+Kwatro+
Hindi maipaliwanag ni Mania ang kanyang sayang nararamdam sa tuwing ganito ang sitwasyon na kanyang nakikita sa mga taong para sa kanya ay kailangan ng wakasan ang mga buhay. Umangat ang gilid ng labi niya habang nagpupumiglas sa galit ang dalagang si Nancy.
"Go to hell Mania! Napakademonyo mo" lumitaw ang nakakaloko niyang ngiti dahil sa sinabi ng dalaga. Hindi niya inaasahan na ganito pala katindi ang takot nito sa kamatayan, samantalang parang wala lang para rito ang mga kababaihang kinakainisan na niya na pinapakidnap para binibenta sa mga mayayamang politiko, mga tanyag na tao at mga mayayamang negosyante.
"Oo Nancy alam ko, mauuna nga lang kayo ng mga kaibigan mo" sagot niya sa dalaga.
Kasunod non ay ang pag-angat niya sa ere ng martilyong hawak niya at tatlong beses na hinampas ang mga paa nitong halos wala ng buhay dahil bali bali na ang mga buto. Halos madurog na ang paa ni Nancy sa pangatlong hampas ni Mania at tanging pagsigaw nalang ang nagagawa niya sa tuwing lumalapat na sa paa niya ang bakal na martilyong hawak ni Mania. Napahagik-ik si Mania sa naging reaksiyon ni Nancy sa ginawa niya, habang ang tatlong dalaga ay napapahagulgol na sa takot na nararamdaman at 'di nila halos maibaling ang tingin sa kaibigan nila na ngayon ay namumutla na.
"Sino Nancy?" Tanong ni Mania sa dalaga na tudo iling habang tumutulo ang mga luha sa mata.
Inangat ni Mania ang martilyo sa ere sa pangatlong pagkakataon pero malakas na sumigaw si Nancy na nagpangiti kay Mania.
"Si Markie!" Sigaw nito.
"Siya ang patayin mo" dugtong nito saka binalingan ang kanyang kaibigan na ngayon ay napaawang ang labi dahil sa gulat.
Napapalakpak si Mania dahil sa sinabi Nancy na kanina niya pa hinihintay. Nahumakbang si Mania palapit sa de-gulong na kariton para kumuha ng maari niyang gamitin para sa kaibigan nito.
"Hayup ka Nancy! Makasarili ka, traydor!" Sigaw ng dalagang si Markie kay Nancy na ngayon ay sarcastic na napatawa dahil narinig niya mula sa kaibigan.
"Ikaw ang traydor sa ating dalawa, inahas mo ang boyfriend ko, malandi ka. Akala mo hindi ko alam na inaahas mo ko-" isang baseball bat ang humampas sa ulo ni Nancy dahilan para mawalan ito ng malay.
"Ang ingay mo na masiyado" ani Mania saka binaba ang baseball bat na hawak saka inabot ang de-gulong na kiriton at kinuha ang isang maliit na kahon na may lamang sinulid at malalaking karayom.
Inangat niya sa ere ang malaking karayom na may isang makapal na sinulid saka niya hinila ang isang bakanteng upuan at pumwesto sa tabi ng dalaga na ngayon ay walang malay dahil sa nangyari. Hinawakan niya ang mga labi nito saka tinansiya kung hanggang saan niya ipapaabot ang karayom na ipantutusok niya, inumpisahan niya ng ipasok ang ang karayom habang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Nilagyan niya ng pwersa ang bawat pagbaon niya sa karayom dahil may kakapalan ang balat nito habang tumutulo ang dugo nito na umaabot na hanggang sa leeg ng dalaga. Nangangalahati na si Mania nang maalimpungatan ang dalagang si Nancy dulot na rin ng sakit at kirot ng kanyang bibig.
"Shhh... Malapit ng matapos" ani Mania sa dalagang napapailing at sinusubukang iiwas ang bibig kay Mania. Nagsalubong ang kilay nito dahil sa ginagawang paggalaw ni Nancy na nagpapahirap sa kanyang ipasok ang kasunod na karayom sa bibig ng dalaga. Galit na tumayo si Mania at kinuha ang isang malaking bakal, at walang tigil na hinahampas ni Mania si Nancy sa gamit ang hawak niyang bakal na naging dahilan ng pagkamatay ng dalaga. Nagsitalsikan ang mga dugo sa magkabilaang direksiyon at halos bumalot sa buong katawan ng dalagang wala ng buhay at maging sa mga kaibigan nito. Malakas na binaon ni Mania ang bakal mula bibig ng dalaga na tumagos sa leeg nito, durog na durog ang mukha ni Nancy at 'di na halos malalaman ang pagkakilanlan nang tumigil na si Mania.
BINABASA MO ANG
The Murder's Diary
Mystery / ThrillerDugo ang isa sa mga bagay na kinakatakotan ng tao. Dugo ang siyang dumadaloy sa katawan mo upang mabuhay sa mundong ibabaw. Isang pulang likido na kadalasang makikita sa mga krimen kung saan palaging may buhay na binabawian. Maraming uri ng tao ang...