It was 12th of March but the pain still remains in my heart. Sobrang sakit pero pinilit kong lumaban that time kahit gustong gusto ko na lisanin yung event na yun. Let me take you back to that time when I wounded myself.
March 12, 2019
"Ano bang gagawin natin dito pre? Di ko naman kilala yung may birthday eh" sabi ko sa kaibigan kong si Miko."Gago ka ba? Classmate natin siya sa Cookery tapos di mo kilala? Ano ka ba naman Harold. Si Sheena, yung magaling magluto sa group 2. Ni-invite niya tayong lahat, di ka kasi lumalapag ng gc ng Cookery 10 eh." bulyaw ni Miko.
Pinapasok na kami sa bahay nina Sheena at nakita ko kung gaano pinaghandaan ang birthday niya. 17th birthday niya pa lang pero todo handa na sila. Sabagay solong anak pala si Sheena sabi ni Miko
"Andito ka na pala Miko. Maraming salamat sa pag punta. At ikaw naman si?" tanong sakin ni Sheena.
"H-Harold," nauutal kong sagot "ako si Harold."
"Harold Luna? Aba famous ka sa school natin ah. Ikaw yung magaling tumula at mag spoken poetry sa school. Napaka husay mo naman, pero di ko alam na classmates pala tayo sa Cookery?" tanong niya.
"Ahhh palaging nasa likod ito si Harold, ako naman nasa harapan naka upo kaya di mo masiyadong makita. Tyaka di rin siya pala imik sa klase eh" paliwanag ni Miko.
"Ahhh ganun ba? Anyways tara kain na kayo. Harold tara kain na tayo?" pagaaya niya.
Nakatitig lang ako kay Sheena habang kinakantahan siya ng Happy Birthday song. Napaka ganda pala niya. Napaka gago ko den kasi di ko siya kilala eh nasa isang subject lang kami.
After few months, na tapos na namin ang Junior High School at mag mo-move on na kami into Senior High. Nakasama ko siya sa Enrollment that time kasi mananatili parin pala siyang Cookery kasama ko, habang si Miko nama'y lumipat sa STEM.
Naging mas malapit pa kami sa isa't-isa dahil naging seatmates kami at dun nag simula ang pagkakaroon ko ng feelings para sa kaniya. Parang best friends na din kami sa sitwasyon namin.
"Harold, wala ka bang balak umuwi?" tanong niya ng matapos ang klase habang ako'y abala sa pag ayos ng mga papers ko.
"Ahhh oo, pero dadaan pa ako sa Library kasi may asikasuhin ako" sagot ko.
"Ahh ganun ba? Sige kita kits bukas ah" pagpapaalam niya.
Mag-isa na lang ako sa classroom at ako din yung magsasara kasi President ako, ako dapat ang in charge sa lahat ng nasa classroom. Nang matapos ko nang masara ang electric fans, ilaw, at bintana, ay sinimulan ko na ang balak ko.
Tumayo ako sa harap ng classroom at nag simulang tumula. Nag p-practice ako ng tula para sa kaniya tuwing mag isa ako dahil balak kong umamin sa kaniya sa susunod niyang birthday at aalayan ko siya ng tula.
Gumawa ako ng madaming tula para kay Sheena pero di pa niya alam na gusto ko siya. Gumagawa ako ng mga efforts sa kaniya ng palihim pero di niya napapansin.
Dati,
Nakalimutan niyang I-submit ang assignment dahil mag a-absent daw siya kaya ginawan ko siya.Nawala yung PowerPoint presentation niya dahil nagkaroon ng virus yung flashdrive niya bago siya mag report kaya 5 minutes rush tinapos ko yun para sa kaniya.
Nagkaroon siya ng accident after ng contest na sinalihan niya kaya di siya nanalo pero andun ako para sa kaniya para damayan at suportahan siya. Ako din yung taong nag comfort sa kaniya kasi down na down siya after nun.--
Pinagalitan siya ng adviser namin pero pinagtanggol ko siya at in-explain na aksidente lang yun lahat.
Lagi akong nanlilibre sa kaniya tuwing uuwi kami. Minsan naglalaro pa kami sa arcades after exams kasi may mga achievements na naman kaming natanggap.
YOU ARE READING
Compilation of One-Shot Stories by Dwayne Cadmus
General FictionGreetings! This is a Compilation of Short Stories I've written in my Facebook Account. All stories written here are used by my imagination and nothing to do with true events in real world. I am not a good writer, I'm still learning how to improve m...