SmileIlang minuto na ang lumipas. Malapit ng mag 20 minutes simula ng umalis si Allyson. Kaming apat na lang din ang natitira sa labas ng room dahil naka uwi na ang ibang kaklase namin
" Uhh Lia, Nag text na si Mommy sa akin" Nilingon ko ang nagsalitang ni Sav na hawak hawak ang cellphone nya ngayon
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
Tiningnan ko si Yassy at Vei " Umuwi na rin kayo, padating na rin Allyson nyan, kaya ko naman mag isa dito" ngumiti ako sa kanila
Nagka tinginan si Vei at Yassy at nag dadalawang isip na tumango
" I need to go too, its my lolo's death anniversary" Sabi ni Vei.
" Ako rin Lia. Sure kang okay ka lang dito?" ani Yassy
Medyo natawa ako at tumango. Nag paalam na sila sakin at sabay sabay na nagsi baba ng building namin
Wala namang problema sa akin kung maiwan akong mag isa dito. Hindi naman ako mapapano
Sinilip ko ang relo ko. Malapit ng mag Ala sais at palakas ng palakas yung ulan. Bakit kaya wala pa si Allyson. Nag text ako sa kanya kanina kung nasaan na sya pero hindi naman nya iyon sinagot
Nag hintay pa ako sa hallway ng 10 minuto at naisipan ko ng puntahan si Allyson dahil hindi na maganda ang kutob ko. Malayo sa amin yung locker pero hindi naman sya aabutin ng halos kalahating oras para mapuntahan. 10 minutes is pwede na lalo na kung mag mamadali ka. And she didnt responded on my text
Kumakabog ang dibdib ko habang nag lalakad pababa ng building namin. Malinis na ang buong school at bukas na rin ang mga ilaw bawat hallway. Madilim na kasi dahil mag aala sais na at sinamahan pa ito ng madilim na panahon
Binuksan ko ulit ang cellphone ko at nag punta ulit sa convo namin ni Allyson. Wala pa rin syang sagot mas lalong bumalatay ang kaba sa akin.
Its fine, Nothing's happen. Baka may naka usap lang sya sa locker kaya medyo natagalan at hindi nya masilip ang cellphone nya
Binuksan ko ang payong ko ng lumabas na ako ng building namin. Tinakbo ko ang basang daan patungo sa mga locker. Lampas na sa paa ko ang tubig at rinig na rinig na rin ang pag kulog at kidlat sa langit
Ramdam ko ang pag pasok ng tubig sa loob ng sapatos ko. Kahit yung gilid ng blouse ko ay basa na rin
Nadaan ako sa mga benches na maraming puno at malapit na ang locker dito. Natanaw ko mula sa malayo ang limang lalaki na nag lalakad habang may mga sari-sariling payong. Nahinto ako sa kinaka tayuan ko ng matapat sila sa harap ko
" Oh its your fangirl. Sinalubong ka na Nyx" Natatawang sabi ni Liam. Natawa si Aqkill at Skyler sa sinabi nya samantalang si Canyx at Klex naman ay parehong seryoso ang mukha
" Where are you going?" Malamig na tanong ni Canyx
" Sa locker" Simpleng sagot ko at nag simula na ulit mag lakad. Hindi pa ako nakakalayo ay natanaw ko na si Allyson sa tapat ng isang benches
Nabitawan ko ang payong na hawak ko at malakas na sumigaw. Tumakbo ako papalapit sa kanya habang unti unting nababasa ang buong katawan ko
Napatakip ako ng bibig ng makita ko sya ng malapitan. Umupo ako at yinugyog ang balikat nya. Tumulo sa kamay ko ang dugong nag mumula sa ulo nya
Ramdam ko na rin ang pag dating ng limang lalaki sa likod ko. Tumulo ang luha ko at ramdam ko narin ang panginginig ng binti ko
" Allyson gumising ka!" pilit kong niyu yugyog ang balikat nya pero alang nangyayari " Ally!! " malakas na sigaw ko
YOU ARE READING
Seems Like We're Connected (On Going)
RomanceLia Monteverde is just a simple college girl living with a small dormitory.She's Living her life with no hassle, no drama and no sweats. 15 years old ng mamatay ang mama nya na mas lalong nakapag pa lakas ng loob nya na tumayo mag isa. Everything wa...