nilapitan ko ito habang nakahiga sa stretcher..
nang makita ko ng maayos ang itsura nito ay napatakip ako ng bibig at pilit hinahanap ang mga salita ngunit bigo ako..
"ako iyon.. ako yung.. paano.. hindi pwede to" umiiyak na bulong ko sa sarili ko..
pilit kong hinahawakan ang mga taong nagsakay saakin sa ambulansya..
"andito ako!! buhay pa ako!!! ano ba!!" halos maubusan na ako ng boses sa kakasigaw ngunit hindi ako pinapansin o hindi man lang nila naririnig ang mga sinisigaw ko..
hinablot ko ang iaa ngunit laking gulat ko ng tumagos lang ang kamay ko sa katawan nito..
" pa--no nangyari it-o" tanong ko sa sarili ko na hulong gulo ma sa mga nangyayare....
"anong nangyayare sakin.." hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga ganap..
narinig ko na lang ang pag andar na ambulansya paalis..
pinilit kong habulin ito ngunit hindi ko na ito naabutan pa..
napaluhod ako sa gitna ng kalsada habang umiiyak at pilit inaanalisa ang mga naganap kanikanina lang
hanggang sa maramdaman ko ang biglang paghawak ng kung sino sa balikat ko..
sa pagkagulat ay napalingon ako agad dito..
"ikaw?, sino ka?" tanong ko dito habang ptuloy pa din ang pag hikbi ko..
malamig lamang itong nakatitig saakin..
ito yung lalaking nakita ko kanina bago ako mawalan ng malay o mas sabihin nating mawalan ng buhay
"ako ang tagapagsundo ng mga kaluluwa o mas kilala bilang kamatayan.."..
"nagbibiro ka ba!?" galit na sigaw ko dito dahil wala namang mga ganun..
o baka meron talaga ayaw ko lang maniwala..
"tanga ka ba Rael, kaluluwa ka na nga lang ngayun mo pa naisip na hindi totoo ang mga tagasundo?" bulong ko sa sarili ko..
hindi ito sumagot at may inilabas na isang itim na notebook.
tumayo ako at inayos ang suot ko..
nakatingin ako sa kanya ng bigla itong nag angat ng tingin at siniyasat ang kabuuan ko..
" mukhang nagkamali ang libro, " biglang sambit nito..
"huh??"-- ako
naguguluhan pa din ako sa mga nangyayare..
"mukhang hindi dapat ikaw ang namatay.. nagkaroon ng glitch ang libro at ikaw, ang pangalan mo ang naisulat.." - - reaper
"ano ibig mong sabihin.??" naguguluhang tanong ko dito..
tiningnan lamang ako nito at hinablot ang kamay ko hinila sa kung saan..
ng bitawan nya ako ay napansin kong nasa isang madilim na kalye kami at walang katao tao kaya biglang tumubo ang takot ko..
napalayo ako sa kanya at napatitig
"anong gagawin mo sakin" matapang kong tanong kahit na parang maiihi na ako sa takot..
"tss..." sabay irap nito saakin
"wala akong interes sau, hindi kita type"
walang pakundangang sagot nito sakin
dahilan ng paglaki ng mata ko..
"okay mabuti nang malinaw" sagot ko dito
"napahiya ako don ah" sa isip isip ko
tinalikudan ako nito at humarap sa pader..
lingon kaliwat kanan bago ito pumasok sa pader
"pu---sang gala" sigaw ko dahil a gulat
hindi pa ako nakakabawi ng sumilip ang ulo nito
"ano pang inaantay mo halika na" naiinis na sambit nito
kaya wala akong nagawa at dali daling pumunta sa pader
inabot ko muna anv kamay ko at laking gulat ko ng tumagos ito
sinunod ko naman ang ulo ko na ipinasok habang pikit ang mata
nang maipasok ko ang buong katawan ko ay dahan dahan kong iminulat ang mata ko...
BINABASA MO ANG
The Grimreaper
Genel KurguAng storyang ito ay tungkol sa isang babae na hindi naniniwala sa kahit ano mang tungkol sa anghel multo o taga sundo sa mga kaluluwa ng mga namayapa aa paglaon ng panahon magbabago kaya ang kanayang paniniwala kung nasa harap na nya mismo ang katot...