Lira's POV
Linggo na ngayon,araw araw kaming may pasok nila Ken pero tinatamad nanaman akong pumasok ngayon.
Hindi ako pumasok kaya ayaw din ni Ken,yung dalawa lang ang pumasok dahil may inutos si Ken kay Marcus pero may balak silang mag half day.
"Gusto ko mag paint" Sambit ko habang nakatingin kay Ken na nakadapa sa kama ko-este ni Laira at nanonood ng youtube sa laptop.
Tumihaya siya at nakangiting tumingin sakin "Really?" Tumango ako
"Let's go buy materials,ilang buwan ka na ring hindi nag papaint" Tumango ulit ako bago lumapit sa salamin para makita ang sarili
"Tara" Yaya ko sa kanya at lalapit na sana sa pinto nang mag salita siya "Di ka na magbibihis?" Takang tanong niya
"Oo,pero sige...may dress pala ako-" Mabilis siyang lumapit sa akin at inilagay ang hintuturo sa labi ko
"Nah,maganda ka na nga sa simpleng jeans and over sized shirt mag dedress ka pa,nung huling beses na nag dress ka muntik ko nang masugod yung mga lalaki sa mall na lintik kung makatingin sayo,you look like a goddess when you're wearing one,buti sana kung ako lang ang makakakita-" Ako naman ang naglagay ng daliri sa labi niya at dahan dayang inalis ang daliri niya sa bibig ko
"Oo na oo na,ang dami mong sinabi" Natatawang putol ko sa kanya,ngumuso naman siya bago ngumiti ng nakakaloko,tumaas ang kilay ko.
"Ano nanamang nasa utak mo?"
"I just...want to..." Hinawakan niya ang bewang ko bago ako yakapin,nakatingin lang ako sa napakalapit na mukha niya
"Ano?"
"Tsk!Date tayo! Yung tayo lang,ikaw at ako,Date lang!hindi Double Date!pleaseeee?" Kinagat ko ang labi ko at nag isip
"Sige,pero wag muna ngayon" Kumunot ang noo niya "So when?"
Nag isip muna ako bago sumagot "Ikaw bahala" Bumuntong hininga siya
"Okay,sa December 17" Tumango ako,ngumiti naman siya bago halikan ang tungki ng ilong ko na nag pangiti sakin "Let's go?"
Bumitiw siya sa pagkakayakap para isara ang laptop niya na naiwang nakabukas,agad din siyang lumapit sakin at hinawakan ang bewang ko gamit ang kanang kamay niya.
Habang naglalakad narealize ko na mag lilimang buwan narin pala akong nasa puder ni Ken.
August ako napadpad dito at ngayon december na,napakabilis ng araw.
Nginitian ko ang nakangiting si Ken ng pag buksan niya ako ng pinto sa kotse,pumasok ako sa loob at nagtatakang tinignan siya nang hindi parin niya ito sinasara.
Para siyang timang na nakangiti habang nakatingin sakin
"Ano na namang katol natira mo?" Natatawa siyang napailing,wala na,kailangan na talagang dalhin sa psychiatrist tong si Ken.
Yumuko siya para halikan ako pero inambahan ko siya ng suntok kaya ngumuso siya
"Nakakadami ka na ah?!"
"What?you did'nt kiss me this morning!" Reklamo niya kaya kumunot ang noo ko
"Nakiss na naman kita kagabi ah?di ko nga mabilang kung ilang beses kang humirit!" Namula siya kaya nakagat ko ang labi ko ng marealize ko ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
I AM LIRA!
RomanceIm not Laira! I AM LIRA! Kulang ang buong pagkatao ni Lira Montez, napadpad siya sa manila upang maghanap ng trabaho pero pag ibig ang nahanap nya. Mali dahil ito ang nakahanap sa kanya. Bigla nalang may humila sa kanyang napakagwapong lalaki at sin...