Chapter One: Believer

14 0 0
                                    

Chapter Song: Believer - Imagine Dragons

Chapter Song: Believer - Imagine Dragons

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SAM


"Hoy bes!" napalingon ako sa babaeng katabi ko. Si Natalie. Simula ng mag senior high ako sya na lagi ang kasama ko. Pero hindi ko rin naman masabing best friend ko sya. Siguro hanggang kaibigan lang. Hindi naman kasi kami magiging close kung hindi ko lagi syang katabi sa klase. Lagi nya akong nilalapitan at kinakausap kaya nakikisama na lamang ako.

Well, alam ko rin namang hindi rin best friend ang turing nya sa akin. Marami syang kaibigan. Sa ibang sections, grade levels even mga batang teachers nagiging close nya na rin.

Isang beses, umayaw ako sa alok nyang pumunta ng bar. Nagtampo sya sa akin. Hindi ko rin naman alam na nagtatampo sya nung oras na yun. Siguro manhid lang talaga ako para hindi mapansin. Hindi rin ako ganun natakot na baka di nya na talaga ako kausapin. Siguro nakasanayan ko na talagang walang permanente. Hindi sa madramang paraan.

May mga naging kaibigan din naman ako nung junior high. Pero kapag panibagong school year na at nahiwalay ng section bigla nalang di magpapansinan.

Pero after ng ilang araw, kinausap nya na ako na parang walang nangyari.


"Ano ba yun?" tanong ko sa kanya habang sinisimulan kong buksan ang burger na kani-kanina ko lamang binili.

"Hindi naman sa masama ang bibig ko ha. Pero sure ka ba talagang gusto mo sa Kinsniel Academy mag-aral? Narinig ko kasing sobrang hirap daw makapasok dun. Paano kung di ka nakapasa? I mean kailangan mo ng plan B. Kailangan mo paring magcollege kahit di ka makapasa dun!"

Tama sya. Kahit na pangarap kong mag-aral dun hindi ko rin dapat isantabi ang posibilidad na bumagsak ako. Malakas ang paniniwala ko na makakapasa ako pero iba parin ang handa. Kung bumagsak man ako kailangan kong isipin kung saan ako magka-college at anong course ang kukunin ko.

"Gusto ko sa Kinsniel Academy. Tsaka hindi pa ako nakakaisip ng school na pag-aaralan kung sakaling di ako pumasa. Siguro hangga't maaari tungkol sa music." sabi ko bago kumagat sa burger na binili ko.

Bata palang ako gustong-gusto ko ng maging isang magaling na performer ng banda hanggang sa narinig ko ang tungkol sa prestigious school na Kinsniel Academy at ang bawat parangal na natatanggap nila. At ang mga estudyanteng nag-aaral rito dahil sa galing at husay nila.

Kaya naman ngayong malapit na akong grumaduate, gusto kong magpatuloy ng pag-aaral sa Kinsniel Academy. Mag-take ng entrace exam at pumasa.

◆◆◆◆◆

Bumiyahe ako papuntang Baguio upang mag-entrace exam. Kahit hindi ko man kasama si Mama ngayon ay todo naman ang suporta nya para sa akin. Nabalitaan ko ring mage-exam sa Kinsniel Academy ang kapatid ko. Half brother to be exact.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Hope, PhiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon