35

20 1 0
                                    

Habang nasa byahe ay inaasar ako ni Kuya Adam na kesyo ganto kesyo ganyan. Kailan pa daw naging kami ni Bryan ehh sobrang hate nga nung tao yung mga babae na kabilang ako. Hindi pa din ako tinitigilan ni Kuya Adam. Kasi traffic kaya nangungulit sya.

"Louise, kailan nga? Kailan nga naging kayo?." nangungulit na tanong ni Kuya Adam sakin

Nakakainis naman! Gusto ko ng tumahimik muna yung paligid ko pero yung Kuya ko naman? Pinipigilan na mangyari yun!

"Kanina lang. Happy?." naiinis na sagot ko naman kay Kuya Adam

Ngumiti naman ng nang-aasar si Kuya Adam.

"Ehh bakit hindi sakin sinabi ni Bryan? Ano yun tinago nyo lang? O sadyang nagpapanggap lang kayong dalawa?." nakangising sagot naman ni Kuya Adam sakin

Syempre kahit Kuya ko sya kailangang hindi nya rin alam.

"Duhh. Bat naman kami magpapanggap? You know how much I didn't like cheesy words. Pero wala ehh. Tinamaan na ako!." pangungumbinsi ko pa kay Kuya Adam

Nakakadiri mga pinagsasabi ko! Pero kailangan kong gawin tohh for them not to be dissapointed at para hindi na rin ako magmukhang suspicious kay Kuya Adam.

"Nice, finally!." tuwang-tuwa na sagot naman ni Kuya Adam sakin

Uto-uto! Parehas sila ng bestfriend nya! Hahahahaha!

"Okay ka na? Kuya pwedeng tumahimik ka muna? Gusto ko lang sana ng katahimikan kahit sandale." mataray na sabi ko kay Kuya Adam

Good thing at tumahimik sya kasi wala ng magulong nang-iistorbo sakin.

Sa wakas! Nakaramdam rin ako ng kapayapaan.

"Louise." muling pangungulit na tawag ni Kuya Adam sakin

Akala ko lang pala. Akala ko may kapayapaan ng mamamayani.

Wala pa rin talaga.

Inis na nilingon ko naman si Kuya Adam.

Siguraduhin lang talaga nito na importante yung sasabihin nya naku! Baka bigla akong sumabog!

"What?." naiinis na tanong ko kay Kuya Adam

Ngumiti naman sya ng pagkalaki-laki.

"Chill, Louise. Icocongrats lang kita. Sana mabawasan na yang pagsusungit at pagiging suplada mo ngayong kayo na ni Bryan." diretsong sagot naman ni Kuya Adam

Madadagdagan pa! Hindi mababawasan! Madadagdagan!

"So?." mataray na sabi ko naman kay Kuya Adam

"Congrats lang hehe." sagot naman ni Kuya Adam na biglang nahiya

May hiya pala tohh? Ngayon ko lang nalaman!

"Yeahh, thanks." tipid na sagot ko nalang kay Kuya Adam dahil baka mamaya may isusunod pa syang sasabihin ehh

Timpi-timpi muna tayo.

Malapit na rin lang naman kami sa bahay namin at dahil doon ay excited na ako dahil makakapagpahinga na rin ako. Nang walang Adam Loren Lee na nambubulabog.

Pagkapark na pagkapark palang sa garahe namin ay bumaba na agad ako na walang pasabi.

Gusto ko na kasing magpahinga! Nakakapagod ngayong araw sobra!

Hindi naman nagsalita sila Mommy at hinayaan lang akong dire-diretsong umakyat patungong kwarto ko.

Buti ay may mini ref ako sa kwarto kasi umiinom talaga ako ng tubig bago ako matulog.

Simula nung binago ko na ang life style ko at naglagay na ako ng mini ref sa kwarto ko para hindi ko malilimutang uminom ng tubig.

Because water is important to our body.

Tamad kasi akong bumaba kapag umiinom ng tubig. At syaka para no hassle na rin.

Alam ko namang bukas ay marami pa akong haharapin. Basic palang yung ginawa namin ni Bryan kanina at alam kong may mas matindi pa dun.

At yun ang kailangan kong paghandaan. Kaya marapat lamang na magpahinga na ako ng mas maaga. Para marami akong lakas na magagamit para bukas.

Fighting!

----------------------------------------------------------------
Good evening sparkles!~ Thank you for having you all in my life! Nacheck ko kagabi na 301 na kayo!😍 Thank you kasi since day 1 hindi nyo ako iniwan!
I love you all!💫❤ Mwaps!

Enjoy reading!

Blessings!

Love,
sparkly_white

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon