+Kabanata 7+

0 1 0
                                    

+Ang Pagtatagpo+

Malayo pa lang ay rinig na rinig na ni Mania ang ingay na mula sa loob ng classroom niya, may ideya na siya kung ano ang dahilan ng ingay na naririnig niya dahilan para magbigay nang ngiti sa kanya. Humakbang siya papasok ng classroom at diretsong umupo sa kanyang sariling upuan. Bumungad sa harap niya ang kaibigang si Justine na agad na humawak sa braso niya para paupuin siya kaagad saka ito nagsalita.

"Kilala mo naman siguro yung apat nating mga kaklaseng sina Nancy, Angel, Markie at Lizly hindi ba?" Tumango lang siya sa naging tanong sa kanya ng dalaga.

Huminga nang malalim si Justine bago nagsalita.

"Patay na sila, natagpuan ang mga katawan nila sa harap ng mga sarili nilang bahay na nakalagay sa mga parehong malalaking itim na bag at pira-piraso ang mga katawan nila at durog ang mga ulo" may tono ng takot ang boses ni Justine habang sinasabi ang balitang nalaman niya.

Palihim na napangiti si Mania sa sinabi nitong balita. Binigay niya ang kahilingan ng apat na magkakaibigan na iuwi ang mga ito sa kanya kanya nilang bahay.  

"Ahh... Ganun ba?" Patango tango na sagot ni Mania kay Justine.

Kumunot ang noo ni Justine dahil sa naging reaksiyon nito sa nakakatakot na balitang sinabi niya, inaasahan niyang matatakot ito at kakabahan sa balitang kumakalat na ngayon, at usap usapan sa buong campus.

"Hindi ka ba natatakot?" Salubong na kilay na tanong ng dalaga kay Mania na ngayon ay nag-aayos ng gamit sa taas ng sarili nitong mesa.

Ngumiti si Mania kay Justine at tinapik ang balikat nito saka huminga nang malalim habang nakatitig sa nagtatakang dalagang si Justine.

"Wala na tayong magagawa kase tapos na, kaya ang tanging magagawa nalang natin ay tanggapin ang pagkawala nila" aniya.

Umupo si Justine sa sariling upuan nito na nasa harap lang ng upuan ni Mania at saka bumuntong hinga.

"Kung sabagay wala naman na talaga tayong magagawa" sabi nito habang pinaglalaruan ang sarili nitong mga daliri.

Napasingkit ang mata ni Mania sa inaakto ng dalaga dahil inaasahan niyang matutuwa ito dahil wala na ang isa sa mga grupo na nangbubully sa kanya. Salungat sa inaakala niya ang naging reaksiyon nito na hindi niya rin masisi, dahil para sa tulad niya ay normal lang kamatayan o katapusan ng buhay.

"Kahit naman binubully nila ako palagi ay hindi naman pumasok sa isipan kong gustohin na mawala sila, kahit minsan ay gusto ko silang gantihan dahil sa ginagawa nila sa'kin" tumulo ang mga luha nito sa mata habang nakatingin sa upuan ng apat na magkakaibigang sumakabilang buhay na.

Nakinig lang si Mania sa sinabi ng dalagang si Justine na ngayon ay umiiyak sa pagkawala ng apat nitong kaklase. Nagsibalikan ang iba pa nilang kaklase sa mga kanya kanya nitong mga upuan ng pumasok ang kanilang guro at kasunod nito ang grupo ni Lyca.

"Alam kong alam niyo na ang nangyari sa kaklase niyong sina Gonzales, Gonzaga, Mariano at Santiago dahil kalat sa buong campus ang pagpanaw nila" ani ng guro nila na nagpalakas nang bulong bulongan sa  buong klase dahil sa sinabi ng kanilang guro.

Biglang nagvibrate ang cellphone ni Mania at nakita ang pamilyar na numerong tumatawag sa kanya sa kalagitnaan ng klase. Tinaas ni Mania ang kamay niya para sagutin ang tawag na agad pinahintulutan naman ng gurong nasa harap na nagbabalita sa nangyari sa apat na magkakaibigan.

Napakunot ang noo ng dalaga dahil sa natanggap nitong tawag mula kababata niya, may hula na siya sa kung anong dahilan nang biglang pagtawag nito sa kanya. Sinagot niya ang tawag nito at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

The Murder's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon