15

5 1 0
                                    

    Hindi ko alam kung anong mayroon kay bebelabs at ganyan siya umakto. Pagkatapos ng ibinulong niya kanina ay hindi na ako nakapag salita dahil sa nararamdamang kaba at awkwardness.
   
    Hindi na rin naman kasi siya nagsalita pa ulit pagkatapos kaya ganoon. Natapos ang dinner ng maayos at hindi ako gaanong nakapagsalita. Ramdam ko ang mapang-asar na tingin ni Maricar sa akin na hindi ko nalang pinansin dahil ganyan naman siya lagi lalo na pagdating kay bebelabs.
   
    "Take care" isa-isa ko silang niyakap at kinawayan. Tumingin ako kay Agent Marco at Agent Louis upang magbigay ng pasasalamat dahil sa effort nila para mahanap si Mama.
   
    "Thank you sa tulong para mahanap si Mama. Kapag mayaman na ako, babayaran ko kayo"
   
    Tumawa si Arra at lumapit sa akin, hinaplos niya ang braso ko at ngumiti, "Wala iyon. Para saan pa't kambal tayo kung hindi rin naman tayo magtutulungan diba?"
   
    "Ha? Kambal kayo ma'am?" Bakas ang gulat at pagkalito sa mukha ni Agent Louis. Iiling-iling naman si Agent Marco at hindi na namin napigilan ang pagtawa. Lahat kami ay tumatawa maliban sa katabi ko kaya nilingon ko siya. Pilit na ngiti ang sinalubong niya.
   
    "You okay?" Tumango lang siya.
   
    Ano bang problema at bakit kanina pa siya tahimik? Nagpaalam nalang ako sa mga kaibigan matapos nilang asarin si Agent Louis na hiyang-hiya sa inasta. Narinig ko pang pinagsabihan siya ni Agent Marco kaya nilingon ko ulit. Sakto namang napalingon din si Agent Marco kaya nginitian ko at nag wave ng kamay, tanda ng pamamaalam.
   
    Tumango siya at kumaway na rin kaya naman pumasok na ako sa kotse. "You two seems very close" bungad ni bebelabs
   
    "Who?" Takang tanong ko dahil hindi ako sigurado kung sino ang tinutukoy niya.
   
    "The tall guy. The one who gave you a lobster" ahh si Agent Marco nga.
   
    "Ag-" napahinto ako at napaisip. Dapat ko bang sabihin na Agent si Agent Marco? Hindi ba ang mga Agent ay tago dapat ang identity? Bahala na. "He's Marco. Arra's hmm friend?" Hindi pa ako sigurado kung tama bang friend term na ginamit ko. Ay ewan!
   
    "I see." Hindi na siya muling nagsalita kaya nanahimik nalang ulit ako. Nakatingin lang ako sa daan na puno ng mga ilaw. Napakaganda. Walang traffic hindi gaya sa Pinas.
   
    Speaking of Pinas, hindi ko pa pala natatawagan sina Papa ngayong araw. Ininote ko sa isipan ko na pagkauwi ay iyon agad ang uunahin ko. Hindi naman na kami magdidinner sa bahay niyan dahil nga kumain na kami.
   
    Pagkadating sa bahay ay wala parin kaming imikan. Kinakabahan tuloy ako dahil baka may mali akong nagawa o nasabi ng hindi ko alam. Kanina pa kasi siya tahimik. At isa pa, hindi ako kaagad nakapag paalam na may lakad ako kanina at hindi ako sigurado kung pwede ba iyon gayong nasa isang show ako.
   
    "Annyeo-" naputol ang pagbati ko ng mapansing walang ibang tao dito sa bahay. Napakurapkurap ako habang nakatingin kay bebelabs. Pansin ko ang mumunting ngiti na nakapaskil sa labi niya na siyang lalong nagpagulat sa akin.
   
    Itinuro ko iyon, gulat pa rin, "you're smiling!" Masayang usal ko
   
    "I'm not" aniya at mabilis na sumimangot. Natawa ako sa inasal niya. Napakagwapo talaga.
   
    "Yes you are. You can't fool me" hindi niya ako pinansin kaya naman lalo ko pa siyang inasar.
   
    Ilang minuto pa kaming tumambay sa sala at nag-asaran kaya naman late na rin noong naligo ako. Pagkatapos kong gawin ang mga night routine ko, nahiga na ako at kinuha ang cellphone ko para sana tawagan sina Papa kaso ay may message sila na wala raw sila sa bahay at may nilalakad para sa birthday ni Mike sa sunod na buwan.
   
    Tahimik kong binaba ang cellphone sa tabi ko at bumuntong hininga. Magagawa ko kaya ang pangako ko kay Mike? Makikita ko ba si Mama bago ang birthday ng kapatid ko?
   
    Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Ria na nagsasabing nakauwi na raw sila. Hindi ko na rineplyan dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin.
   
    Ilang araw palang akong hindi umuuwi sa dorm, namimiss ko na sila. Iyong mga late night talks, takas na inuman kahit na hindi naman ako umiinom, mga asaran, pang istalk sa mga idols at kung ano ano pa.
   
    Iyong luto ni Arra na minsan masarap, minsan hindi makain. Iyong panenermon ni Maricar at ang pag asta niya na parang nanay, iyong katahimikan ni Ria pero mapang asar din at maloko. Miss ko na sila.
   
    Si Mama. Maliit pa lang kami noong huli namin siyang nakita at nakausap. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong kayang iwan ang mga mahal nila ng hindi man lang nagpapaalam.
   
    Bakit may mga taong parang wala lang sa kanila kung makakasakit sila. Gaano ba kalalim na rason ang kailangan para dumating sa puntong parang wala ka ng pakealam sa mga maiiwan mo.
   
    Hindi ko sigurado kung ano ang nararamdaman ko pagdating kay Mama. May galit oo, dahil iniwan niya kami noong mga panahong hindi pa namin kaya ang mga sarili namin. Nalulungkot dahil ni hindi man lang namin siya nakasama noong mga panahong nag cecelebrate kami ng mga achievements naming magkakapatid.
  
    On the other hand, naiintindihan ko siya. Alam ko na may rason pero hindi ko alam kung ano iyon. Magulo. Hindi ko alam.
   
    Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo na pala ng hindi ko man lang napapansin ng may kumatok sa pinto. Agad akong tumayo at binuksan iyon. Bumungad si bebelabs na malaki ang ngisi at bagong ligo na rin gaya ko.
   
    "Ice cream?" Itinaas niya ang dalawang ice cream. Nakangisi akong tumango at binuksan ng tuluyan ang pintuan ng kwarto ko.
   
    Inilapag niya ang ice cream sa maliit na mesa sa harap ng tv at pinulot iyong remote na nasa kama saka binuksan ang tv at inilagay iyon sa isang website kung saan pwedeng manood ng movies.
   
    Umupo siya sa sahig at tinapik iyong tabi niya. Gulat akong nakatingin sa kanya at hindi alam kung ano ang gagawin. "I noticed that you're sad so" nagkibit balikat siya
   
    Ngumiti ako at dahan-dahang naglakad palapit at umupo sa tabi niya. Iniabot niya ang ice cream na tinanggap ko agad. Vanilla. Hindi ako kumakain ng vanilla ice cream pero hindi ko nalang sinabi. Nag effort siya eh.
   
    "Thanks"
   
    Natahimik kami nang magsimula ang movie na napili niya. Cartoon. Iyong penguin na sumasayaw at naiiba sa mga kasama niyang kumakanta.
   
    "Why are you sad?" Nabasag ang katahimikan ng magsalita siya
   
    "Hmm" should I tell him? Nakatitig lang siya sa akin, nag aabang ng sasabihin ko. Nag effort siya na pasayahin ako ngayong araw kaya naman nag decide ako na sabihin na sa kanya ang nangyari ngayong araw.
   
    "We went to Gyeonggi-do to look for my mom" kinagat ko ang ibabang labi ng maramdamang naiiyak ako. Ano ba yan wala pa man naiiyak na ako. Nakakainis
   
    "And? Did you saw her?" Umiling ako
   
    Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Hindi ko na napigilan ang iyak ko lalo na ng tapikin niya ang likod ko. "It's alright. I'll help you find her, okay?"
   
    Kahit hindi niya alam ang kwento ng buhay ko, pakiramdam ko ay naiintindihan niya ako. Siguro kaya ako nanalo sa show na ito ay dahil ito ang way ni God para tulungan akong makita ang mama ko.
   
    Pinalibutan Niya ako ng mga taong naiintindihan ako kahit na hindi ako magsalita. I guess life isn't that bad at all. It's like a rain. Nasa saiyo nalang kung sasabayan mo sa pagsayaw ang ulan o magmumukmok ka at hahayaang malunod ang sarili mo sa bugso nito.
   
    And I chose to dance with the rain.

Love, LMHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon