Kabanata 37
Jet Ski
Pinagmamasdan ko ang sarili ko ngayon sa tapat ng salamin dito sa aking kwarto. I'm wearing the necklace Eli gave me years ago and also the family heirloom ring. Suot ko na ang damit at nakaayos na rin ako. I decided to curl my hair and make myself look beautiful. Huminga ako nang malalim bago bumaba.
Naroon naman sina Arjon at Marlon sa sala at naglalaro ng PS4.
"Hala ate, sa'n punta mo?" Tanong ni Marlon sa akin pagkababa ko. Sino bang hindi magtataka, e ayos na ayos ako ngayon. I tried my best to apply good makeup on my face, nanood pa ako ng makeup tutorial kaninang umaga at bumili ng makeup.
"May yacht party akong pupuntahan. Sabihin mo kay mama na baka bukas na ako makauwi. 'Wag na kayong lumabas ng bahay ah!" Bilin ko sa kanila ay lumabas na sa bahay namin. Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa yacht club.
Kinakabahan man ako sa yacht party mamaya, si Eli na lang ang inisip ko. Hindi pa siya nagti-text sa akin o kahit tumawag man lang. Huli 'yong kahapon ng umaga. Hindi ko naman maiwasn na mag-alala sa kanya.
Nagpark ako sa parking space doon at naglakad papunta doon sa isang luxury yacht kung saan Twilight ang pangalan. Hindi ako nahirapang hanapin ito dahil sa laki nito at marami ding mga tao ang pumupunta dito. Lahat kami ay naka-pula. Ipinakita ko naman sa isang bantay doon ang invitation ko ay pinapasok na ako. Sumalubong sa akin ang warm lights at classical music.
Hindi kaya isang kulto ito? Front lang itong party na 'to? Hindi ko naiwasan na makaramdam ng chills dahil sa ambience na meron ang yacht na ito at maging ang mga tao. Hindi ko naman naiwasang matawa sa iniisip. Masyado lang siguro akong kinakabahan. May waiter dito na nag-iikot at may dalang champagne kaya kumuha ako ng isa. Nagsimula na ding umandar itong yacht.
Nasaan naman kaya si Elijah? Nahagip ko rin ng tingin ang iilan sa mga pinsan niya. Mukha busy sila sa pakikipag-usap sa iilang mga bisita. Inilabas ko mula sa bag ang cellphone ko at tinext si Eli.
To: Elijah
Nasaan ka na? Nandito na ako sa party.Luminga-linga ako at nagbabakasakali na makita siya. Umupo muna ako sa isang malapit na upuan sa akin. Huminga ako ng malalim at tinignan ulit ang cellphone kung may reply na ba si Eli.
"Ashley!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakitang si Madison ito. She looks stunning with her silver party dress. Para siyang model. Ngumiti naman ako at tumayo nang lumapit siya. Yumakap siya sa akin saglit.
"Kadarating mo lang?" Tanong niya at kumuha din ng champagne.
Tumango ako. "Oo. Hindi ko nga alam kung bakit ako pinapunta ni Eli dito." I pouted a bit.
Lumukot ang mukha niya. "My gosh, Ashley! Hindi mo ba alam?"
Para bang tumalon ang puso ko sa sinabi niya. Mas lalo tuloy akong kinakabahan! Bakit naman kasi hindi nagsasabi si Eli kung anong meron ngayon?
"Birthday niya ngayon!" Nanlalaking mga mata niyang sabi sa akin. Nanlaki din ang mga mata ko. Oh my gosh, this is not happening! Tinignan ko naman ang date ngayon—August 28.
I'm fucked up.
"N-nasa'n siya?"
Nakakainis naman! Bakit ko ba nakalimutan?!
"Sa upper deck, kaso nan—"
"Thank you, Madi! See you later!" Sabi ko sa kanya at hinanap na amg hagdan. Since nasa pinaka-ibaba ako ngayon, kailangan ko talaga soyang hanapin at puntahan. Ang laki pa naman nitong yacht na 'to! Ang dami pang tao. May pool pa sa ibaba sa kanina.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...