Kasama ko siya ngayon.
Ngayon na ang pagkakataon na masasabi ko sakanya ang matagal ko ng tinatago.
Oo, aamin na ako, 'diko na kaya e. Di bale, bahala na si Papa G.
"Ano Mildream? Okay kapa dyan? Ubusin mo na yang fishball mo, taena ang bagal mo naman talaga kumain e, hahahahah" masayang sabi ni Ryeli.
Kung alam mo lang Rye na 'di ako okay!
"Oo na e-eto na nga e, teka lang naman no..." nahihiya kong sabi habang tinusok tusok yung fishball.
Habang tinatapos ko ng kainin yung fishball ay biglang lumapit si Rye, as in sobrang lapit na magkabanggaan na yung mga balikat namin! May kuryenteng dumaloy agad sa kalamnan ko.
"A-ano ba Rye, ang gaslaw mo naman e! Umusog ka nga ron, ang haba-haba netong bench tapos didikit ka e." pagrereklamo ko kunwari pero ang totoo'y naiilang ako sakanya. E kasi naman e! Aamin na nga ako diba?
"Sus ang oa naman talaga oh" sabay kurot niya pa sa pisnge ko.
Pakeo talaga e! Kaines deputa!
"Ang sakit kaya!" sigaw ko na ikinatingin naman ng mga taong nandito sa park.
Nakakailang tuloy! Hays
"Teka, ano ba yung sasabihin mo? Pinapunta mo ba ako rito para ilibre ha?!"
"A-ah k-kasi...ano e"
Ano sasabihin ko na ba talaga? Shit naman.
"Anoooo? Woy bilisan mo dyan aalis na ako, oh ilang oras nalang!" pananakot niya. Tangina babalik na pala siya sa Canada!
No choice na ako. Aaminin ko na mga men! Wala ng atrasan 'to, baka lang naman diba? Baka may gusto rin siya saken kahit siyam na taon na kaming MAGKAIBIGAN baka lang naman na meron, kung wala e.... hays, bahala na nga talagaaaa
"Bahala na...." yumuko ako na agad na pinagtaka niya, nakatitig lang siya saken ngayon.
"May gusto ako sayo Rye!" mabilis na sambit ko na sobra namang ikinagulat niya!
Lintek!?
"Ha? Anong sabi mo?!" di makapaniwalang tugon nito.
"You know that I don't want repeating myself, Rye" malungkot na sabi ko.
Nakatitig lang siya sakin na parang nalilito, na ewan. I know na ayaw niya ng talo-talo at pumapatos ng kaibigan. Kaya nagdesisyon na akong umalis, inayos ko muna yung sarili ko at pilit na pinipigilan yung luhang babagsak na.
"Y-you know that ayokong pumapatos ng kaibigan Mildream at lalo na sa isang bestfriend pa..." okay, now he's disappointed. Klarong klaro.
"Oum, Rye, I knew...but sorry if I can't help falling inlove with you" sabi ko habang nakatalikod, pilit na tinatago sakanya yung luhang bumabagsak na.
"Diko kayang panindigan 'yang feelings mo, Ream, Im sorry, and...and... I don't have feelings for you, j-just friends only Ream..."
Diko kinaya yung sinabi niya kaya inalisan ko na. Wala naman na akong pag-asa e. Walang wala!
YOU ARE READING
Friend's Only
Short StorySi Mildream Amarille ay isang highschool student at kaibigan ni Ryeli Jiminez na isa ding highschool student, isang araw napag isipan ni Mildream na aminin ang kanyang matagal na nararamdaman ni Ryeli pero ang sabi nang binata na "FRIEND'S ONLY" lan...