A/N : Plagiarism is a crime.
Expect the typos, wrong grammars, spellings.
___
"Ash, ikaw na."
Tumungo ako sa Silid kung saan nandun ang mga Anghel na kailangan isakatuparan ang mga Misyon nila. At isa na ako doon.
"Magandang Umaga po," Magalang na bati ko sa taga bantay.
"Magandang Umaga din, iha." May ibinigay siya saking lumulutang na Papel at kinuha ko naman ito.
Umalis na ako at pumunta sa Garden para basahin ang aking Misyon.
Bukas na ang alis ko.
Aaron Hernandez.
Nagbasa lang ako ng mga katangian niya at mukhang alam kona kung ano ang misyon ko.
___
"Alalahanin mo ang mga Rules, Ash. Dapat alam mo narin kung paano mo masasakatuparan ang iyong Misyon. Ang lalaki na Misyon molang ang makakakita sa iyo. Ngunit pwede karin namang magpakita sa ibang mga Tao." Paliwanag sa'kin ng Taga bantay.
"Opo,"
Tumango lang siya at namalayan ko nalang ang sarili kona nahuhulog.
Sana naman sa Foam ako mahulog para di masyadong masakit.
Nang malapit na ako sa Lupa nagulat ako nung pag hulog ko ay may mga tumalsik na putik sa'kin!
"Argh."
Tumayo ako at punong puno na ng putik ang White Dress ko.
Lumayo ako doon at pumunta sa Damuhan tsaka umikot ng mabilis.
"Hmm, not bad." Tiningnan ko ang Damit ko ngayon, para narin itong damit ng mga tao.
Naka long sleeves lang ako na White tapos skirt. Tinuck in kolang din ang Long sleeves.
Inayos ko rin ang Mahaba kong buhok at umalis na.
Nakakagutom.
Ipinitik ko ang mga daliri ko at pumasok sa may Restaurant.
"Table for two ma'am? May kasama poba kayo?" Tanong sa'kin nung Waitress pagkapasok ko.
"Ah, wala."
"Dito nalang po kayo, Ma'am." Dinala niya ako sa may bandang Gitna at pinaupo doon. "Eto po ang Menu, Ma'am."
Nag order na ako at naghintay.
Habang naghihintay may Grupo ng mga lalaki ang Pumasok.
"Ang ganda nung chicks don, Pre oh!" Tinuro ako nung isang Lalaki.
"Oo nga!"
Hindi ko nalang sila pinansin at tinuon ko nalang sa isang lalaki ang paningin ko.
Ang Misyon ko.
___