"Anong ginagawa ninyong dalawa sa taas ng ganitong oras?" Tanong ni Principal
"Ahmm ano po kasi sir e" saad ni Margaux
"Sumama kayo sa aken sa Opi.." di na natapos ni Sir ang sasabihin ng hilain ko si Margaux papalayo tumakbo kami ng mabilis na para bang hinahabol ng kamatayan.Nakalayo na kami
"Teka damon tama na hinihingal ako" hingal na saad ni margaux
"Ayos ka lang ba?"
"Oo naman anong oras na ba?"
"11:36 na"
"Teka pag umabot na ng 11 ay bawal ng lumabas at pumasok sa bridle paano tayo makakakain?" Tanong niya
"Basic! Sumunod ka lang saken akong bahala sayo"
"Teka hinihingal pa din ako" sabay hawak sa puso niya
"Hayy kasalanan to ng panot nating principal e"
Natawa naman siya sa sinabe ko ang ganda niya talaga tumawa
Sa likod ng campus may di gaanong kataas na bakod ang meron dito daanan to ng mga tumatakas sa curfew ng bridle at isa na ko dun."Pasan ka saken"
"Ayaw ko natatakot ako"
"Hindi yan bilis na baka may makakita pa"
"Natatakot ako dame"
"Diba gusto mo ng adventure sa buhay!?"
"Hayy sige baka masaktan ka ah"
Saka pumasan sakin hanggang sa makalabas siya.
Umakyat naman ako pero saktong nag iikot na yung guwardiya ng bridle
"Hoy! Anong ginagawa mo diyan!?" Sigaw ng gwardiya
"Bilisan mo dameeee kaya mo yan talunin mo" sigaw ni margaux
"Bumababa ka diyan bawal yan" patakbo na ang guwardiya hanggang sa muntik ng mahila ang paa ko pagtalon ko sa bakod ay tumakbo ulet kami ni margaux para di na makahabol pa ang gwardiya."Teka ayos ka lang ba?" Tanong ko kay margaux na parang naghahabol ng hininga
"Oo naman ako pa"
Saad niya
"Sige maghanap na tayo ng makakainan. Ano bang gusto mo!?"
"Ahm kahit ano"
"Okay lang basayo yung shawarma?"
"Diba mamantika yun?"
"Bawal ka ba nun!?
"Ahmm...Hindi"
"Buti naman sige may alam akong diner"Nasa Big Set Up kami habang nakaupo ako na ang nagorder
Inaantay pa namin ni margaux ang pagkain
"BTW margaux?"
"Ano yun!?"
"May sakit ka ba!?"
"Tsk wala ah"
"E kasi napapansin ko lagi kang hinihingal tapos ang payat mo pa"
"Hayy malamang tumakbo tayo tyaka bihira lang kasi ako kumain ng madame"
"Ah ganun ba e bakit nung nakaraan absent ka galing ka daw sa therapist"
"Therapist HAHAHA galing lang akong psychiatrist ko"
"Psychiatrist? Baliw ka ba!?"
"Duh hindi ah may kailangan ko kasi ng makakausap kasi wala si mama at si papa kaya malungkot ako"
"Ah ganun ba" feeling ko nagsisinungaling siya nakikita ko sa mga mata ni margaux na may sakit talaga siya.
"Oum ako magkakasakit? Ang lakas lakas ko e"
Pagpatuloy niya
Hinawakan ko ang ulo niya at marahang ginulo ang buhok niya
"Tama yan malakas ang Girlfriend ko"
"Hindi mo nga ko Girlfriend"
Mamaya maya ay dumating na ang order kong shawarma,Burger,fries at mojos"Teka andami naman neto" saad niya
"Bakit ayaw mo?"
"Hindi naman sa ganun pero shawarma lang ang usapan naten"
"Bubusugin kita margaux"Nagsimula na kaming kumain ang lakas niya pala talagang kumain
"Teka hinay hinay lang mabubulunan ka niyan e"
"Nagugutom talaga ako e"
"Hayy dahan dahan lang margaux" sabay abot ng tubig
"Oo nga pala first date natin to ah"
Sambit ko sabay tawa
"Anong date? Duhh di kita boyfriend"
"Edi hinde Basta Girlfriend kita, at dahil gurlfriend na kita dapat may tawagan tayo"
"Tawagan!?"
"Tawagan, callsign endearment" saad ko
"Duhh di nga tayo magjowa"
"Ahmm ano ba maganda? Baby?"
"Yucksss tumigil ka nga"
"Babe? Honey? Sweetie?"
"Tumigil ka nakakawalang gana!!"
"Alam ko na"
"Ano!?"
"Love!"
"Love! Siraulo ka ba!?"
"HAHHAHA ayiee Love"
"Iww stop it damon hindi nakakatuwa"
"Sige na kumain ka na love, kain madame HAHAHA"
Tinarayan ako ni margaux at bumalik sa pagkain niya
Matapos ang ilang minutong pagkain lumabas na kami ng diner."Anong oras na damon?"
"Damon? Call me love" saad ko
"Iww anong oras na nga?"
"Ahmm 12:25"
"Alas dose na pala"
"Bakit inaantok ka na!?"
"No,hindi nga ko nakakaramdam ng antok e"
"Ako din e ganyan talaga pag nagmamahalan HAHHA"
"Shut up"Naglalakad kami sa may gilid ng kalsada
"Ahm margs ano yung favourite mong Japanese food?"
"Ahmm dorayaki!" Saad niya
"Gawan mo ko nun gusto kong matikman"
"Bumili ka na lang di naman kita asawa""Oo nga magiging asawa pa lang"
"Di ako magpapakasal sa Mahinang Nilalang"
"Tsk! E Bakit Japanese ka pero di ka maputi? Siguro ampon ka lang"
"Half filipina kasi ako tyaka di naman ako maitim ah morena ako noh duhh" pagtataray niya
"Kahit na di ka pa din maputi tyaka di rin malaki yang hinaharap mo. Kala ko pa naman mukha kang anime"
"Ganyan kayong mga lalake gusto nyo malake yung hinaharap"
"Hindi kaya, ang gusto naming mga lalake ay yung babaeng kaya kaming pasayahin tyaka yung may pangarap para sa hinaharap"
"Minsan may sinasabe ka din palang maganda" saad niya
"Oo naman lalo na tuwing sinasabe ko yung pangalan mo"
"Ang korni mo naman bumanat hindi nakakakilig nakakainis lang"
"May liga nga pala kami sa Sabado punta ka ah hahanapin kita"
"Ayaw ko nga"
"Balakajan basta aantayin kita hahanapin kita"Kalahating oras din kaming nagkekwentuhan at nagtawanan ni Margaux pauwi kasalukuyan kaming nasa tapat ng Girl's dorm
"Matulog ka na ng mahimbing Margaux my Love" saad ko habang natatawa
"Di nga kita boyfriend!"
"Sleepwell Love, I love You"
"Tsk umalis ka na nga! Get lost" saad niya
"Wait! Dame"
Lumingon naman ako
"Thank you! Masaya akong kasama ka"
Tugon niya ng nakangitinag Thank you ulet siya saken isang malaking Achievement sa lalake pag napapasaya nila yung babaeng gusto nila.
#jai_wieee