CHAPTER FOUR

98 2 2
                                    


HINDI mapigilan ni Patricia na mapatingin sa malaking orasan na nakadikit sa wall ng opisina nila. It reads eight o'clock and she's not a bit worried about the statement that her boss said to her earlier. Ni hindi niya nga naiisip na posible na may dinner sila nito ngayon, na posible na totoo ang sinabi nito kanina, na... Stop it! It's annoying.

She rolled her eyes and continues to do her work. She's not going to think about it again, she promised herself.

"Patch, hindi ka pa ba uuwi? May plano nanaman kayong mag-overnight ni fafa Jem?" Nakangiting pahayag sa kaniya ng kasamahan na si Charlene—who insisted that she called her Az. She really doesn't know why.

Inirapan niya ang self-appointed office best friend niya. "Pwede ba, don't say bad things. I told you hindi fafable para sa akin 'yang boss natin." Liar!

"Oh shut up!" she said aloud.

Tinaasan siya ng kilay ni Az. "Wala pa talaga akong sinasabi, bes. Ang bilis mag-react ah. Parang guilty much?" Tumingin ito sa relo na nasa bisig nito saka kagat-labing bumaling muli sa kaniya. "Saka mo na ako kwentuhan ng mga nangyayari sa inyo ni sir, kasi dah! Obviously, merong something sa inyo e. Pero ngayon, I have to go ha? See you tomorrow."

Nagmamadaling kinuha nito ang suit jacket sa upuan nito saka nagmamadaling tinungo ang pintuan pero bago ito tuluyang lumabas ay huminto ito saka muling humarap sa kaniya at binigyan siya ng isang nakakalokong ngiti. "'Wag mo masyadong halaying si Sir ha? Magtira ka ng kaunti para naman may maabutan pang hahalayin ang iba," humalik pa ito sa hangin saka siya kinindatan.

Bago pa makapagsalita si Patricia ay naisara na nito ang pinto. Napakunot ang noo niya at napasimangot. "Hindi ba pwedeng ako ang gusto niyang halayin?"

Tumayo siya para ayusin ang mga papels sa desk niya na kailangan niyang ibigay kay Jeremy bukas ng umaga para papirmahan. Pinatay na rin niya ang computer at naghanda nang umalis. Hindi na niya iintayin ang boss niya at alam naman niyang baka madaling araw nanaman ito umuwi.

"Ready?"

"Ay tipaklong ka!" Naiinis na binalingan niya ang nagsalita. "Balak mo bang patayin ako sa gulat? You could've warned me."

Tumaas ang isang kilay nito sa paraan na nagpaalala kay Patricia na may mga lalaki talaga na mas sexy tignan kapag mukhang mataray. Napabuntong-hininga siya saka ipinagpatuloy ang pagkuha sa jacket, isinuot niya iyon saka kinuha ang bag niya.

Dumiretso siya ng labas, naramdaman niyang sumunod ito sa kaniya. Hanggang makapasok sila sa elevator ay tahimik sila. She didn't dare start a conversation with the man, baka kung ano lang ang masabi niya. Kaya pinanatili niya ang tingin sa harapan at doon ay nakikita niya ang repleksyon nilang dalawa. He looked tired around the eyes and there's sadness in them. The sadness in them got her curious, she really wanted to know why or who put it there pero masyado naman personal iyon kaya hindi niya magawang itanong dito.

Patricia heard the rumors about him not getting over some girl in the gossip den—which is the pantry area in their office. Hindi niya magawang magtanong kay Charlene tungkol dito dahil alam niyang bibigyan ng kaibigan niya nang ibang kahulugan ang pagtatanong niya tungkol kay Jeremy.

Nang makarating sa ground floor ay magkaagapay pa rin silang naglakad sa looby hanggang sa marating nila ang entrada ng building. Agad na pumarada doon ang isang itim na sasakyan. Bumaba ang isang may katandaan nang lalaki saka binuksan ang passenger seat.

"After you." Nalilitong nilingon niya si Jeremy. Nang muling tumaas ang isang kilay nito ay muling napabuntong-hininga siya.

"I'm not going with you. I rather sleep but thanks anyway." Pahayag niya saka pumihit para tunguhin ang parking area ng building.

Begin Again (ANAC book 2-on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon