"Please, Ali. Wag naman ganito! Mag usap naman tayo!" Habol ko sakanya habang papasakay siya sa sasakyan na magdadala sakanya pa Maynila.
"GARNET, CAN YOU PLEASE STOP?! Hindi mo na 'ko mapipigilan. Hindi mo ba naiintindihan ang mga narinig mo sa usapan namin ni Arnold? At sinabi ko rin sa'yo ang lahat!" No. Hindi ako naniniwala alam kong totoo ang mga nangyari sa'ming dalawa at lalo na ang nararamdaman nya para sakin.
"Nagsisinungaling ka Ali! Alam kong totoo ang nararamdaman mo sakin. Alam kong ginusto mo rin ang laha-"
"GARNET TAMA NA! GINAMIT LANG KITA. GINAWA KO ANG LAHAT NG YON PARA MAIBALIK SA AKIN ANG KUMPANYA NG MGA MAGULANG KO!. KUNG AKALA MO TALAGA NA GINUSTO KO ANG LAHAT, NAGKAKAMALI KA! THOSE ARE LIES. AT HINDI KO NA KAYA PANG TIISIN ANG MATAGALAN PANG MAKASAMA KA! So, please. Tigilan mo na ko. I'm going back to Manila and marry Alison."
Pagkatapos ng mga sinabi nyang 'yon ay natulala ako. He's marrying Alison? He's marrying my cousin?
Bakit? Bakit si Alison?!Patakbo kong hinabol ang sasakyan ni Ali. Kasabay ng mabilis kong pagtakbo ay ang mabilis ding pag agos ng luha mula sa mga mata 'ko.
"Ali! Please!"
"Ali! Come back please!!"
"Garnet, bumalik ka dito makakasama pa sayo ang pagtakbo!" habol sakin ni Manang Mercy. Kasama nya pa ang iba pa naming kasambahay.
"I have something to tell you! Please don't do this to me.!" Patuloy pa rin ang paghabol ko sa sasakyan.
Malalakas na sigaw ng pangalan ko ang huli kong narinig. Kasabay ng pagbangga sakin ng isang sasakyan na nanggaling mula sa likod ko.
Hanggang sa pagbagsak ng katawan ko sa semento ng kalsada ay kitang kita ko kung paano nawala sa paningin ko ang ang sasakyan ni Ali.
Kung paano nya ako tuluyang iwan at ang magiging anak namin.
BINABASA MO ANG
Past. Present. Future.
RomanceRead at your own risks. Minors are not allowed to read this (pero malamang babasahin nyo parin makukulit kayo eh 😂) . Just be open minded. There are some vulgar/ restricted words in this story. Like. Share. Follow. Comment. Thank you, Sunnies. -sha...