PROLOGUE

1.5K 36 4
                                    

"Anong ba'ng kabaliwan ang pinaggagawa mo Penelope," sabi ng kaibigan kong si Mabel.

Nag-palagay kasi  ako sa kanya ng make up na parang punong-puno ng uling. Bumili ako ng wig na kulot-kulot na parang hindi nagsusuklay. Bumili ako ng bistida at nilagyan ko ng uling upang magmukhang madumi. Nagpa-tan pa ako upang maitago ang maputi kong balat. Sobrang effort ang ginawa ko para mag-mukha lang akong pulubi.

"Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat," sabi ko habang nilalagyan ko ng uling ang balat ko.

"Mahal ka ba? My gosh! Makikipag-agawan ka pa ng kita ng mga pulubi na naroon." halos atakihin ng high blood ang kaibigan ko dahil sa inis sa'kin. Wala naman siyang magawa kung hindi ang suportahan ako.

"Kapag naging boyfriend ko si Mr Dream boy ko, bibilhan kita ng chanel bag."

"Ano pa ng hinihintay natin. Tara puntahan natin siya 'diba tuwing umaga siya nandoon na iyon," sabi ni Mabel.

Ngumiti ako sa kanya. "Chanel lang pala ang katapat mo,"

"Sayang eh," nakangisi siya."

Pagkatapos ko ng mag-mukhang pulubi ay sumakay na ako ng kotse halos isang buwan ko na itong ginagawa. tuwing sabado ng gabi extra ako bilang waitress kung saan naglalagi si Dream boy ko. Nandoon ako para pagsilbihan lang siya at tanawin habang nasa malayo ako, gano'n ang epekto niya sa'kin.

Alas siyete kuwarenta nang nag-park ako ng kotse hindi kalayuan sa kumpanya nila. Agad akong bumaba sa kotse at umupo sa gilid ng malaking gate kung saan humihinto ang kotse ng dream boy ko.

"Ikaw naman! Alis ka diyan," sabi sa'kin ng security guard.

"Sungit mo naman kuya, nanlilimos lang naman ako," sabi ko.

Dumukot ng sa bulsa ang security guard at naglabas ng bente pesos. "Ito oh, alis ka na pagagalitan ako ng amo ko," sabi nito.

Tinanggap ko ito ibabalik ko na lang ang lahat ng binigay niya kapag naging boyfriend ko ang Dream boy ko.

"Salamat po," dahan-dahan akong naglakad palayo ngunit nang makita ko ang kotse ng dream boy ko mabilis akong lumapit.

Huminto ito dahil pagbubuksan ito ng security guard ng gate upang makapasok ako sa loob ng kumpanya. Kinatok ko ang salamin ng kotse. Binuksan naman niyo ito.

"Kuya, pengeng pera pangkain lang po," halos hindi ko magawang bigkasin iyon dahil nakatitig ako sa kanya.

"Shit! Ang gwapo ng dream boy ko."

Dumukot ito ng pera sa pitaka at naglabas ng one thousand pesos. "Here, go home 'wag ka ng mamalimos delikado sa'yo," sabay ngiti nito.

"Kyahh! He smiled at me."

S-Salamat po kuya," deep inside gusto kong kiligin sa tuwa.

"Hoy, umalis ka na diyan,"sabi ng security guard.

Tumakbo ako palayo bago pa ako hilahin palayo nang mawala na sa paningin ko ang kotse ng dream boy ko. Tumakbo ako papunta sa kotse ko kung saan naghihintay si Mabel.

"Kyah! Nginitian ako ng Dream boy ko, he likes me! He likes me!" tili ko.

"O.A ngumiti lang sa'yo gusto ka na, sa  tingin mo magkakagusto siya sa'yo sa itsura mo ngayon?" Taas kilay ni Mabel.

"He smiled me, he likes me," para akong nakalutang sa langit habang paulit-ulit kong inaalala ang nangyari.

Si Mabel ang nag-drive pauwi habang ako hindi maalis ang ngiti sa labi.

"Next target natin ay operation seduce him," sabi ko.

"Hayss! Ewan ko sa'yo, nababaliw ka na."

Umuwi ako ng bahay upang maligo at pagkatapos ay umalis din kami ni Mabel upang mag-shopping.

"Penelope," sabay siko sa'kin ni Mabel.

Agad kong hininto ang tinitingnan kong damit at tumingin sa kanya. "Why?"

"Hindi ba siya ang lalaking hinahabol mo?" turo ni Mabel.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakatayo kasi ito sa labas ng department store.

"Hinihintay yata ako." Nakangiting sabi ko.

"Gaga! Assumera ka."

Lumabas ako at sinundan naman ako ni Mabel. Dumaan ako sa harapan niya at lumapit sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang maamoy ko ang pabango niya.

"Babe!" Sigaw ng babae.

"Babe!" sagot ng dream boy.

Lumapit siya sa babae at niyakap pagkatapos ay hinalikan sa pisngi.
Napawi ang ngiti sa aking labi at napalitang ng lungkot. Nakatingin ako sa kanilang dalawa habang papalayo sa'kin. Lumapit si Mabel sa'kin.

"Okay ka lang ba?"

Tuluyan ng tumulo ang luha ko dahil sa nangyari. "I'm dying!" sambit ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing my Dream boy (Third Generation series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon