Kabanata 14

15 5 0
                                    


Revelations

Natigilan ako sa sinabi ni Earl sa akin. Kakausapin nya ako? Para saan naman? I think tungkol ito kay Liezel. Tsk sasabay pa ba sya sa mga problema ko? 

" Tungkol ba kay Liezel?" Tanong ko

Tumango sya kaya napailing ako

" Please.. Pwede wag muna ngayon? Hindi nyo ba nakikitang nakaratay pa ang kaibigan ko?" Inis na sabi ko sa kanya. Hindi pa rin sya nagpa kita ng ekspresyon at sinulyapan ang naka higang si Allyson

" Hindi ako mang gugulo. I just want to tell you something, and Its all about Liezel" Seryosong unas nya.  Kumunot ang noo ko at tiningnan sya ng may pag tataka

Hindi na sya sumagot. Tumango nalang ako at tuluyan syang pina pasok sa kwarto ng hospitan ni Allyson. Pinaupo ko sya sa brown na sofa at nagpunta sa ref

" Here" Inabot ko sa kanya ang tinapay na tira namin kanina. Kinuha naman nya iyon pero ipinatong lang sa ibabaw ng lamesita

" Ano na ang balita sa kaibigan mo? " Tanong nya patukoy kay Allyson. Yumuko ako

" She's already fine. Nag hihintay nalang kami sa pag gising nya"

Tumango sya

Umupo sya ng maayos at nanguha ng tinapay na binigay ko sa kanya. Binuksan nya ang camera na hawak nya at nag tingin tingin doon. Mabilis akong nagtaka sa mga ikini kilos nya

" Ano ang sasabihin mo sa akin?" Diretso ko na sya ng tanong dahil mukhang wala pa rin syang balak umpisahan ang topic tungkol doon

Nag angat sya ng tingin sa akin. Dinilaan nya ang nanunuyong labi nya

" Is there any investigation about what actually happen on her?" Tanong nya ulit. Ano bang gingawa nya dito? Nag hahanap ba sya ng balita tungkol sa kaibigan ko? O tungkol sa kalagayan namin? 

Seryoso ko syang tiningnan. Ganon din ang ginawa nya sa akin " What are you doing here? Are you stalking us?" Malamig kong tanong. Hindi sya nag react kaya mas lalo akong na asar

Wala ba syang balak gawin kundi ang ipakita ang malamig na mukha nya? Ano ba ang sasabihin nya sa akin? Nag papalusot lang ba sya? I think so

" Kung wala kang importanteng sasabihin.. Pwede ka nang umalis"

Hindi sya nag patinag at hindi rin sya kumibo. Ibinalik nya ang tingin nya sa camera'ng hawak hawak nya habang naka sabit ito sa leeg nya

Gusto ko syang kaladkarin palabas ng kwarto pero ayokong mag iskandalo sa harap ng walang malay na kaibigan ko.

Now Im doing a wrong move again. At sa boyfriend pa ni Liezel

" looks like she slip on a wet floor" Tuma tangong sabi nya habang naka tingin sa camera nya.

I know. We already know. Hindi nya na kailangang ipa alam sa amin.

" Iyon na ba ang mahalagang sasabihin mo? Alam na namin" Seryoso paring usal ko. Nakita ko ang pag ngisi nya

The fuck! He looks insane!

" But she's not" naka ngising sabi nya. Taka ko syang nilingon.

Anong ibig nyang sabihin?

" What?" mas lalong lumawak ang ngisi sa mukha nya. Tinanggal nya ang tingin nya sa Camera at tiningnan ako ng diretso

Kumabog ang dibdib ko ng ibungad nya sa akin ang seryosong mukha nya. Ngayon nakita ko ang ibang ekspresyon sa mukha nya. There's a doubt in it. Mukhang pinag iisipan nyang maayos kung itutuloy nya ba ang ginagawa nya  o hindi

Seems Like We're Connected (On Going) Where stories live. Discover now