This chapter is dedicated to QueenInCyan and LunaStella15 salamat, thank you, gracias at kamsahamnida sa pagsupport sa aming story.
I-crush back sana kayo ng crush niyo!
-Rinn😃
=0=0=0=
"HAHAHA!" malakas na halakhak ni France matapos ikwento ni Erynn ang nangyari sa date na iyon.
"Saya mo noh? Parang walang naging problema sa buhay eh." sabi ni Gideon sa kaniya.
Akmang sasagutin na sana siya ni France nang biglang hinampas ni Erynn ang lamesa.
"Oh magsisimula nanaman kayo niyan!" sita niya sa dalawa.
"Kalma ka naman teh! Hobby mo talagang manghampas ng table, bakit hindi ka nalang naging teacher." pagpapakalma naman ni Shella sa kaibigan.
Inirapan lamang siya ni Erynn.
"Tama na chikahan mga mamshie! Halughugin na natin yung laman ng time capsule bago tayo abutan ng program!" sabat naman ni France.
Lumapit naman si Lucas sa time capsule at hinawi ang mga laman ng envelope.
"Ano to?" tanong niya at pinakita ang dalawang piraso ng tela.
Hinablot iyon ni Gideon at tinignan ng mabuti.
"Ano din 'to?" tanong naman ni Shella at pinakita ang isang nakatuping papel na niluma na ng pahon.
Binuksan niya ito at lumapit naman ang iba para tignan din ang laman nito.
"Ah! Yan yung song na napili nating iperform diba?" sagot ni Erynn.
"Shuta! Oo nga!" sigaw ni France.
"Oh eto bang tela na 'to may balak kayong sabihin kung saan galing?" lahat sila ay tumingin kay Lucas na hawak nuli ang tela na hinablot kanina ni Gideon.
"Alam ko kung saan 'yan" kinuha muli ito ni Gideon at umupo sa table. "Ganto kasi 'yan..."
Erryn
"So ayon, iniimbitahan ko kayong sumali sa art club. Ang mga members ay may meeting bukas 7:20 am." Pag-aannounce ni Sir. Cris sa recruitment sa club niya.
Dahil bagong club palang 'yon para sa high school students ay wala pa siyang officers kaya ayon...nag-eendorse siya ng sarili niyang club.
"Sir may plus po ba pag sumali?" tanong ng isa sa mga classmates namin.
"Pag-iisipan ko" sagot naman sa kaniya.
Humarap ako kayla Shella at nakita kong tulala lang siya at parang malalim ang iniisip.
"Teh sali tayo!" pag-aaya ko.
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti,"Geh!"
"Isali din kaya natin sila."
"Go lang!"
Kinuha ko sa loob ng bag ang isang pad ng 1/4 na papel, sinulat namin doon ang pangalan naming anim.
Walang nagbalak sa amin na sabihin sa kanila.
Ako na ang nagpasa noon, good thing walang balak sumali ang mga unggok.
Nang matatapos na ang time ni Sir ay sinabi niya sa buong klase ang mga sumali.
Halatang nagtataka sila France based on their facial expressions.
"Haluh! Sino nagsali sa akin?" bulong niya.
Napatawa kami ni Shella dahil 'don. Pero mukhang napansin niya at sinamaan kami ng tingin.
YOU ARE READING
Hallway's Symphony
Teen FictionA story of childhood friends as they reminisce one of the most eventful part of their lives. Triumph and failure, combined with personal issues that made their bond stronger. Let us join them as they create a thousand more memories as they go on a j...