Zyrus Denzel Vlodz
After 5 years...
Noong araw ng kasal namin ay isang napakagandang regalo rin ang ibinigay sa akin ni Lily. Habang ngsasayawan lahat sa reception ay may ibinigay siya sa aking maliit na box. I thought it was a normal wedding gift from her.
Pagkabukas ko non ay ay gayon na lamang ang labis na tuwa ko.
Isa iyong pregnancy test, with two red lines.
TWO RED LINES.
She was carrying our first child that day.
And that child was now a four-year-old adorable girl.
She's Zymira Jamzel.
Nasa salas kami ngayon. Nakangiti ko siyang pinagmamasdan habang may ginagayang action sa pinapanood, with her other two little sisters.
After a year ay nagkaanak kami uli ni Lily and it wa a girl again. She's Zynab Denra.
Sunod naman na tumabi sa kanila ang pangatlong anak namin, si Zyli Demira.
A girl again.
'Li'li, Tack, at si Mingming, ang wonder pets, tutulong sa inyo...
'Hindi malalaki at hindi malalakas,
'Pero 'pag nagtulungan,
'Lahat malulutas.
'Gooo, wonder pets, yeeyyy!'
Pinalakpakan ko sila sa sabay-sabay nilang pagkanta. Favorite bonding ng mga anak ko ang kumanta at sumayaw.
Napatingin ako sa gilid ko. Tinapik ko naman sa hita ang pang-apat na anak naming babae na si Zykiah Mirus. Ang himbing pa rin ng tulog niya kahit ang ingay ng mga ates niya. She's one year and six months now.
"Yaya, pakidala na nga sa nursery si Zykiah," tawag ko sa isang kasambahay namin.
Patuloy lamang sa ginagawa ang mga anak ko.
"Zyrruuuuuusssss!"
Napatingin ako sa second floor. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Lily na nakakapit sa hawakan habang sapo ang tiyan. Patakbo akong umakyat at nilapitan siya.
"Manganganak na yata ako. Pumutok na panubigan koooo... ang sakit!" patuloy na hiyaw niya.
Mabilis kong inutos sa mga katulong na ihanda na ang sasakyan na gamit ng Ma'am Lily nila sapagkat manganganak na ito.
Na finally...
A baby boy!
Dahan-dahan kong inalalayan pababa ng hagdanan si Lily.
Pumila naman isa-isa ang tatlong anak namin. Si Zykiah ay buhat pa rin ng katulong at mahimbing pa rin ang tulog.
"Daddy... Mommy is getting our baby brother out?" tanong ni Zymira.
"Yes, you'll see your baby brother later," I answered.
"Sama, Daddy! Sama!" nagtatatalon na sabi ni Zynab.
"Me, too! Daddy! Me, too! I wan't to see our baby brother!" Si Zyli rin.
"Please? Daddy?" Nag-puppy eyes si Zymira hanggang sa sabay-sabay na sila. "Pleaseeee...?!" Nakapout sila at puppy eyes.
Sino nga ba naman ang hindi makaka-resist, 'di ba?
"Okay, fine, babies. Basta behave, okay?"
Nagtatalon sila sa tuwa.
Napakapit na sa akin si Lily.
"Ano ba?! Zyrus!Ang sakit na nga sabi!" bulyaw niya sa 'kin.
Napangiti ako at binuhat siya. Sumunod sa likuran ko ang mga anak ko in tren style. Bumaling ako sa yaya na buhat si Zykiah.
"Isunod mo sa amin si Zyki."
"Yes, sir!" sagot nito.
Pagkalabas namin ng mansyon ay nandoon na ang sasakyan. Isinakay ko siya doon kasunod ng mga anak ko. Pinauna ni Zymira ang mga maliliit niyang kapatid at huli siyang sumakay. I raised a responsible and lovable ate for them.
Sa HC Medical City kung saan suki na sa panganganak si Lily...
Same na rin ang private room kung saan siya dinadala matapos manganak via cesarian section. Bukod tanging itong panlima ang nadaan sa ganoong delivery dahil ang laki daw nito at naubusan ng panubigan kanina si Lily.
Behave lamang na nakaupo sa sofa ang mga anak ko. Gising na si Zykiah at nilalaro siya ni Zymira upang hindi maglikot kung saan-saan.
Napatingin kaming lahat sa pumasok na nurse dala ang baby. Tuluyan namang nagising si Lily at napangiti.
Nang ibigay ng nurse sa akin ang baby ay gayon na lamang ang galak na nadama ko nang masilayan ko siya.
Our baby boy.
Zyljian Jamzy.
Lumapit sa 'kin ang four Marias ko. Inilapit ko ang sanggol kay Lily at binuhat niya ito.
"Hello... Baby boy..." bulong niya rito.
Pare-pareho na kaming nasa gilid niya at pinagmamasdan si Baby Zyljian.
"We love you, baby brother," sabi ni Zymira.
"We will protect you, Baby Zijan," sabi naman ni Zyli na bulol pa bumigkas ng words.
"I love you, baby boy," sabi naman ni Zynab.
"Bibibibibi," Pumapalakpak na sambit ni Zykiah habang tinuturo ang baby brother niya.
Pare-pareho silang hinalikan sa noo ng Mommy nila.
"Zyrus, I will love you all, for the rest of my life," Lily said.
I wanted to cry in happiness right now.
I touched her face.
"I will be a great husband and father to our children, my Mira. I love you so much!" I said, and gave her a kiss on her forehead.
"We love you, Mommy and Daddy!" sabay-sabay na sabi naman ng mga anak ko.
I couldn't asked for more.
Having them, it's a great life achievements.
My own family.
THE VLODZ FAMILY.
THE END
![](https://img.wattpad.com/cover/162003723-288-k522790.jpg)
BINABASA MO ANG
This Time She's Mine
RomanceLily Jamira Mondejar, the successful owner of The Lily's Lux Bar, struggles with the pain of a broken heart after the love of her life, Ace, left her three years ago. But when famous singer and actor Zyrus Denzel Vlodz walks into her bar and reignit...