Chapter One: "Need a friend?"

21 0 0
                                    


"Karla! kumusta?!"
"Karlaaaaa!!"
"Anong nangyari sa'yo?"

"Ano ba kayo? Para naman kayong siraulo.. okay ako. Okay na okay! Isang araw lang nawala eh!"

"Namiss ka namin!" - masayang sagot ni Gelai.

Gelai, Sam and Fatima. Sila ang tatlong mga matatalik kong kaibigan.

Nawala kasi ako ng isang araw dahil na confined ako sa hospital. Yes, may sakit ako.

"Karla, ano bang sakit mo? Ang tagal na nating magkakaibigan pero bakit hindi namin alam?"

"Oo nga!" - singit ni Gelai.

"Pasensya na kayo.. ayoko kasing malungkot kayo. Hindi pa naman ako mamamatay pero OA n'yo na agad.." -nangingiting sagot ko kay Gelai at Sam.

"So, hihintayin pa naming mamatay ka para malaman na may sakit ka? - seryosong tanong ni Fatima.

"Ewan sa inyo! Halika na.. tulungan n'yo na lang akong ideliver itong mga liptints."

Working ako. Pero, suma sideline ako bilang online seller. Nagbebenta ako ng mga lipstick, liptint, swimsuit at pagkain.

Habang dinedeliver namin may nagchat sa'kin.

[ "Hi! :)" ]

"Hoy! Sino yan?" - tanong ni Fatima sabay tinginan silang tatlo sa'kin.

"Hahaha! Hindi ko alam. Uhm, stranger." - nahihiya kong sagot sa kanila.

"Kumusta pala kayo ni Rain?" -singit ni Sam.

*Pout*

"Uhm.. kami? Ayos lang.."

*Tinapik ni Gelai si Sam.*

*Hinawakan ako ni Fatima sa braso sabay hila papasok ng tindahan.*

"Hello po. Si Ms. Rita po? Nandito na po yung order na liptints. 5pcs po tama?" - Tanong ni Sam sa tindera.

"Ayy, sige po. Sandali po." -sagot nung tindera.

*Binabasa ni Sam next na pupuntahan namin*

"Ate, magkano daw po ulit handling fee?" -tanong nung tindera.

"30pesos po." -Sagot ko.

"Pagkatapos nito. Pumunta tayo sa mall. Gusto ko mag videoke!" -Sigaw ni Fatima.

"Gusto ko yaaaan! Ako na sa food!" - singit ni Sam.

"Ako na bahala sa jokes!" - natatawa na dagdag ni Gelai.

*Natatawa ako pero nalulungkot talaga ako pag ang topic is about kay Rain. (Fiance ko)*

Dumating na yung tindera.

*Inabot kay Sam yung pera.*

"1,030 pesos po yan. Sakto walang sukli."

"Okay! Salamaaaaat." -sabay sabay naming sagot.




----------------------
[Matapos madeliver lahat ng liptint dumiretso na kami sa mall.]

"Oh, Dito kalang ha? Pipili lang kaming kanta at bibili token." - bilin ni Sam.

*Tumango lang ako at ngumiti*

*Tinignan ko yung chat sakin ni Alex.*

[Wala naman sigurong masama kung magrereply ako.]

[ "Hello! :) "] Replied.

[" Kumusta? :) "]

[" Okay lang na hindi? Ikaw ba?" ] Replied

[" Bakit? Need a friend? Kwento ka lang.."]

At humaba na ng humaba ang usapan namin.



-------


















>> Hello, maikli lang po muna.. I'm sorrryyyy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to say Goodbye? (Still Editing/Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon