eh, panong hindi sya magiging driver
Umirap nalang ako at sinunod sya. Lumabas ako ng backseat at naglakad patungo sa passenger.
" Happy?" Inis na tanong ko sa kanya. Ngisi lang ang naging sagot nya at nagsimula ng paandarin ang sasakyan nya
Mabuti nalang at naisuot ko yung seatbelt dahil kung hindi baka nasubsob ako sa harap ng sasakyan. Ang bilis ng patakbo nya kumpara kanina
" What the heck is your problem!"
Nilingon nya ako habang mabilis na nag papatakbo, mas lalo akong kinabahan sa ginagawa nya. " Kung gusto mong magpa kamatay wag mo kong idamay!" Sigaw ko sa kanya habang naka kapit sa seatbelt
Natawa sya dahil sa reaksyon ko. Gusto kong sirain ang mukha nya ngayon sa totoo lang. Ang yabang yabang nya at nadadamay pa ako
" Easy" Nang aasar na sabi nya at mas binilisan ang pag papatakbo. Napa pikit ako sa takot. Bumabaliktad din ang sikmura ko at parang gusto kong isuka lahat ng kinain ko kanina
" Stop this fucking Car!! " Malakas na sigaw ko habang naka pikit
Idinilat ko ang mata ko at nakita kong nasa tapat kami ng pedestrian, nakita ko ang pagpula ng ilaw sa taas. Ow shit!
Gaya ng inaasahan ko ay hindi nya hihintuan yon. Patuloy lang sya at hindi manlang binabagalan ang pag papatakbo nya
" Canyx!" Nakita ko ang mabilis na pag lingon nya sa akin dahil sa pag sigaw ko sa pangalan nya
" Oh now you're saying my name. Akala ko hindi mo alam ang pangalan ko" Sarcastic na sabi nya. " Say it again then I slow down"
Is he Crazy? Anong kalokohan ba ang pinapa gawa nya? Wala pa bang bumanggit ng pangalan nya at bakit ganyan sya maka asta
" W-what?" Takang tanong ko habang natatakot pa rin sa ginagawa nya. Mas binilisan nya yung sasakyan dahil sa tanong ko
Shit! this is Insane. Ano ba tong nasakyan ko? Feeling ko patungong sementeryo ang punta namin
YOU ARE READING
Seems Like We're Connected (On Going)
Roman d'amourLia Monteverde is just a simple college girl living with a small dormitory.She's Living her life with no hassle, no drama and no sweats. 15 years old ng mamatay ang mama nya na mas lalong nakapag pa lakas ng loob nya na tumayo mag isa. Everything wa...