NonsenseNang matapos na ilabas sa E.R si Allyson ay mabilis na nilipat ito ng mga doctor sa isang private room. Ako nalang mag isa dito kasama si Ash at Sierra. Tinawag na ng manager ang aphrodite at sila Yassy, Vei At Sav naman ay babalik nalang daw bukas after school
Nakita naming isinakay si Allyson sa di-gulong na kama at ipinasok sa isang bakanteng kwarto sa third floor. Mapuputla pa rin ang mukha nya at may benda ito sa ulo, hindi pa rin sya nagkaka malay hanggang ngayon
Hindi pa rin mapalagay ang sistema ko hanggang ngayon. Sinabi sa amin ng doctor kanina na kailangan pa naming hintayin ang pag gising nya, masyadong maraming dugo daw ang nasayang sa kanya kaya matagal tagal pa ito bago maka recover at gumising
" Sierra, paano ka naka punta dito? Pinayagan ka ba ni Maam?" Tanong ko kay Sierra na ngayo'y naka upo sa sofa nitong kwarto. Umirap sya at umiling
"Ayaw nya akong payagan, Pinagalitan pa nga ako eh, but no one can dictate me" Sagot nya na parang proud na proud sa sarili nya
Hindi na ako kumibo at ngumiti lang. Si Ash ay naka upo malapit sa tabi ni Sierra at hindi rin ito nag sasalita. Siguro ay nahihiya ito sa aming dalawa ni Sierra. Ngayon nya palang na meet si Sierra at hindi nya pa ito nakikilala
" Ash You can go now" Sabi ko. Nilingon nya ako at umiling
" I can stay here Lia" Nagulat ako sa sinabi nya. Seryoso ba sya? Hindi nya na naman kami kailangang bantayan eh. Kaya ko na iyon gawin mag isa
Tumayo sya at lumapit sa isang table. Kinuha nya ang remote doon at binuksan ang tv. Natapat iyon sa weather forecast. Nasa signal no. 2 na kami at patuloy pa daw iyong lumalakas. Hindi pa humihinto ang ulan simula kanina at ang lamig din ng panahon. Malapit nang mag alas dose pero hindi pa rin ito humihinto at humihina
" Umuwi na kaya kayo? Palakas ng palakas ang ulan. Baka hindi pa kayo maka uwi mamaya" Hindi nila ako nilingon na dalawa. Parehong nasa tv ang atensyon nila
" I want stay here" Usal ni Sierra habang naka tingin sa tv.Napa ngiwi ako.
" Me too"
Napa iling nalang ako sa desisyon nilang dalawa at tumango nalang. Kaya naman naming pag kasyahin ang sarili namin dito at kumpleto naman sila sa gamit kaya wala kaming problema. Mas maganda rin siguro iyon para may kasama ako, hindi ako maiinip
Sumapit na ang alas dose at napag pasyahan na naming tatlo na matulog. Nasa dalawang sofa kami ni Sierra samantalang nasa sahig naman si Ash. Todo reklamo pa sya dahil ang sakit sakit daw sa likod pero wala syang magagawa. Sya ang nag desisyon na dito sya matutulog eh
Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip ko sa kalagayan ni Ally. Kung magagawa ko lang syang gisingin ay kanina ko pa ginawa. Dumagdag rin sa iniisip ko ang bills na babayaran ko sa hospital. Private hospital ito at siguradong malaki laking pera ang hahanapin ko. Kaya ko naman mangutang kila Yassy, Sav o Vei pero paano ko naman iyon babayaran? Kulang pa ang sasahurin namin sa loob ng isang buwan para mabayaran iyon
Nakatulog ako sa gitna ng pag iisip ko at nagising nalang ako dahil may tumatamang liwanag ng araw sa mukha ko. Binuksan ko ang mata ko at nakita kong bukas na ang kurtina sa kwarto at doon nang gagaling ang sumisilaw sa mukha ko. Rinig ko rin ang maraming boses na ang uusap usap kaya inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto
Mabilis akong napa upo nang tumama ang titig ko kay Canyx na ngayo'y naka upo sa isang upuan habang naka titig sa akin. Tinanggal ko ang mga muta na naka dikit sa mukha ko at inayos ang buhok ko. Anong ginagawa nila dito? Nakaka hiya!
Nandon din sa loob ng kwarto ang tatlo ko pang kaibigan na pare-parehong naka uniform. Halos lahat naman sila ay naka uniform at mukhang handang handa ng pumasok bukod sa aming tatlo nila Sierra at Ash. Wala doon ang tatlong myembro ng aphrodite, si Aqkill at Canyx lang

YOU ARE READING
Seems Like We're Connected (On Going)
RomanceLia Monteverde is just a simple college girl living with a small dormitory.She's Living her life with no hassle, no drama and no sweats. 15 years old ng mamatay ang mama nya na mas lalong nakapag pa lakas ng loob nya na tumayo mag isa. Everything wa...