KABANATA 4

345 13 2
                                    

"Baby, wake up..."

Rinig kong bulong niya sa may tenga ko. Agad akong nagtalukbong ng kumot sa mukha dahil inaantok pa ako kahit maaga naman akong natulog kagabi. Inalis niya ang pagkakatalukbong sa akin at hinarap ako sa kaniya.

"Inaantok pa ako!"

"Baby, maaga na... pagluluto mo pa ako eh!" Ngayon ay nakahaba na ang nguso niya. Nagmamaktol na animo'y parang isang bata. Nginitian niya ako na ng pagkalaki- laki. Napangiti na rin ako dahil don. Ang makita lang ang ngiti niya ay napapangiti na rin ako.

"Give me five more minutes, inaantok pa ako." Biro ko. Akma akong tatalikod sa kaniya at babalik sa pagkakahiga ng hapitin niya ako papalapit sa kaniya. Ngayon ay nasa bewang ko ang mga kamay niya at nakatingin siya sa akin.

"Hindi ka pa babangon?" May ngisi sa mukha niya, agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. Alam ko na ito, kikilitian niya ako hanggang pumayag ako sa gusto niya.

"Tigilan mo ako, tamo masasapak kita!" Alam niya naman na ayaw kong kinikiliti kasi pakiramdam ko ay nanghihina ako.

"Tingnan lang natin," Agad niya akong kinubabawan at kiniliti.Bigla akong napatili sa ginawa niya. Wala akong nagawa kung hindi ang tumawa ng tumawa hanggang sa pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga.

"Tama na!" Natatawa ko pang anya. Hindi ko na kaya, suko na ako. Maya- maya ay tumigil siya.

"Okay, okay... babangon na ako." Pagsuko kong sabi. Ngayon ay hawak niya ang dalawa kong kamay sa may ulunan ko. Nakatingin lang siya sa mga mata ko.

"Ang ganda mo talaga..." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko maiwasang mapatitig din sa kaniya. Ang mga mata niya ay puno ng sinseridad at pagmamalaki kasama pa ang hindi maputol niyang ngiti.

"Hindi ako magsasawang titigan ka..." Ang mga salitang yun ay kaysarap pakinggan mula sa kaniya

"Light..."

"I love you, Therie... " Punong- puno ng pagmamahal na saad niya. Unti- unting bumaba ang tingin niya sa ilong ko, papunta sa labi ko. Sa isang iglap lang ay naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Agad akong napabalikwas ng bangon. Alas sais na pala pagtingin ko sa orasang nakasabit sa may pader ng kwarto ko. Bigla ay napahawak ako sa mga labi ko, parang totoo lahat ng panaginip ko, ang mga salita niya, ang mga mata niya maging ang mga ngiti niya ay parang totoo. Parang totoong nangyari ang lahat ng iyon. Napabuntong hininga ako...panaginip lang pala.

Tumayo na ako at nagdesisyong bumaba na. Tahimik ang buong sala at walang ingay. Nakasanayan ko na ito magmula noon. Naisipan kong magluto na ng umagahan, nagsaing ako at nagluto ng ulam. Maaga pa at alam kong tulog pa si Dark. Pumunta muna ako sa bakuran upang bisitahin ang anak ko. Umupo ako sa palagi kong pwesto at pinatitigan ang lapida ng anak ko.

'Elielle Light Decervantes'

Si Dark ang nagpangalan sa anak namin. Naniniwala raw kasi siya na babae ang magiging anak namin. Palibahasa ay walang kapatid at solo siyang anak, noon pa man ay gusto niyang magkaroon ng kapatid na babae kaya siguro ganun na lang ang paniniwala niya na babae ang nasa sinapupunan ko noon.

"Goodmorning, anak..." Nakangiti kong bati sa kanya habang himas- himas ang lapida niya.

"How are you? I guess your fine there, baby..."Alam ko namang maayos siya kung nasaan man siya ngayon. Nakakapagpahinga siya at hindi niya na kailangang makaranas pa ng sakit.

"I love you, baby... I wish you're here, kasama ni Mommy."

Nanatili pa ako ng ilang minuto doon. Miya- miya ay tumayo na ako at tumalikod. Baka gising na si Dark.

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon