Nakahinga rin ako ng maluwag matapos makipag-usap sa Dean, pero di pa rin mawala sa isip ko yung babae.
“Sino ba kasi yun?”
“Sinong sino?”
Tumalikod ako para tingnan kung sinong sumabad sa akin at doon nakita ko si Drew Valencia. Putcha, andito na naman tong DramaKing na ‘to. Binilisan kong paglalakad makaiwas lang ma-corner at makarinig sa mga brokenheart situation niya. Puro nalang kasi love story bukambibig ng lalaking yun.
Hahakbang na uli ako nang salubingin ako ng mahigpit na yakap ni Cindy, ang babaeng dahilan ng paghihiwalay namin kanina ni Sheila.
“I miss you so much! Ang sama mo, di ka man lang nagreply sa messages ko.”
Ang lambot ng mga melons niya. Parang unan na masarap akapin. Puta! Titigasan pa tuloy ako nito, okay lang sana kung nasa room lang, kaso nasa school lawn kami. Kumiwala’g muna ako at hinawakan ang balingkinitan niyang katawan.
“Pasensya na, hon. Ano magagawa natin eh Student Governor ako.”
“What the hell?! Sino na naman ‘tong babaeng ‘to, Jimenez?!”
Nagulat ako sa biglaang pagmumura at pagkabanggit ng apelyido ko.
“Akala ko ba ako lang girlfriend mo?! Kaninang umaga lang nalaman kong nagloloko ka na naman, pinatawad kita kasi lumuhod ka at nag-makaawa na di ka na mambababae pero ngayon, meron na namang iba? Sumusobra ka na.”
Nak ng pusa. Sino ba ang babaeng ito at anong pinagsasabi niya?
“Totoo ba ang sinabi ng babaeng ito?” Galit na tanong ni Cindy sabay tulak sa akin.
“Ha? Hindi ah. Ni hindi ko nga kilala yan.” Sabi ko. Sa’ng lupalop ba nanggaling ang putek na ito at kung anu-anong pinagpuputok ng butchi niya.
“At nag-mamaang maangan ka pa talaga! Ang kapal ng mukha mong ikailang boyfie ko! Matapos mong—”
Sumusobra na ang punyetang ito ah.
“Sabi ko na nga ba!” sigaw ng girlfriend ko at sinampal ako sa magkabilang pisngi ko “Kaya ka pala di makareply kanina dahil busy ka sa ibang babae mo! At dinahilan mo pa talaga ang pagiging student governor mo! Kung di pa ako pumunta dito, di ko malalamang noon mo pa pala ako niloloko! BREAK NA TAYO!” at sinampal pa uli ako ng isang beses bago tumakbo.
Tang-inang hinayupak! Wala na akong girlfriend, kasalanan ‘tong lahat ng sinungaling na babaeng ito. “Hoy, babae! Sino ka ba? At kailan pa kita naging girlfriend?” Nilapitan ko siya, but she just smirked at me. “At kailan pa ako lumuhod at nagmakaawa sa katulad mo, ha?” mahigpit kong hinawakan ang kamay niya sa nag-uumapaw na galit.
“Babe, kanina pa kita hinahanap andito kalang pala. Kanina pa sila nag-aantay. Tara na?”
Sabi nung lalaking papalapit sa amin sabay hawak sa kamay nung sinungaling na babae at mabilisang naglakad making me let go of her hand, ngunit bago paman din sila makalayo, tumingin uli sa akin yung punyeta at ngumisi, yung mga ngising di ka magdadalawang isip na patayin siya.
FREAKachu~
BINABASA MO ANG
Our Failed Tale
General FictionI'm never a fan of Fairy Tales, but I wish it happened to us.