"Gusto Kita"

2 0 0
                                    


Isinulat ni: ❤️tripleAlpha🌻

Iniiswasan Kita
Hindi dahil sa ayaw ko sayo
O di kita gusto.

Gusto kita,
Inaamin ko yan
Kaso takot akong may masasaktan.

Gusto kita
Pero ayaw ko ipasubo ang sarili ko
Dahil alam kong maghihiwalay lang din tayo.

Gusto kita,
pero mas maraming mga bagay
Na dapat kong atupagin kesa makipag lokohan sayo.

Gusto kita,
Pinipilit kong pigilan ang sarili ko
Kahit sobrang lalim na ng feelings ko sayo.

Gusto kita,
Pero mas pipiliin kong bitawan ka
Bago pa ako masaktan ng sobra.

Wag nating ipilit pagtaagpuin
Ang mga puso natin
Dahil hindi talaga tayo ang nakatadhana.

Wag kang mag alala,
Magiging ok din ako.
Masakit lang to sa una

Balang araw,
Babalik din sa normal ang lahat,
Makakangiti din ulit ako ng wagas.

Paalam, gusto kita
Pero mas mahal ko ang sarili ko at
Poprotektahan ko ang puso ko hanggat kaya ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Gusto Kita"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon