Nakaraan...
"Wow dito ka na pala nagtatrabaho Avi, ang galing naman Dream Came true ahh" ang sabi niya at ngumiti "Aha.ha W-what would l-like to order Miguel? I-I mean Sir?!
..............
kinabahan at natakot ako sa pagpapaalala niya sa ken, Hindi ko alam kung makakauwi ako sa bahay kung ganito
"OK GUYS! BACK TO WORK" nagulat ako sa sigaw ng Manager at tumayo ako para magsimula ulit magtrabaho
9:00 p.m
Alas nuwebe na, sa wakas natapos na rin ang work ko pero...ako lang uuwi magisa pano to? bumuntong hininga ako para ikalma ang sarili ko,pagkalabas ko ng pinto ay nasalubong ako ng malamig na hangin at matahamik na kalye, biglang naramdaman ko ang kaba at takot sa naalala ko sa sinabi ni Alyana kanina pero nilakasan ko ang loob ko at dahan dahan ako lumakad
Makalipas ng Ilang minuto sa paglalakad, narinig ko ang paghikbi ng isang babae at ang aking buong katawan ay nanigas at nanginginig sa takot at tumaas ang balahibo ko, lumingon ako sa likod at nakita ko ang babaeng nakaupo sa gilid ng kalye
Naawa ako pero hindi pwede at baka siya yun ang sinasabi ni Alyana ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, gusto ko siya ng kausapin Avida wag...
Dinala ako ng aking mga paa papalapit sa kanya "H-hello b-bakit ka umiiyak?" Ang sabi ko at naramdaman ko ang takot at kaba sa kanya, tumingin siya sa kin at nakita ko ang mga luhang umaagos sa kanyang mukha, napakaganda niyang babaeng nakasuot siyang pulang damet mukhang mamahalin at sapatos na may takong,makinis ang kaniyang balat ngunit natatakpan ng dumi, maikli at bagsak na bagsak ang kaniyang buhok, ang kaniyang mga mata'y kasing kulay ng tsokolate ngunit may mga luhang napupuno sa kaniyang mga mata at matangos ang kaniyang Ilong,mukhang may lahi siyang tagaibang bansa "Pinatay sila pinatay sila pinatay sila" ang paulit ulit niyang sinasabi "sinong pumatay?" Ang tanong ko at lumapit sa kanya "Xe...f-f-f...Xe...f-f" Hindi siya makapagsalita ng maayos sa kung anoman ang nakita niya at sinong pumatay sa kanya "anong ginagawa mo rito?" Tanong ko ngunit Hindi siya tumitigil sa paulit ulit niyang sinasabing 'pinatay sila dahil sa kin' at parang nababaliw na siya
Lumapit ako sa kanya at pinapakalma "shhh...gabi na, sumama ka na lang saken para Hindi ka mapahamak dito marami pa namang kriminal dito" ang sabi ko, tumingin siya sa kin at mukhang hindi ako pinagkakatiwalaan, nginitian ko siya at hinihimas sa likod "wag kang mag-alala kasama ko si mama at si kuya mababait sila" ang sabi ko, tumango siya at itinayo siya
Habang naglalakad kami pauwi ang kaniyang ekspresyon ng kaniyang mukha at galaw ng kaniyang katawan ay puno ng takot,taranta at kaba parang natrauma siya sa nakita niya kanina o kahapon
Timeskip
Nakarating na rin kami sa bahay at kumatok sa pinto ng bahay namin, habang naghihintay ay pinapakalma ko ang babaeng nakita ko kanina sa kanya at medyo kinakabahan sana hindi siya yon narinig ko ang yapak papunta sa pinto at binuksan ni mama, babatiin sana ako ng makita niya ang babaeng kasama ko, "uhm anak sino siya?" Ang tanong niya "ah eh nakita ko siya sa kalye na umiiyak at mukhang inabandona siya ng mga magulang niya kaya dinala ko na lang siya dito at saka sayang naman ang ganda niya kung magiging pulubi lang siya, pwedeng dito na siya tumira gusto ko rin may kasama akong matulog eh?" Ang sabi ko, ngumiti sa kin si mama at pumayag siya, pinapasok niya kami at dumeretso na ko sa kwarto at ang kasama Kong babae ay pinaupo muna sa sala
Habang nagbibihis ako, narinig ko ang usapan nila "Hija, pano ka inabandona ng mga magulang mo anong nangyari?" Ang sabi ni mama na may pagaalala sa kaniyang boses "K-kaninang hapon p-paggising ko w-wala na sila, w-walang k-katao tao sa bahay p-pati mga k-katulong namin w-wala din t-tinry kong tawagan s-sila pero p-pinapatay n-nila yung tawag k-ko t-tapos nakita ko na m-may nakasulat s-sa ref namin na ayaw na n-nila sa kin" ang sabi niya at patuloy siyang humihikbi huh? Pero kanina ang sabi niya may pumatay sa magulang niya tapos ngayon inabandona lang siya kasi ayaw na sa kaniyang ng magulang niya, imposible namang susuko ang magulang niya sa kanya o di kaya tinatago niya lang ang totoong nangyari sa magulang niya Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala para kausapin siya "anong nangyare?" Tanong ko, ikinuwento ni mama sa ken ang nangyari sa magulang niya kahit narinig ko ang usapan nila
Nang matapos ikwento ni mama ay tinanong ko ang pangalan ng babae at ang pangalan niya ay si Annie Flarida, isa daw siyang half Filipino at half Latina ang nanay niya ang Latina at tatay niya ay pilipino, sila ang may-ari ng Le Cafe sa Tondo,Manila maganda naman ang buhay nila pero hindi siya itinuturing na anak ng mga magulang niya
Hinala ko ay nagsisinungaling lang siya pero hayaan ko siya kung ano man ang sasabihin at paniniwalaan na lang siya kahit hindi totoo
Nakakacurious ang buhay niya
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Eyyy guuuysss sana magustuhan niyo HAHAHA
BINABASA MO ANG
My Friend
HororAng bagong nakakatakot na kwento ng bayan, ito kaya ay totoo? O gawa-gawa lamang ng mga taong mahilig manakot?...Bagong Killer? Friend killer? ....Pero paano kung kwento-kwento lang ng mga tao? Paano kung may nagpapanggap lang? Cover Photo owned by...