-DUWA-

9 0 0
                                    

-Riri's POV-

Nagluluto si mama ng abutan ko sa bahay. Mukhang di niya napansin na nakauwi na 'ko. Naka-on ang tv sa salas pero wala namang nanonood. Tiningnan ko ang oras. Alas syete na pala. Tatlong oras din pala ako dun sa store. Parang di ko namalayan ang oras...gabi na pala.

Matapos akong umalis dun sa store kanina...plano ko na talagang umuwi. Kaso ayokong makita ni mama ang mukha kong katatapos lang na umiyak. Kasi panigurado i-interviewhin na naman ako nun. Isasalang sa Q and A portion na parang kandidata sa beauty pageant. Ay mali...pageant lang pala, walang beauty.

Kaya tumambay muna ako sa nadaanan kong mini mart. Bumili ako ng ice cream. Pampalubag-loob na lang din kasi sobrang lungkot ko ngayon. Yun kasi ang nakasanayan ko eh...pag malungkot ako o di kaya ay frustrated, kumakain ako ng ice cream. Ewan pero kasi nakakaganda lang ng mood pagkatapos.

"Oh buti naman andito kana. Akala ko dun ka na titira sa store. Ihahatid ko na sana mga gamit mo dun kasi dun nalang kita patitirahin." 

Aakyat na sana ako sa kwarto. Pambihira din 'tong si mama. May sixth sense ba 'to? Di nga ako gumawa ng ingay kasi baka malaman niyang nakauwi nako...panigurado ratratan at it's finest na naman aabutin ko.

Tiningnan ko yung tinuro niya. Nyetaaa!Andito nga mga gamit ko! May damit tsaka mga sapatos! May backpack din sa gilid tsaka maleta! Ay shutaaams!Tinotoo niya talaga!?

"Mamaaaa! Ano 'to? Ba't andito mga gamit ko? Mama namaan! Sorry na po!Wag niyo po akong palayasin!"

Dali-dali akong bumaba saka kinuha mga gamit ko. Ibabalik ko na 'to sa kwarto. Minsan talaga di ko rin maintindihan 'tong mga trip ni mama sa packening life niya!

Agad namang pinalo ni mama ng sandok ang kamay ko.  "Huy gaga!Anong gagawin mo? Ibabalik mo yan?Aba! Pinaghirapan kong iimpake yan tapos ibabalik mo lang?"

"Aray! Mama naman kaseee! Ano bang trip mo ha? Oo na nga...eto na!Maghuhugas na! Di ka naman mabiro eh,"   napapadyak pa ako sa inis.

Nakapameywang akong hinarap ni mama.  "Maghuhugas? Biro? Eh bakit dumiretso ka paakyat sa hagdan pagdating mo? Andiyan na ba kusina natin!?"  sigaw niya ulit sabay palo ng sandok sa ulo ko.

Agad naman akong napahawak sa ulo kong natamaan ng sandok.  "Aray! Eh kasi. Maaa--uhm..ano..may hugasin dun sa taas. Tama! Ganun nga may tasa pa dun na ginamit ko kanina. Di pa yun nahuhugasan kaya sabi ko...kukunin ko muna sana."

"Galing mong gumawa ng storya!Naglinis ako sa kwarto mo! Walang tasa dun...pambihira kang bata ka."

"Mamaaa eto na talaga maghuhugas na ako. Legit na 'to,"  sabi ko sabay takbo papuntang kusina.

Haaaays. Ba't ba ang hilig kong tumakbo? Sa pagkaka-alam ko...di naman ako runner. Lagi nga akong kulelat sa mga marathon race sa school eh. Pagdating ko sa kusina instant hawak agad ng sponge mga murat!Sabay kuskos here, kuskos there...kuskos everywhere!

Ayoko kayang mapalayas noh! Wala pa naman akong mapupuntahan if sakali man. Malayo kasi yung bahay ng mga kamag-anak namin. Nasa ibang syudad sila nakatira. Kaya paktay talaga ako pag-pinaalis ako dito!

Baka maging palaboy-laboy ako sa daan. Tapos mafi-feature ako sa balita. With headlines na...

"Babaeng nuknukan ng kagandahan. Pinalayas dahil sa hindi naghugas ng pinggan."

Ganern! Ay nakakahiya mga muraaaat!Hindi! Hindi maaari! Ako ay isang sang'gre kung kaya't wala silang karapatan na ako ay ipahiya sa harap ng madla! Parurusahan ko ng aking brilyante ang sinumang magtatangka na lumapastangan sa akin!

"Ay imao!"   nagulat ako ng biglang may tumamang kung ano sa ulo ko.

Napalingon ako kung sino ang bumato.  "Tanginaa! Sino ang bumat----."

Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]Where stories live. Discover now